Chapter 29

1.2K 35 6
                                    

Amari POV
"Bes. Yan ang napapala mo sa sobrang pagkaover thinker mo. Yan! May jowa ka narin tuloy!"

'Sige ipaalala mo pa! Namamatay na nga ako sa kilig dito tapos pilit mo pang pinapaalala sa akin!'

Impakto kasi yang Zeus na yan eh. Inimpakto lang naman ako kaya ayon nabago ang status ng relationship ko. From single to in relationship

Yes! You read it right! In relationship na po ako! I'm so happy for my self

Wanna know how? Secret!

"Pero Amari! Yung reaction mo kanina, sobrang nakakatawa! Biruin mo, naisip mo na nakabustis sya dahil sa pagbubulungan namin. Napakalawak ng imahinasyon mo" kanina pa yan ganyan, nababaliw na sya pero mas nababaliw na ako

Kung alam ko lang na ganon yung mangyayari edi sana umarte na ako non pa. Pero hindi arte yung kanina ah!

"Yung mukha nya. Hindi nya alam ang gagawin sayo. Whahahahahaha para ka kasing nasiraan ng bait kanina"

WHAHAHAHAHA nasiraan talaga ako ng bait. Ikaw ba naman malaman mo na nakabuntis yung mahal mo ng ibang babae tapos malalaman mo na nagoover thinking ka lang

Hinampas nya ako sa braso "Pero Amari! In relationship ka na! Sabi ko na nga ba eh, may feelings kayo sa isa't isa!"

Napatitig nalang ako sa pader. Nakangiti kong inalala yung nangyari kanina

Flashback

"Hindi ako nakabuntis. You're just overthinking and overreacting."

For the second time. I fucking stop. I stop from crying, sobbing and moving

Kusa ring bumagsak ang kamay ko sa magkabilang gilid ko mula sa pagkakayakap ko sa kanya. Napatulala ako sa pader na nasa harapan ko habang naririnig ko ang tawanan ng dalawa

Hindi parin sya humihiwalay sa yakap sa akin. Hindi ko magawang lumayo sa kanya.

"Wala akong nabuntis. Hindi ko magagawang mambuntis ng ibang babae kung hindi ikaw sila" what the hell?!

Alam nyo yung feeling ng napahiya. Yung hindi ka makagalaw kasi parang isa pang kilos mo ay mas mapapahiya ka pa. Yung wala kang magawa kundi tumulala nalang

Yung luha ko na kanina ay natulo dahil sa sakit. Ngayon natulo na sila dahil sa kahihiyan. Ang tanga tanga ko!

"Stop crying. Walang iba" paano ako hihinto sa pagiyak kung nararamdaman ko sa sarili ko ang pagkapahiya at pagkamuhi sa sarili ko

Ang sarap gawin sa sarili ko yung mga naisip ko kanina na gagawin ko sa babaeng nabuntis nya

Gusto kong sabunutan ang sarili ko hanggang sa makalbo ako. Gusto kong sampalin ang sarili ko hanggang sa mamaga ang pisngi ko at gusto kong bugbugin ang sarili ko hanggang sa hindi na ako makatayo

Nagdrama ako ng sobra tapos ganto lang ang mangyayari sa akin!

Umalis sya sa pagkakayakap sa akin at bahagyang lumayo. Hawak nya ang magkabilang braso ko. Hindi ko parin magawang gumalaw

Diretsyo lang ang tingin ko sa harapan. Sa leeg nya. Hindi ko magawang itaas pa ang tingin ko dahil sa pagkapahiya

Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon