Pangilang beses na bang tumunog ang cellphone ko dahil sa text? Pangilang beses na din bang nagring dahil sa tawag
Hindi ko na mabilang, pero sigurado ako na galing lang yon sa isang tao. Kay Dale
After ko sabihin ang mga yon sa kanya ay pinagsaraduhan ko sya ng pinto at pumasok muli sa kwarto ko para magpahinga
Nagsisi agad ako na sinabi ko yon, pero masisisi nya ba ako? Pinaramdam nya sa akin na mas mahalaga si Jeah
Muling nagring ang cellphone ko na senyales na may tumatawag na naman
Nagbingi bingihan ako hanggang sa muling mamatay yon pero muli ulit nagring
Naiinis na tumayo ako sa higaan ko saka padabog na sinagot ang tawag
"Hello"
"Margaux, let's talk. Please"
Napabuntong hininga ako "Umuwi ka na Dale, wala ako sa mood makipagusap sayo ngayon. Sa ibang araw nalang tayo magusap" alam ko kasi na nasa labas pa sya dahil naririnig ko pa ang pagkatok nya at ang paulit ulit na pagtawag sa akin
"Please naman oh. I'm sorry. Sorry kasi nakalimutan ko" inamin nya rin
"Dale, sa ibang araw nalang tayo magusap, masama ang pakiramdam ko. Kahit ngayon lang. Makinig ka naman sa akin" pakiusap ko
Hindi parin nawawala ang pagkahilo na nararamdaman ko at pakiramdam ko ay mas lumalala pa yon sa tuwing gumagalaw ako
"Are you okay? Kailangan mo ba ng gamot? Buksan mo itong pinto" bakas ang pagaalala nya pero hindi yon nakakatulong sa akin
"Okay lang ako. Umuwi ka na, tutulog na muna ako" pinatay ko yung tawag
Umayos ako ng higa sa higaan ko at niyakap ang unan ko ng mahigpit upang kumuha don ng makakapitan dahil sa nararamdaman ko
Bakit kasi ako pa? Wala naman akong ginawang masama. Naging mabait naman ako sa buong buhay ko. Bakit kasi ang unfair ng mundo?
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulog, basta nagising nalang ako katok ni nanay
Agad akong tumayo upang pagbuksan sya ng pinto. May bitbit syang isang malaking plastic bag at alam ko na bagong labahin na naman yon
"Ang dami nyan nay ah" puna ko.
Sumilip ako sa labas upang tingnan kung nandon si Dale pero wala na sya don. Umalis na nga sya
Ibinaba nya yon sa sahig "Galing ito diyan sa nga kapitbahay natin, nagpapalaba ulit. Gagawin ko na ito ngayon para panibago na ulit bukas"
Nakakunot noo ko syang tiningnan "Nay, bukas na yan. Magpahinga muna kayo. Kadadating nyo lang oh"
Nakangiti syang tumingin sa akin pero halatang pilit lang yon. Sa tagal na naming magkasama alam ko na kung pilit ba yung ngiti nya o totoo
"Kaya ko pa naman. Magpapahinga lang ako saglit tapos maguumpisa na ako"
Agad na nangilid yung luha ko kaya umiwas ako ng tingin. Alam ko naman na kaya nya ito ginagawa ay para sa akin pero ang hirap parin isipin na yung magulang mo ay nagpapakahirap magtrabaho para lang mapagamot ka
Tumalikod ako at nagkunwaring may hinahanao kasabay ng pagpahid ko sa luhang tumulo mula sa mata ko
Kumuha ako ng sabon sa lagayan namin "Sige nay, tulungan ko na kayo" agad kong kinuha yung plastic nyang dala at saka ako pumunta sa likod bahay namin
"Margaux, ako na ang bahala dyan, magpahinga ka nalang don" pilit na inagaw sa akin ni nanay ang tabo pero hindi ko binigay. Nagpatuloy ako sa paglalagay ng tubig sa planggana
BINABASA MO ANG
Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)
Ficção Adolescente"I'll always stay beside you"-Zyner Dale Bernas "I wished you're with me when I needed you the most, but sadly, you chose her over me"-Nathalie Margaux Aviñante