Margaux POV
Masaya akong nagluluto ng breakfast namin, this day is so special to me
Madami akong niluluto ngayon kasi pupunta ang mga kaibigan namin, makikikain daw sila. Pati ang mga magulang namin ay pupunta din
May yumakap sa bewang ko mula likod at hinalikan ang pisngi ko "Happy Wedding anniversary, love"
Nakangiti akong humarap sa kanya at saka yumakap sa leeg nya "happy wedding anniversary" bati ko rin
Yes, this day is our 5th wedding anniversary. We used to celebrate our anniversary with our friends and family. I'm just really thankful to them.
More than ten years had passed when I survived to meningioma brain cancer. Yes, I'm a cancer survivor and I'm proud of myself
I don't really know what happened to me that day, I just woke up with the headache then Amari and Zeus are arguing, as always
Tandang tanda ko pa kung paano magsisigaw non si Amari na parang baliw kaya sila Dale non ay biglang pumasok sa loob na pinipigilan naman ng mga nurse
Andami nilang ginawa sa akin paggising ko, andaming test na kung ano ano. Nakakasawa. But it's all worth it
Pagkatapos ng lahat ng sakit na naramdaman ko, naging masaya na ako. Nalaman ko rin na muntik na pala akong mamatay at nacoma ako ng one month bago inoperahan
Nalaman ko rin na nagtulong tulong ang mga kaibigan ko para may pera akong maipanggamot, that's why I'm thankful to them
"Ang lalim na naman ng iniisip mo, love" nakasimangot na sabi ni Dale
Nakangiti ko syang pinagmasdan. Sabi nya sa akin non ay takot na takot daw sya sa paggising ko kasi baka wala daw akong maalala. Thankfully, nakakaalala ako
Nagpagaling ako non kaya nalate ako ng pasok ko. Pumasok agad ako non pagkagaling ko. Hindi ko na sila kaklase dahil nahuli na ako ng one year
Grumaduate sila ng college na hindi ako kasabay pero after one year ay sumunod ako at kasama ko sila ng araw na yon
The unexpected things happened that day. Hindi ko alam na may surprise pala na nagiintay sa akin. Guess what? Kinasal kami ni Dale that day
Ang loko! Masyado syang excited na maikasal kasi kakagraduate ko lang ay kinasal na agad ako. I'm just 23 years old that time
"Love, kinikilabutan na ako sa ngiti mo na yan. Namamaligno ka na ba?" Lumayo pa sya sa akin
Masama ko syang tiningnan. Kapag may iniisip minamaligno na agad? Pasapak. Isa lang. Promise!
"Ang OA mo. Iniisip ko lang yung kasal natin"
Agad na bumalik ang ngiti nya. Muli syang lumapit sa akin at niyakap ako ulit
"The best wedding ever" bulong nya
The best wedding ever talaga. Grabe ang ayaw ko non. Mahal ko sya pero kakagraduate ko palang. Andami ko pang gustong gawin
Tapos sya ay halos magmakaawa na sa akin na pakasalan sya, may trabaho na naman daw sya. Ayon, naawa ako kaya nagpakasal ako. HAHAHA joke lang! Mahal ko yan kaya nagpakasal ako sa kanya, hindi lang dahil sa awa
Then after that, magkasabay namin na tinupad ang mga pangarap namin
Nagtrabaho din kami parehas. Yung mga dream job namin ay natupad na namin. I'm a certified public accountant and Dale is now an engineer.
"Yakkkk. Naglalambingan na naman sila"
Napahiwalay kami ni Dale sa isa't isa ng marinig namin ang boses ni Nate.
BINABASA MO ANG
Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)
Teen Fiction"I'll always stay beside you"-Zyner Dale Bernas "I wished you're with me when I needed you the most, but sadly, you chose her over me"-Nathalie Margaux Aviñante