Chapter 36

1.3K 31 7
                                    

"Nagtanggal ng mga trabahador sa pinagtratrabahuhan ko at isa ako sa natanggal" boses yon ni tatay

Mahina pero sapat lang para marinig ko dahil sa hindi kakapalang dingding na naghihiwalay sa kwarto ko at sa kanila ni tatay

"Paano na yan? Ano na ang gagawin natin? Alam mo naman na kailangan natin ng pera ngayon dahil may sakit si Margaux."

Mas inilapit ko pa ang tenga ko sa dingding namin upang mas marinig ko pa sila

"Gagawa ako ng paraan. Hahanap ako ng trabaho"

"Alam mo na mahirap maghanap ng trabaho dito sa maynila. Mahirap kumita ng pera dito. Kung wala kang pera, magiging kaawa awa ka, yun ay kung may maaawa sayo"

"Susubukan ko maghanap agad bukas. Gagawa ako ng paraan" bakas ang lungkot sa boses ni tatay.

"Kailangan natin bumili ng mga gamot ni Margaux. Pinayagan man tayo ng hospital na hindi agad bumili pero alam naman natin na kakailanganin ni Margaux yon"

Malaking problema talaga ang sitwasyon ko. Hindi pa ako nakakainom ng gamot dahil wala pa kaming pambili dahil sa mahal ng mga iyon

"Gagawa ako ng paraan. Bukas na bukas din ay maga-apply ako kahit saan para magkapera tayo at makabili tayo ng gamot"

"Kung nasa probinsya lang sana tayo ay hindi na na natin proproblemahin ang makakain natin. Pwede tayong magtanim don dahil may lupa naman na pwedeng pagtaniman. Eh dito, kahit kakapiranggot na lupa ay wala tayong pagaari"

Tama. Kung nasa probinsya lang kami ay hindi kami mamomoblema ng ganito

Hindi ko napigilan ang sarili ko na lumabas sa kwarto ko at pumunta sa kwarto nila

"Nay, tay. Umuwi nalang kaya tayo sa probinsya"

Sabay silang napatingin sa akin "Anak, gising ka pa pala"

"Opo nay. Narinig ko po ang paguusap nyo. Sa tingin ko po ay mas makakabuti kung uuwi nalang po tayo sa probinsya"

Agad na umiling si tatay "hindi tayo babalik don. Nagaaral ka pa at mahirap ang gamutan sa lugar na iyon."

"Pero tay, mas mahihirapan tayo kung nandito tayo. Pwede naman na don nalang ako magaral. Magpapalipat ako" mas makakabuti sa amin ang nasa isip ko

Mahirap makipagsapalaran dito. Mahirap kumita ng pera. Mahirap maghanap ng makakain. Hindi kami pwedeng umasa na may maaawa sa amin at tulungan kami pero.....

Walang Amari at Zeus sa probinsya at lalong walang Dale. Kaya ko ba silang iwan?

"Tama ang anak natin. Mas mapapadali ang buhay natin kung babalik tayo sa probinsya. Nandon ang mga kamaganak natin na pwede natin mahingian ng tulong" pagsangayon sa akin ni nanay

Parang gusto ko nalang bawiin agad ang sinabi ko. Gusto kong sabihin na dito nalang kami. Ayoko mahiwalay sa mga kaibigan ko at lalo na kay Dale

"Yan ba talaga ang gusto nyo?" Tanong ni tatay sa amin na parang nagaalangan

Hindi po "opo" hindi ako pwedeng maging makasarili. Alam ko na nahihirapan narin sila sa buhay dito

Don sa probinsya ay makakapagtanim kami at pwede namin yon ibenta para magkapera kami

"Sige. Uuwi tayo ng probinsya sa darating na linggo"

Malungkot na bumalik ako sa kwarto ko at saka nahiga don. Kinuha ko yung cellphone ko at saka binuksan yon para tingnan ang kakaunting picture namin don

Tama ang naging desisyon ko pero bakit parang mali. Bakit nagaalangan ako?

"Bakit kasi kailangan ako pa ang magkaroon ng sakit?" Bulong ko kasabay ng muling pagtulo ng luha ko

Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon