Dale POV
Nakatutok lang ako sa daan habang nagdradrive. Sinusubukan kong hanapin ang taxi na sinakyan nung dalawa"Humanda sa akin si Amari pag nakita ko sya" sabi ni Zeus na nasa passenger seat. Nililibot nya rin yung mata nya para hanapin yung dalawa
Hindi lang si Amari ang lagot sa akin. Pati si Margaux. Ang tigas ng ulo nya. Sinabing wag lumabas pero lumabas parin tapos tinakbuhan pa kami
Ang malas naman kasi, ang layo pa ng way kanina para makapagu-turn kami kaya inabot kami ng ilang minuto bago nakapagu-turn
Gusto ko nang bungguin yung pader kanina para lang makapagu-turn na ako kanina. Pinigilan lang talaga ako ni Zeus
Humanda sa akin yung dalawang yon pagnakita ko sila. Masyado silang makulit
Kinuha ko sa bulsa ko yung cellphone ko nang tumunog yon. Inihinto ko sa gilid ng kalsada yung sasakyan ko para basahin yung text ni Margaux
"Tulungan nyo kami. May masamang balak yung driver ng taxi" shit! Totoo ba ito?
Kinabahan ako sa nabasa ko. Hindi ko alam kung totoo ito dahil sa mga kalokohan nila ni Amari pero kinakabahan parin ako
Inagaw ni Zeus sa akin yung cellphone ko at saka nya binasa "tangina, bro! Nasa peligro sila."
Tiningnan ko sya ng seryoso "Sigurado ka ba na hindi nagbibiro ang dalawang yan. Puro kalokohan pa naman sila"
"Bro, kilala ko si Amari. Maloko yon pero hindi yon magbibiro ng ganyan"
Mas kinabahan ako sa sinabi nya. Kilala ko rin si Margaux. Masyado syang seryoso kaya hindi nya ito itetext sa akin kung peke ito
Mabilis kong tinawagan ang cellphone nya para kumpirmahin. Sinagot nya ang tawag kaya hindi ko naiwasan na mapasigaw
"WHAT THE HELL IS HAPPENING, MARGAUX?!"
"Tulungan nyo kami, may--" naputol ang sasabihin nya ng may sumabat
"Patayin mo yan o kayo ang papatayin ko?"
Nanginig yung kamay ko ng marinig ko yung boses na yon. Lalaki yon. Baka yun yung driver!
"IF YOU FUCKING DO SOMETHING BAD TO THEM, I'LL MAKE SURE THAT I'LL KILL YOU!" Sigaw ko sa kanya
"Manahimik ka dahil kapag ako napikon ay papatayin ko ang dalawang ito"
Pinatay nya yung tawag kaya napasuntok ako sa manibela ko. Sinubukan ko ulit tumawag pero wala ng nasagot
"What should we do?" Nagaalalang tanong ni Zeus
Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat na gawin. Hindi ko alam kung dapat bang unahin ko muna na hanapin sila o ipaalam sa magulang nila o magreport sa pulis
"Tawagan mo si tito" sabi ko na ang tinutukoy ang ang daddy ni Amari
Sinunod nya ang sinabi ko. Nagdrive naman ako ng mabilis papunta sa bahay nila Margaux upang sabihin sa magulang nya
Nung makarating kami sa bahay nila ay agad kaming bumaba at diretsyong pumasok sa nakabukas na bahay
Nadatnan namin yung mga magulang ni Margaux na naguusap sa sala
"Nandito na pala kayo, nasaan si Margaux?" Tanong sa amin ng nanay nya
"Mrs. Aviñante. Pasensya na po pero nawawala po si Margaux. Sumakay po sila ni Amari sa taxi nung tinakasan nila kami. Nagtext po sila kay Dale na may balak na masama ang driver ng taxi" paliwanag ni Zeus sa kanila
Napatayo yung magulang ni Margaux at saka nagaalalang nagkatinginan. Kahit ako ay nagaalala narin
"Sigurado ka ba diyan?" Tanong nung tatay ni Margaux
BINABASA MO ANG
Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)
Teen Fiction"I'll always stay beside you"-Zyner Dale Bernas "I wished you're with me when I needed you the most, but sadly, you chose her over me"-Nathalie Margaux Aviñante