Chapter 24

1.2K 33 2
                                    

Dale POV

"Na-trace nyo ba?" Tanong lo agad sa mga pulis nung pinatay na nung kausap ko yung tawag

"Alam na namin kung saan, magsihanda kayo. Susugod tayo"

"Be ready to face hell" bulong ko

Tangina nila. Ang dami nilang bibiktimahin sila Margaux at Amari pa. Akala naman nila ay ibibigay namin ang gusto nila, manigas sila!

"Maiwan na kayo dito. Kami nalang ang pupunta, masyadong dilikado"

Tiningnan ko ng masama yung pulis. "Sasama ako. Wala akong pakialam kahit delikado" at mas lalo naman na wala akong pakialam kung pulis ang kausap ko

Hindi din naman ako matatahimik dito lalo na't alam ko na nasa peligro si Margaux

"Son, wag ka ng sumama. Sila na ang bahal don"

"Dad, alam mo naman na hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nakikita si Margaux"

Nandito na rin kasi sila. Tinawagan sila ni Zeus kanina kaya alam na nila ang nangyari. Pumunta agad sila mom and dad dito kasama yung parents ni Zeus matapos malaman ang nangyari

"Kahit sa sasakyan lang po kami. Pangako, hindi kami lalabas. Magtatago kami" suhesyon ni Zeus

Kanina pa kami nagaalala dito. Ilang oras ang hinintay namin ulit bago tumawag yung kumuha sa dalawa para lang maitrace yung kinaroroonan nila

"Sige. Sumunod kayo sa plano para hindi na lumaki pa ang gulo. Imposible na magisa lang ang driver sa pagkuha sa dalawa kaya maghanda kayo"

Nagsihanda ang mga pulis. Sabay sabay kaming lumabas. Pumasok sila mom at dad sa kotse nila at sinama na nila yung nanay at tatay ni Margaux

Nagsipasukan narin yung parents ni Amari at Zeus sa sarili nilang kotse at kami naman ni Zeus at sa kotse ko

"Humanda sa akin yung mga nanakit sa kanila" nakakuyom ang kamao ni Zeus. Yung mata nya ay parang nanlilisik, halang galit

Nagumpisa ng magdrive yung mga pulis kaya sumunod na kami sa kanila.

'Intayin nyo lang kami diyan, Margaux. Ililigtas na namin kayo'

Malapit na kami sa pupuntahan namin ng biglang huminto yung mga kotse sa harap namin. Lumabas yung isang pulis at saka lumapit sa amin

"Hanggang dito nalang kayo. Malapit na tayo, baka madamay kayo. Kami na ang bahala sa kanila. Tatawagan namin kayo agad kami nailigtas na namin sila"

Tumango ako "Siguraduhin nyo na walang mangyayaring masama sa kanila"

Bumalis sya sa sasakyan nila at muling nagmaneho. Nanatili kami sa loob ng sasakyan namin habang iniintay ang tawag nila

"Ang tagal naman nila tumawag!" Inis na sabi ko nang ilang minuto na ang nakakalipas ay wala parin akong natatanggap na tawag

"Bro, magintay lang tayo ng ilang sandali pa. Kapag hindi pa sila tumawag ay tayo na mismo ang susunod don"

Siguraduhin lang talaga nila na walang mangyayaring masama sa dalawa kundi gagawa ako ng paraan para matanggal sila sa trabaho

"Naiinip na ang kamay ko makasuntok ng mga gagong mukha"

"Hindi ka nagiisa" sagot sa akin ni Zeus

Ilang minuto pa ang hinintay namin hanggang sa makatanggap ako ng tawag. Agad ko iyon sinagot

"Hello, okay na ba?"

"Pwede na po kayong pumunta dito, sir"

Pinatay ko agad yung tawag at saka ko pinaharurot yung kotse ko papunta sa lugar

Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon