Chapter 38

1.5K 36 3
                                    

"Hoy bes. Wag kang tamad. Tanghali na. Gumising ka na"

"Margaux, love. Gising na"

Imagination ko ba yon? Nananaginip na naman ata ako. Nitong mga nakaraang araw kasi ay malimit akong managinip

"BESSSSSSSSSSS"

"Hoy, Amari. Ang ingay mo. Mahiya ka nga. Wala ka sa bahay nyo!"

"Sinisigawan mo na ako? Gusto mo magbreak na tayo?"

"Joke lang hehe. Magingay ka lang diyan."

"Lumabas na nga kayong dalawa! Ang iingay nyo"

Ilang segundong nanahimik ang paligid ko hanggang sa may tumapik ng balikat ko

"Margaux, love. Gising na. May pupuntahan pa tayo"

"Hmmm" umayos ako ng higa at mas niyakap pa yung unan ko

"Ang kulit naman nitong babaeng ito eh. Ang hirap gisingin"

"Shhhhhh" inis na sabi ko. Minsan na nga lang magpahinga tapos may nangiinis pa

May humaplos sa pisngi ko "Wake up. May pupuntahan pa tayo"

Teka! Hindi ito panaginip! Nararamdaman ko talaga na may humahawak sa pisngi ko!

Mabilis kong minulat ang mata ko at umupo. Nilibot ko ang paningin ko, tumama yon sa mata ng lalaking mahal ko

"Anong ginagawa mo dito? Diba may pasok ka?" Kaagad na tanong ko sa kanya

Pasimple kong hinatak ang kumot ko at mas pinalibot ko pa sa katawan ko yon. Nakasando at short lang ako! Syempre pati bra at panty

Bahagyang humaba ang nguso nya "you are not there kaya umabsent nalang din ako. Mamimiss lang kita don"

Hinawakan ko ang tenga nya at piningot sya "Hindi porket wala ako don ay aabsent ka na rin. Hindi ko naman hawak ang katawan mo"

"Awww bitaw! Awww sakit!" Daing nya

Binitawan ko naman yung tenga nya kaya mabilis nya akong sinamaan ng tingin peri nginisian ko lang sya.

Bumangon ako. Inayos ko ang higaan ko at ang sarili ko bago ako lumabas para magtoothbrush

Sino ba ang nagpapasok sa lalaking yon sa kwarto ko! Natutulog pa ako tapos pinapasok. Paano nalang kung natanggal ang kumot ko habang natutulog ako. Hayss

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Amari at Zeus sa sala na naghaharutan. Dito pa talaga sila dumayo ng paghaharutan

"Anong ginagawa nyo dito?"

Sabay silang tumigil sa pagkikilitian. Tiningnan nila ako na nakataas na ang isang kilay habang nakatingin sa kanila

"Bes! Gising ka na! Buti naman. Ang hirap mong gisingin!"

"Ano ngang ginagawa nyo dito?" Paguulit ko ng tanong ko

"Kasama ko sila" si Dale ang sumagot na nasa likuran ko

"Alam ko. Ang tanong ko ay kung anong ginagawa nyo dito?"

Pumunta ako sa kusina namin na katapat lang ng sala. Naglagay ako ng toothpaste sa toothbrush ko habang iniintay ang sagot nila

"Gagala tayo! Absent ka kasi eh kaya umabsent nalang rin kami. Boring don eh. Mga plastic naman ang mga classmates natin" excited pang sagot ni Amari

Nagumpisa akong magsepilyo at tinapos ko muna yon bago ko sya sinagot

"Naalala nyo ba ang sinabi ng nurse? Magpahinga daw ako. Kaya nga ako absent eh"

Sa katunayan ay masaya ako na nandito sila. Ito na ang last day na makakasama ko sila pero kasi masama ang pakiramdam ko eh. Pakiramdam ko ay pagtumayo ako ng matagal ay matutumba ako

Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon