Chapter 22

1.2K 34 2
                                    

"Nakakapagod naman yung ginawa natin"

Napagod pa sya don! Wala nga syang ginawa nung kasama ako kundi umupo at magcellphone tapos nung pinaalis ko naman sya ay bumalik din sya agad so I assume na wala syang ginawa kasama si Zeus

Hindi nalang ako kumibo at hinayaan ko nalang syang dumaldal ng dumaldal sa tabi ko. Kanina pa naman sya nagsasalita ng mga walang kwentang bagay eh

"Ang dami nating pinagsurvey" oh diba! Walang kwentang bagay kasi nagsisinungaling sya. Eh ako nga lang yung nagpasurvey

"Nagugutom na ako, nagutom ako don" wow ha! Ano pa ako?! Gutom na, pagod pa

Pinikit ko nalang yung mata ko at sumandal sa passenger seat habang nakikinig sa mga reklamo nya

Wala namang pumapansin sa kanya kasi yung dalawa sa likod ay may sariling mundo

Nasa isang kotse lang kami, si Dale ang nagdra-drive. Ako sa passenger seat at si Amari at Zeus sa back seat

"Ano kayang masarap na kainin?" Tanong naman nya

Hindi ko sya pinansin. Ayaw ko pa syang pansinin dahil sa narealize ko kanina. Naiilang ako sa kanya ngayon

"San kaya masarap kumain?" Tanong na naman nya

"Alam ko na, bro! Dun sa restaurant malapit sa bahay nyo! Masarap don" sagot sa kanya ni Zeus na napatigil sa pakikipagtalo kay Amari ng marinig ang pagkain

"Hindi ikaw tinatanong ko"

"Ay ako ba? I suggest na don nalang tayo sa---"

"Hindi rin ikaw ang tinatanong ko"pampuputol nya kay Amari

"Edi sana kasi ay nagsabi ka ng pangalan! Ganto dapat 'san kaya masarap kumain, Margaux?' hindi yung tanong ka nalang ng tanong tapos pag sumagot kami ay sasabihin mo na hindi kami" yan na naman po ang bunganga ni Amari. Walang tigil

"San mo gustong kumain, MARGAUX?" Diniinan nya pa talaga ang pagkakasabi ng pangalan ko

"Iuwi nyo nalang ako. Pagod ako. Sa bahay nalang ako kakain" pumikit ako pagkasabi ko non para hindi nya na ako kausapin

Pero sya si Dale kaya hindi na kataka-takang magsasalita ulit sya

"Kumain ka muna. Pagod ka at alam ko na gutom ka rin"

Ayan na naman yung pagbilis ng tibok ng puso ko. Abnormal na ang puso ko.

Mahal ko nga sya! Sure na ako! Base sa mga nababasa ko ay tumitibok daw ng mabilis ang puso ng isang tao kapag may nasabi o nagawa ang taong mahal nya.

Nasisiyahan naman daw sya kapag may ginawa o sinabing maganda ang lalaking mahal nya at nasasaktan sya kapag may maling ginawa ang mahal nya

Tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko yon at saka tiningnan. Nagtaka ako ng makitang may mensahe don at galing pa kay Amari

Tiningnan ko sya gamit ang review mirror. Kumindat sya sa akin kaya napakunot ang noo ko

Binuksan ko yung message nya "confirm na ba?"

Nagtataka ko syang tiningnan ulit gamit ang review mirror. Pasimple nyang itinuro si Dale kaya napatingin ako kay Dale. Wala naman akong nakitang kakaiba kay Dale, nagsasalita lang sya ng kung ano ano habang nagdradrive

Binalik ko ang tingin ko kay Amari. Gumawa sya ng hugis puso sa kamay nya at dahil don ay nalaman ko kung anong ibig sabihin nya

"Oo" reply ko sa kanya

Yes confirm na nga. Mahal ko na si Dale pero ayoko. Ayoko ng nararamdaman ko hindi dahil sa ayaw ko syang mahalin kundi dahil sa alam ko na hindi pwedeng maging kami. Imposible yon

Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon