Chapter 2

1.6K 49 9
                                    

Margaux POV

"Good morning class" bati sa amin ng prof namin na kakapasok lang.

"Good morning Ma'am Jessa" bati ko rin, kagaya ng dati ay hindi na naman bumati ang mga classmates ko kaya ako nalang ang magisang bumati.

"Thank you Ms Aviñante, nasaan na ang mga scrapt book na ginawa nyo. Ipakita at ipaliwanag nyo dito sa unahan isa isa"bago pa sya tumawag ng mauuna ay bigla nalang tumayo sa unahan si Jeah.

"Ako muna ang mauuna" binuklat nya ang unahang bahagi ng scrapt book nya "This is my family, sa tingin ko naman ay hindi kayo bulag para makita na masayang masaya kami sa picture na ito"

Tinitigan ko ang picture at nakita ko sya kasama ang magulang nya na nakaupo sa isang sofa at mga nakangiti. Nakangiti man sila ay napansin ko na may kakaiba sa mga ngiting yon.

Ipinagpatuloy nya ang pagbuklat at pagsasalita "Mayaman kami at lahat ng gusto ko ay nakukuha ko dahil binibigay nila. Wala man sila lagi sa tabi ko ay ayos lang basta naibibigay nila ang gusto ko. Alam ko naman na ginagawa nila ang lahat para sa akin kaya masaya na ako kahit hindi ko sila kasama. Money is important for them.....for me"ngiting ngiti nyang sabi

Yan ang hirap sa mayayaman eh. Ang importante lang sa kanila ay pera. Parang ang buhay nila ay umiikot lang sa pera.

Malaki ang pinagkaiba namin kasi ako ay masaya na kasama ko ang pamilya ko kahit wala kaming pera at hindi nila naibibigay ang gusto ko at pangangailangan ko.

"Thank you Ms De Castro" binigyan ni Ma'am Jessa si Jeah ng ngiti pero halata ko na pilit lang yon "Next, Ms Aviñante"

Agad akong tumayo at pumunta sa unahan. Napansin ko na walang nakatingin sa akin at may ginagawa silang lahat.

Tumingin nalang ako kay Ma'am Jessa na syang nagiisang nakatingin sa akin. Sanay na ako sa ganito kasi wala naman nagkakainteres na makinig lagi sa sasabihin ko.

"This is my family" ipinakita ko sa kanya ang maliit na litrato sa unahang bahagi "Hindi po kagaya ng iba, hindi po kami mayaman, wala po kaming maraming pera kagaya ng nakakarami dito. Hindi man po kami mayaman ay masaya naman po kami. Kahit walang pera, natuto kaming makuntento sa kung ano ang meron sa amin. Hindi man nila naibibigay ang mga pangangailangan ko at kagustuhan ko ay ayos lang. Sapat na na kasama ko sila. Mas gugustuhin ko pa na makasama sila kesa makuha ko lahat ng gusto ko at pangangailangan ko kasi sila ang gusto kong makasama at sila ang kailangan ko"nakangiti kong sabi at nakita ko naman na napangiti sya saka ako pinalakpakan

"I'm so proud of you Ms. Aviñante"

"Thank you po" sabi ko at babalik na sana ako sa upuan ko ng may tumisod sa akin kaya napaupo ako sa sahig

"HAHAHAHAHAHA lampa" tawanan ng mga classmates ko

"Magsitahimik kayo, Ms Aviñante okay ka lang ba?" Tanong ni ma'am kaya tumango nalang ako

Nakayuko akong bumalik sa upuan ko. Alam ko naman kung sino ang tumisod sa akin pero wala akong magagawa kasi boyfriend nya si Dale at ayaw ko na mapaalis sa school na ito.

Nagpatuloy ang pagprepresent ng mga classmates ko habang ako ay nakikinig lang sa kanila. Lahat sila ay may pamilya na pera lang ang mahalaga. Masaya silang lahat na nakukuha nila ang gusto nila.

Nung lunch na ay pumunta nalang ako sa garden dala ang bag ko saka ako umupo sa ilalim ng puno at don kumain.

Itlog lang ang ulam ko pero okay na yon. Ayoko na kumain sa room kasi baka mangyari ulit yung nangyari kahapon na hindi ako nakakain ng maayos.

Marami ang natingin sa akin pero lahat sila ay tumitingin lang na may pandidiri. Kapag nakikita nila ako ay lumalayo sila sa akin na parang may sakit ako na nakakahawa.

Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon