"Masaya ka na ba?" Tanong nya
Hindi ko sya nagawang sagutin. Masama ang tingin nya sa akin at alam na alam ko yung dahilan non
"Mangaagaw ka. Manggagamit. Ginagamit mo lang silang tatlo para makaangat ka sa buhay! Gold digger!" Lumapit sya sa akin at saka ako sinampal
Napatagilid yung ulo ko dahil don. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng pagkakasampal nya.
"Stay away from them! Stay away from Dale!" Muling sigaw nya
Nagangat ako ng tingin kay Jeah. Galit na galit sya sa akin. Sobrang sama ng tingin nya
Nandito kasi kami sa cr. Pumunta ako dito para magcr tapos palabas na ako ng harangan ako ni Jeah at Janna tapos eto na
"Hindi ko sila lalayuan. Kaibigan ko sila" sagot ko
Mas sumama yung tingin nya sa akin. Lumapit sya saka bigla nalang hinila yung buhok ko "sumasagot ka pa talaga! Ang kapal naman ng mukha mo"
"Ano ba! Bitawan mo ako" sinubukan kong tanggalin yung kamay nya sa pagkakahawak sa buhok ko pero mahigpit yon
"Lumayo ka sa kanila! Hindi ka nila kailangan! Naiintindihan mo ba?"
"Ikaw ang hindi nila kailangan!" Hindi na ako nakapagpigil, nasigawan ko na sya.
"Lumalaban na sya Jeah! Sinisigawan ka na"rinig kong sabi ni Janna. Sinabunutan ko na rin sya
Sawang sawa na ako na inaapi. Hindi habang buhay ay papaapi nalang ako. Hindi ako pinalaki ng magulang ko para saktan lang nila
"Ahhh" daing ni Jeah
Hinawakan ko ng mahigpit yung buhok ni Jeah at mas hinila pa yon!
Lugi ako, dalawa sila, isa lang ako pero hindi ko hahayaan na manalo sila.
"Ouch!" Sigaw ni Jeah.
"Bitawan mo sya!" Sigaw naman ni Janna. May katangahan ding taglay itong si Janna eh. Sinasabunutan ko rin naman sya pero inuna nya pa si Jeah.
"Ahhh" daing ko ng halos ingudngod na nila ako sa lababo
Apat na kamay ang nasa ulo ko samantalang sila ay tigisa lang, lugi talaga ako.
Inangat ko yung paa ko at saka ko sinipa si Jeah palayo sa akin. Napabitaw naman sya at bahagyang napaurong.
"Bwisit ka talagang babae ka!" Lumapit sya sa akin at muli akong sinabunutan pero nagtaka ako ng bigla nalang syang natumba
"Oh my gosh Jeah!" Sigaw ni Janna at saka nilapitan ito
"Jeah!" Napatingin ako sa sumigaw at naramdaman ko na ligtas na ako ng makita ko si Dale
"Dale" bulong ko, lalapit na sana ako ng bigla syang tumakbo papunta kay Jeah at binuhat ito
Kitang kita ko ang pagaalala nya sa mata nya. Hindi manlang nya ako nagawang tingnan. Umalis sya ng cr habang buhat si Jeah, nagmamadali. Ngumisi naman si Janna sa akin bago sumunod sa kanila
Kasabay ng paglabas nila ay ang pagtulo ng luha ko. Akala ko, ako yung pinuntahan nya. Pero si Jeah ang inuna nya
Hindi man lang nya ako nagawang tingnan, kahit sulyapan man lang
Kumirot yung dibdib ko at kasabay non ay ang pagsakit naman ng isang bahagi ng ulo ko
Ayan na naman. Sumasakit na naman ang ulo ko. Napakapit ako sa pader sa tabi ko ng magsimulang umikot ang paligid ko
Napapikit ako ng mas lalo pang kumirot yung ulo ko. Kasabay ng pagsakit pa ng ulo ko ay ang panghihina ng katawan ko, namalayan ko nalang ay natumba ako
BINABASA MO ANG
Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)
Teen Fiction"I'll always stay beside you"-Zyner Dale Bernas "I wished you're with me when I needed you the most, but sadly, you chose her over me"-Nathalie Margaux Aviñante