Chapter 20

1.5K 36 3
                                    

"Ang init" patuloy akong nagpapaypay sa sarili ko kasi sobrang init

Paano naman kasi, halos maghapon ko ng suot itong jacket na ito at hindi ko manlang matanggal dahil nagagalit si Dale

Nababaliw na naman kasi ang isang yon eh. Ang init init tapos pagjajacketin ako tapos wala pa itong zipper para mabuksan ko manlang

"Baliw naman kasi yan si Dale. Ang init init tapos pagjajacketin ka. Patay pa naman ang aircon" bulong din ni Amari sa akin

Nasa klase pa kasi kami at baka mapagalitan kami ng prof namin kung magiingay kami

Buti nga at pinayagan nya akong tanggalin yung hood ng jacket sa ulo ko eh. Ang tagal ko pa syang pinilit don

Nasa klase kasi kami at bawal ang sumbrelo sa loob ng room pag may klase, baka mapagalitan ako

"Magkakaroon kayo ng thesis, uumpisahan nyo yon ngayon at kailangan nyo yon matapos sa itatakda kong oras. Hahayaan ko kayong lumabas ng academy kung kailangan nyo maginterview. Ang hindi makakapagpasa ay bagsak"

Agad nagsiangalan ang mga classmates ko dahil sa sinabi nya. Yang thesis na yan ay mahirap, madaming bumabagsak dahil diyan at hindi ko pinangarap na maging isa sa kanila

"By pair ang thesis nyo at kayo na ang bahalang pumili ng partner nyo"sabi ulit ni prof at parang atomatiko naman akong napatingin kay Amari at nung mapansin namin na nakatingin kami sa isa't isa at mahina kaming napatawa pareho

"Magplano na kayo ng gagawin nyo ngayon" sabi ni prof at saka lumabas ng room na wala man lang paalam

"Partner ko si Margaux!" Biglang sigaw nung tatlo

Napanganga nalang ako sa kanilang talo. Tiningnan ko sila isa isa bago ako muling tumingin kay Amari "sya na yung partner ko eh"

Matagumpay na ngumiti sa akin si Amari tapos si Dale naman ay tumayo sa harapan ko tapos si Zeus ay napanguso

"Ako ang partner mo" seryosong saad ni Dale na parang wala na akong magagawa don

"Nek nek mo! Kanina pa kami partner Margaux kaya sa akin sya" singit ni Amari

"Sya na kasi yung partner ko eh" tukoy ko kay Amari

"No, I'm--"

Hinila ako ni Amari patayo at saka kami tumakbo palabas ng room "kita nalang kayo ni Margaux mamaya" sigaw pa nito

Natawa nalang ako sa kanya. Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makapasok kami sa library. Nagtaka ako ng buksan nya ang isang malaking cabinet at saka pumasok don

"Anong gagawin mo diyan?" Tanong ko sa kanya na parang sya na yung pinakawirdong tao na nakilala ko

"Pasok ka dito, dali!" Mahinang bulong nya. Hinila nya na ako papasok sa cabinet at saka hinila pasara yung pinto

"Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ko sa kanya

Alam ko na library ito at syempre dito kami magaaral pero ang tinatanong ko ay kung bakit kami nasa loob ng cabinet

Malaki itong cabinet na ito kaya kasyang kasya kami dito, nakatayo lang kami at hindi gumagalaw

Inilagay nya ang hintuturo nya sa unahan ng labi nya "Shhh, wag kang maingay. Alam ko na hinahanap na tayo nung dalawa kaya nagtatago tayo. Hindi ako papayag na maagaw ka sa akin ni Dale, partner tayo!"

Bahagya akong natawa. May pagkabaliw din itong babaeng ito eh, kung ano anu ang iniisip buti nalang talaga ay walang tao dito kundi yung nagbabantay na sa tingin ko ay hindi kami napansin HAHA

Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon