Blackmail I (I love you, Goodbye)

7.8K 130 12
                                    

 

Blackmail I (I love you, Goodbye)

Goerge's POV

"Mr. James, you may leave now." sabi ko sa bodyguard na si Mr. James. Siya na ang tinuring ko na magulang, guardian, kapatid, pinsan, kaibigan, neighbor, at kung anu- ano pa. Basta siya lang ang kasama ko lagi. Minsan nga pwede din yan pretend na Boyfriend ko kapag napapatrouble ako sa bine-break kong mga itlog.

     Para sa mga reader na interesado kay bodyguard ko, gwapo naman si Mr. James kaya lang matanda na para sa akin. 28 na ata yang si Mr. James. Pero hindi halata sa kanyang itsura. At hindi ko din siya Type. Mas gusto ko ang ka-edad ko.

"Yes Lady Venelope, call me if you need something..." sabi niya naman at bumalik na sa kotse.

      Hi there! I'm a transferee student in Hersburg High School.  3rd year student galing sa Cavite. Heredera ako ng mga Lopez.  Isa akong basag-ulo, papansin sa magulang, moody, BULLY at Gangster.  Hindi nyo po ako masisisi sa mga ugali na aking tinataglay, kasi kasalanan yan ng mga magulang ko na walang kwenta. Hindi nila ako inaalagaan, kinakausap, iniintindi, minamahal, at hindi ako binigyan ng kahit kaunting time.  Negosyo at Politika lang ang inaatupag nila.  Paano naman si ako? Paano na si Georgeous George? 

Nakakabwisit ang buhay parang life!

      Nasa harapan ako ngayon ng puntod ni ate Ansherina.  Habang dahan dahang hinihimas ko ang lapida niya, nalabi ko na lamang ang mga ito.

"Ate Ansh, Sorry ngayon lang ulit ako bumisita sayo.  Miss na kita. Kahit na nakalimutan ko ang iba sa memorya ko, may naaalala akong masasayang pangyayari sa akin na nakasama ka. Meron lang ako hindi maintindihan at hanggang ngayon tanong pa rin sa isip ko. Bakit ganoon ang mga magulang natin? Hindi ba nila ako mahal? Si Papa ni-hindi ko pa nakikita sa personal. Sa picture ko lang siya nakita at minsan sa TV. Si Mama naman bumibisita pero hindi rin nagtatagal sa bahay. Kaya nga gumagawa ako nang kalokohan para umuwi siya sa bahay natin. Alam kong mali iyon, pero yun lang yung naiisip kong pwedeng gawin para makita ako ng butihin natin mga magulang.  Para mapansin naman ako. Kasi kahit nag-aaral akong mabuti. Hindi nila na-appreciate kailanman ang efforts ko. Hindi kailanman ako naging sapat sa kanila. Laging Kulang, laging may wala, laging kapos, laging hindi sakto..." napatigil ako kasi nararamdaman kong bumibigat na ang puso ko sa hinanakit.

"Kesyo... kaya ko daw maging top 1 instead of top 2. Hindi ba nila maisip na yung classmate kong iyon ay may Photographic memory? Ewan ko nga ba at hindi iyon tinatanggal sa klase ko gayong hindi siya pwede sa regular class. Ate pinapapunta na nila akong Manila, kaya nga nila ako pinapatapon para hindi na sila makonsumisyon sa kin."

       Hindi ako umiiyak habang sinasabi iyan at hindi ako iiyak. Diba nga nakalagay sa description ko na Matapang ako at walang inuurungan? 

"Ate bye na, Mukhang tatagal pa bago ako makabisita sayo ulit. Bantayan mo ako ate ha... Mahal kita"

     Sa lamig ng hangin na nararamdaman ko ngayon parang nararamdaman ko ang yakap ng isang ate. Niyakap ko ang lapida niya. Wala na akong takbuhan pa ng sama ng loob. Wala ng magbibigay sa akin ng lakas ng loob. Wala ng magpapaalala sa akin na mapalad pa ako kasi buhay pa ako. 

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa tapat ng puntod ni ate. Ngumiti ako ng pilit habang nakahuling sulyap sa kanya.

"Mr. James, let's go" pumasok na ako sa kotse pagkatapos akong pagbuksan ng pinto ni Mr. James. 

Wala na talaga akong pag-asa na maging masaya pa ulit.

"Yes lady" sabi ni Mr. James na pumunta naman sa driver seat ng kotseng pinaglululan ko.

      Nasa Laguna kami ngayon kasi dito nakalibing ang ate ko, hindi sa Cavite.  Hindi ko nga alam kung bakit sya sa Laguna nakalibing.  Gayong sa Cavite kami nakatira. Sa Hacienda namin dito sa Laguna nakalibing si ate. Sa lugar na hindi kalayuan sa mansion doon. 

PNK/Note:Thanks for reading..... :)

Comment is not prohibited..... I like reading comments po...  Masaya magbasa ng mga comments.... Lalo na kung galing sa mga mababait na tulad mo.... hehe... #Pabebe

Voting this Chapter after reading is highly recommended....I Love you ;-*

Written by: PrinsesaNgKalokohan

He's A Blackmailer (COMPLETED) [Under MAJOR Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon