Blackmail 8 (Mr. Nerdy Goon? and Mr. Dirty Ice Cream Guy

2.2K 49 4
                                    

Blackmail 8 (Mr. Nerdy goon? and Mr. Dirty ice cream guy?)

Nakarating na ako sa Classroom. Maaga pa din ako ng 20 min. Pero mga 10 na din yung classmates kong andito na...

"Hi Ms. troublemaker..." nakalugmok na ko sa desk ko ng marinig ko yan. Pamilyar na naman ang boses hindi ko pinansin, Hello I am not a troublemaker.

"Ms. Lopez..."Tumunghay na ako.. bwisit to ah! 

" anu bang--- ikaw?!" sabi ko at gulat na gulat talaga ako.

"Wag ka ngang maingay dyan..." may kaboses talaga to... sino ka ba? sino ba kayo?

"Sino ka ba?" tanong ko na nakakunot-noo. Si Dirty Ice cream Guy po siya. Naka-uniform siya kaya ibig sabihin ay dito siya nag-aaral. Kapag minamalas ka nga naman oh.. 2nd day pa lang... Marami na kong kaaway.

"Mr. Limongco na ginawa mong limpengco... remember...." sabi niya. Pero? si Mr. Dirty Ice Cream Guy ito? Paanong?

"p-pero nerd yung limpeng este limongco na yun at--- wait oo nga kamukha mo nga..." sabi ko habang nakatingin pa rin sa kaniya. Grabe kung makikita niyo lang ang mukha ko.

Makikita niyo ang Meaning ng word na 'CONFUSED'.

"bungol, hindi ko kamukha iyon, ako talaga to..." sabi niya.

"Wow. Kung makabungol ka ah? close ba tayo?" psh! FC masyado.

"Oo close tayo, sa sobrang close mo nga sakin sinaktan mo ang pinaka-iingatan ko..." tama po kayo sa iniisip na si Mr. dirty ice cream guy and Mr.nerdy goon ay iisa...

Hindi ko alam kung paano nangyari pero iisa lang ang mukha nila...

"Ikaw ang may kasalanan non no!... Kung pinaalis mo ako agad edi sana...." nahihiya ako, di ko masabi...iyong nagawa ko. hihihihi

"Edi sana ano?" he smirk?  -_-

"Wala... teka bakit ka nagdidisguise na nerd?" oo nga anong brand na rugby ang sininghot kaya nito?

magamit nga paminsan minsan... pangtanggal stress.

"Trip lang..." abah! matindi... 

"Ang lakas din ng trip mo eh no?!!! umalis ka na nga dyan..." masyado tong mahangin

Umalis na nga sya, wala pang 1 minute dumating na si Ms. Cheng...

"So student this is the day that i'm gonna arrange the seats... alphabetical...so blah.blah.blah.blah."

Inaantok ako grabe.... Yawn.....

".................................next mr. Limongco, next Ms. Lopez next Ms. Manolo, next Mr. Marcos. next blah blah..........."

Oh my god kalapit ko si Mr. Nerdy Goon Dirty Ice Cream Guy...

wala bang Limpengco dyan? para hindi kami lapit nito!

"Hi Ms. Aggressive... we meet again... this class will be exciting..." wow FC talaga... kanina troublemaker ngayon agressive... baka sa susunod eh MS. BEAUTIFUL na

Psh! exciting your face... nabubusit talaga ako dito sa lalaking to! nakakakulo ng dugo!

Nagklase lang kami... nakakatamad talaga.... paulit-ulit lang... alam ko na naman yan...

Buti nalang at yung kalapit ko eh tahimik, parehas sila...Si Vickie na Hyper type eh si Ms. Manolo yun

after class pauwi na ako.

uuwi na ako...nasa hallway na ako  ng.........................................

(TG/N: ano kaya ang nagpahinto sa kanya? Alamin sa next chapter.... Bye guys.)

Vote and Comment

Until now nagpaflood update ako... ilang buwan na din kasi ako hindi nag-update dahil busy ako...

Wala akong pakielam kung walang nagbabasa ng stories ko basta itutuloy ko to!!!!
No one can stop me now!!!!!

Written by: TreseGirl_PDaine

He's A Blackmailer (COMPLETED) [Under MAJOR Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon