"Paano na ang thesis natin?"
"Hindi ko alam, alangan naman na dito pa tayo gumawa"
"Scholar ako, hindi ako pwedeng umabsent pero ilang araw na akong absent. Baka mawala ang scholarship ko"
Yun talaga ang pinagaalala ko eh. Hindi pwedeng mawala ang scholarship ko dahil kailangan ko makapagtapos ng pagaaral ko
"Ano ka ba? Boyfriend mo ang anak ng may ari ng school. Future mother and father in law mo naman ang may ari. Hindi ka nila tatanggal ng scholar. Sa anong silbi namin? Magulang namin ni Zeus ang investors ng school at anak naman kami. Hindi ka namin hahayaan na matanggalan ng scholarship. Saka nagpadala na sila ng letter natin sa bawat teacher kung bakit hindi tayo makapasok"
Napaayos ako ng upo sa sofa "Ayoko naman kayong abusuhin. Hindi porke kaibigan ko kayo ay gagamitin ko na kayo"
Napairap sya "wala naman akong sinabi na gamitin mo kami. Ang point ko don ay hindi ka matatanggalan ng scholarship"
Napangiti ako "Thank you. Thank you"
Todo todo ang pagpapasalamat ko talaga sa kanya. Dahil sa kanila ay maipagpapatuloy ko yung pangarap ko
"Where's the patients?" Naguguluhang sabi nung doctor na pumasok kasama yung dalawang nurse
Itinuro ko naman yung dalawa na nakahiga sa higaan namin ni Amari. Si Dale at Zeus.
Natawa na naman ako sa lagay nila. Sila na yung nakahiga sa hospital bed namin. Inaantok na daw sila and since ayos na naman kami ay pinahiga namin sila
Sa kalokohan namin ni Amari ay tinanggal namin yung mga damit panghospital namin at saka nagpalit ng iba at saka isinuot kila Dale yung sinuot naming pantaas
Nagpakahirap pa kami na ayusin yung higa nila at kinumutan. Buti nalang talaga ay hindi nagising. Mga tulog mantika. Ilang araw narin kasi sila dito, hindi naalis. Naalis lang siguro sila pag uuwi sa kanila para magpalit tapos balik na ulit. Kahit gabi ay nandito sila
Tinanggal din namin yung mga nakakabit sa amin at saka ikinabit sa kanila. Syempre tinape lang namin. Hindi talaga namin ikinabit. Mukha na tuloy silang pasyente
"Akala ko babae yung nandito?" Mahinang natawa si Amari sa doctor
"Akala nyo lang yon doc. Baka nagkamali kayo ng room" hindi kasi sya yung doctor na nagaasikaso sa amin kaya hindi nya alam na kami yung patients
"Sige. I check ko lang sila" nakangiting sabi nya
Lumapit yung dalawang nurse don sa dalawa at hinawakan yung wrist nung dalawa na parang binibilang yung pagtibok don ng pulso
Sobrang pagpipigil namin ni Amari na tumawa dahil yung dalawa ay walang kaalam alam
Chineck nung doctor yung tibok din ng puso nung dalawa "Maayos na naman sila. Wala na silang kumplikasyon." Seryosong sabi nung doctor
Napalaki yung mata ko ng may hinanda yung dalawang nurse na parang pangturok at itinapat nila sa braso nung dalawa
"No!" Sabay na sigaw namin ni Amari at saka nilapitan sila
Hinawakan ko yung braso nung babaeng nurse at saka hinila ng bahagya palayo kay Dale. "wag nyo po silang turukan"
"Pero kailangan nila ito para patuloy na silang gumaling" nakakunot ang noong sabi nito
"No. Magaling na po sila. Hindi na po kailangan"
"Bakit ba ang ingay nyo. Natutulog ako" sabi ni Dale na kakagising lang
Patay!
Lumapit naman yung nurse sa kanya. Pati si Zeus gising narin. Lagot talaga kami
"Kailangan namin kayo turukan para tuluyan ng umayos ang pakiramdam nyo. Pinipigilan nila kami"
BINABASA MO ANG
Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)
Teen Fiction"I'll always stay beside you"-Zyner Dale Bernas "I wished you're with me when I needed you the most, but sadly, you chose her over me"-Nathalie Margaux Aviñante