Blackmail 53 ( Throwback Thursday )

1.2K 20 2
                                    

Blackmail 53 ( Throwback Thursday )

Mama Felicity's POV

"OH MY GOD, what happened to her?! save my daughter!! Please...." nakatingin lang ako sa labas ng E.R, nakatingin sa Bintana... sa Anak ko... nakatingin habang nakikita na nahihirapan ang anak ko.  Nakapikit man sya... kita sa mga natamo nyang sugat ang paghihirap nya... Hindi tumitigil ang pag-iyak ko...

Habang nagda-drive ako ay tumawag ang isang lumang kaibigan... Si Doctor Swift... Sinabi niya sa akin na ang anak ko raw ay nasa hospital niya sa Laguna...

Hindi ako agad naniwala kasi nga malayo rin ng kaunti sa Cavite ang Laguna kaya naisip ko na baka mali lang ng impormasyon...

Pero nang sinabi niya na nasagasaan ang dalaga... Biglang kumalabog ang puso ko... at biglang naipreno ko ang minamaneho kong kotse.

Hindi ko alam pero naramdaman kong tumigil ang tibok ng puso ko. Hindi ako nakahinga ng sampung segundo...

This isn't happening again... No... Not her....

Sa hospital na ito dinala ang anak kong si Ansherina nang makita siyang dead on the spot... Dito kami dinala nung na-aksidente kami. Dito rin nag-agaw buhay si George... At ngayon nandito na naman siya....

Hindi ko lubos na maisip na mangyayari rin sa kanya ang nangyari sa ate nya... wag po... Wag niyo po sana kunin ang anak ko... Siya na lang ang anak ko...

Wag po si George... hindi ko na kakayanin pa....

"Sorry Georgina.... please magpagaling ka lang.... kapag nagising ka na... aalagaan na kita..." bakit ko kasi sya sinisisi sa pagkamatay ng ate nya... it's just an accident at bata pa sya noon... hindi nya sinasadya na......

*flashback*

"Papa si ate oh... inaasar ako... tabatchoy daw ako... diba malusog lang si George?" masaya kaming papuntang airport... galing sa Bahay... Sa driver seat si Joe, kalapit nya si George... at kami ni Ansherina

sa likod ng kotse... sya eh sa gitna ng dalawang seats at nakadungaw sa papa nya at sa kapatid nya... Papunta kaming Airport kasi may flight kami papunta sa California... Doon muna kami habang bakasyon...

Si Papa ay dalawang araw lang doon kasi hahalal siya....

Masaya kami way back then... papunta kami sa Lolo at Lola nila at magvevacation na din..... then suddenly

"Hindi mataba si George no... Chubby lang yan ng kaunti..." haha... hindi naman sya talaga mataba... malusog at malakas ang pangangatawan ni George kumpara kay Ansherina... Payat kasi si Ansh namin...

"Pa naman... diba kampi tayo? walang iwanan pa..." simangot naman ni George sa Papa niya... Favorite ni Joe si George... Pero parehas niyang mahal ang mga anak niya. Masyado lang malambing si George sa kanya... Daddy's Girl kasi...

He's A Blackmailer (COMPLETED) [Under MAJOR Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon