Blackmail 21 (Back off she's mine!)

1.7K 33 1
                                    

Blackmail 21 (Back off she's mine!)

(TG/N: RJ, Vickie's story ulit)

Richard's POV

Nagising ako sa alarm ko. Ayaw ko pa sana tumayo pero kailangan may pasok kasi. alam niyo bang 2 hours lang ang tulog ko? Sa sobrang pag-iisip ko sa mga problema ko. Iniisip ko kasi si George... Hindi niya na talaga ako mapapatawad.

Nalulungkot talaga ako. Pero ang mas nakakuha ng maraming oras sa pag-iisip ko kanina ay si Vickie. Galit siya kasi sinabihan ko si George ng I love you, hindi ko naman siya masisisi kasi committed ako sa kaniya tapos iba iyong mahal ko. 

Hindi ko kasi kaya na wala si George. Pero sa hindi ko alam na kadahilanan ang isipin lang na wala si vickie  ay mahirap. Sabi ko nga diba? I can't live without her...

Siya kasi ang kasama ko sa mga business meetings. Alam kong bata pa kami para doon pero tine-train na nila kami.

Binibigyan nila kami ng malaking responsibilidad sa Company. Tapos ayon nga lagi kaming magkasama sa lahat. Hindi na ako sanay na

wala siya. Nakadepende na ako sa kaniya. Masaya kasi siya kasama tapos lagi pa siyang nagpapatawa.

Ayst! tama na nga... Ayon nga kahit antok pa ay naligo na ako, after kong maligo pumunta na ako sa room ni Vickie kasi ayon naman talaga ang gawain ko. Iniintay ko siyang matapos sa pagligo at sabay kaming bababa... Pero pagpasok ko sa room niya wala siya. 

Tiningnan ko sa cr pero wala siya, nasa baba na kaya siya?

Pagbaba ko sa dining wala siya, chineck ko sa kitchen pero wala din siya... asan na ba siya?

Bigla kong naisip na baka sa sobrang galit niya naglayas na siya. Tumakbo ako paakyat at diretso sa room niya lumapit ako sa cabinet niya pero nandoon parin ang mga gamit niya at tila walang nawala. Isa lang ang napansin ko... Wala na ang school bag niya at school uniform. 

Iniwan niya ako. Dali-dali akong kumain at nagayos na para sa pagpasok.... bakit niya ako iniwan? ano ba ang problema niya?

Kahit kailan hindi niya pa ako iniiwan. Ngayon lang...

..........................................................................

*kring* *kring*

pumunta ako sa telephone ng bahay at sinagot ito.

"hello?" 

"Richard... ayusin mo ang pakikitungo mo kay Vickie! she said to his father that she want to cancel the arrangement. You have to do something chad. Wag mong hayaan na mawala ang kompanya natin!" sabi ni dad. what?! ayaw nya na? dahil doon? Pakakasalan ko naman siya ah? Is'nt that enough? 

"I don't know dad. I'll do everything but i'm not sure."

"Well do your best!" at pinatay niya na ang tawag. Mukhang kompanya talaga ang tatay ko. Kaya ako iniiwasan ni Vickie kasi ang tingin niya yung company niya lang ang kailangan ko, Na pera niya lang ang habol ko. Pero totoo naman ih. Yun ang kailangan ko sa kaniya in the first place. Pero ngayon hindi lang iyon ang habol ko. Gusto ko siyang makasama araw-araw. Inaamin ko gusto ko siya.

He's A Blackmailer (COMPLETED) [Under MAJOR Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon