Blackmail 52 (Growing Pains)

1K 20 2
                                    

Blackmail 52 (Growing Pains)

TreseGirl's POV

Umalis ng wala sa sarili si George sa bahay ni Ryan...Hindi niya alam kung saan pupunta. Hindi nya alam ang totoo sa Nakaraan...Wala kasi siyang maalala.... Hindi nya alam na may nagawa syang ganoon... at hindi nya alam na sya pala ang pumatay sa ate nya... Masakit isipin na siya pala ang pumatay sa ate niya... Kaya pala ganoon na lang ang pagtakwil at pagsawalang bahala sa kanya ng Nanay at Tatay niya. At hindi lang daw isa ang napatay nya... Dalawa... Nanay ni Ryan... 

Naglalakad sya sa kalsada ng wala sa sarili...

Tulala... yung luha nya ay walang tigil sa pagragasa habang ang mukha ay nanatiling walang emosyon...Ang nasa isip nya lang eh malaman nya at maaalala nya na sana ang pangyayari na hindi nya maalala..., at bigla na lang syang napatunghay dahil may ilaw na tumambad sa harapan nya... 

Lahat ng masasayang nangyari sa kanya kasama si Ryan ay parang isang Record tape na nagplay sa utak niya... Simula ng makita niya si Nerdy goon, Dirty Ice Cream Guy, At si Mr. Blackmailer.

Lahat ng masasayang alaala ay lumungkot, Lahat ng pag-asa niya na makasama pa ng matagal si Ryan ay nawala...

Biglang sumagi sa isip niya ang napag-usapan lang nila kanina... Kaya niyang iwan si Ryan kung kailangan... Pero hindi niya naisip na ganito magiging mahirap ang lahat... Na ganitong kaaga niya magagawa...

Lahat nang sinabi niya ay posibleng magkatotoo. Pero yung kay Ryan ay mukhang hindi masusunod. Naisip niya na sigurado na hindi na siya mapapatawad ni Ryan....

Kasi kahit sarili niya hindi niya mapatawad... 'Walang kapatawaran ang kasalanan kong nagawa' sabi ng ideya na nasa utak niya...

Isang Van na palapit sa kanya ang malapit na pala sa kanya... Biglang naisip ni George na 'Okay na siguro ito...Dapat na siguro ako mamatay... Nakapatay ako ng dalawang tao... deserve ko ang mamatay...'.

Dahan-dahan siyang pumikit at hindi nagtagal ay nasagasaan siya...

*ScriiiiiiiiCCCCCHHHH!!!!*

*BUUUUUGGGSSSSSHHHHHH*

(that's what I call.... WhattaEpeks!!!)

Ryan's POV

Nasa harapan ako ng bintana na nakabukas... Nag-iisip at nagmumuni-muni...

Natuyo na ang luha ko sa mga pisngi pero hindi man lang nabawasan ang sakit na nararamdaman ko...

Nasaan na kaya si George? Tama bang pinaalis ko siya ng mag-isa? Baka kung mapaano siya sa daan.... Gabi pa naman na...

Naisipan kong lumabas pero biglang lumakas ang hangin na tumama sa aking mukha galing sa bintana na pinagdudungawan ko.......

Pagkatapos kong maramdaman iyon ay lalo akong nakaramdam ng matinding sakit sa puso. Bigla akong nag-alala, natakot at kinilabutan sa naramdaman ko...

May posibilidad na may nangyaring masama....Kumaripas ako ng takbo para lumabas ng bahay at hanapin siya..... ang Mahal ko....

Si George.....................

(TG/N: This is really growing pains for her... Naawa na ako sa kanya... Dapat pala hindi ko siya pinahirapan ng ganito... sorry George ko...)

Written by: TreseGirl_PDaine

He's A Blackmailer (COMPLETED) [Under MAJOR Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon