Chapter 19

1.2K 43 4
                                    

"Margaux, hoy, gising na" may kumiliti sa bewang kaya hinawi ko yon at saka napalit ng posisyon. Inaantok pa ako

"Babaeng nagngangalan na Margaux, gumising ka na"sa leeg ko naman may kumiliti kaya hinawi ko ulit yon

"HOY! MARGAUX! GUMISING KA NA! TANGHALI NA! MAY PASOK PA TAYO!" napabaligwas ako ng bangon ng may sumigaw sa tenga ko

"What the hell!"sigaw ko rin sa sumigaw sakin habang nakapikit pa ako dahil nahihilo ako sa biglang pagtayo

"Anong what the hell! Sabi ko sayo kagabi ay gumising ka ng maaga dahil pupunta ako tapos ngayon what the hell what the hell ka!"

Agad kong iminulat yung mata ko ng makilala ko yung boses na yon at tumama yung tingin ko kay Amari na nakapameywang sa harapan ko

"Anong ginagawa mo dito?" Wala sa sariling tanong ko

"Anong anong ginagawa ko dito? Diba nga sabi ko sayo kagabi ay pupunta ako! Nakalimutan mo na ba agad?"

Nagbalik sa isip ko yung nangyari kagabi ay mga sinabi nya. Oo nga pala

"Pero bakit ang aga mo naman"

"Alas singko na po, Margaux. Anong maaga don ha?"

Maaga pa naman talaga, ginigising ano nila nanay ng 5:30. Ang aga aga pa nambubulabog na agad sya

Hinila nya ako patayo saka tinulak palabas ng kwarto ko "maligo ka na don bilisan mo. May gagawin pa tayo" utos nya

Kinuha ko nalang yung towel ko saka mga underwear at saka pumunta na sa cr

Mabilis akong naligo dahil alam ko na nagiintay sya saka ako bumalik ng kwarto at napanganga pa ako ng makita kung gaano kakalat yung kwarto ko kasi nakabuhaghag lang naman yung mga pinamili namin kahapon sa higaan ko

"Anong ginawa mo?" Gulat na tanong ko

"Naghahanap ako ng babagay na damit sayo dito pero hindi akk makapili kasi parang lahat naman ay bagay sayo" hindi nya ako tiningnan manlang kasi nakatutok talaga yung mata nya sa mga damit

Lumapit ako sa kanya at saka tiningnan yung mga damit para ako na yung mamili. Kinuha ko nalang yung isang jeans at saka t-shirt pero inagaw nya yon sa akin

"Wag yan, dapat dress ang suotin mo"

"Yun nalang. Ayoko ng dress" hindi naman kasi ako mahilig sa dress eh. Kapag napasok ako ay lagi akong nakajeans

Tiningnan nya ako "babae ka kaya dapat nagdredress ka. Magpakababae ka nga!"

Ibinalik nya yung tingin nya sa mga damit hanggang sa damputin nya yung kulay dark blue na dress

"Ito nalang! Bagay ito sayo!" Itinapat nya pa yon sa akin

Inabot nya sa akin yon pero umiling ako. Ayoko non, kita yung dalawang balikat ko tapos sa tingin ko ay hindi aabot sa tuhod ko yung haba non

"Maganda yan! Magbihis ka na don kasi tanghali na tayo. Ang tagal mo kasi maligo"

Anong matagal don eh ang bilis na nga ng pagligo. Wala akong nagawa kundi ang pumunta ulit sa cr para magbihis at tama nga ako, hindi umabot sa tuhod ko yung dress kasi three inches above the knee yung haba nya. May belt din sya para sa bewang.

Bumalik ako sa kwarto ko para ipakita kay Amari at nung makita nya ako ay pumalakpak sya

"Yan! Sabi ko na eh bagay sayo yan. Ito naman ang suutin mo" ibinigay nya sa akin yung sandals na may mababang takong

"Pwede bang hindi nalang yan, rubber or doll shoes nalang"

"Yan na lang para mas bagay sayo. Maniwala ka sa akin"iniupo nya ako sa higaan ko at saka sya na ang nagsuot nung sandals. Kasama ito sa binili namin kahapon

Substitute Series 1: Substitute Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon