Blackmail 9 (The First Blackmail)

2.5K 65 4
                                    

Blackmail 9 (The First Blackmail)

George's POV

"Ryan okay lang naman na maghintay ako ng matagal, hihintayin kong mahalin mo ako. Hihintayin kita sa Hersburg University, please basta wag mo naman akong hindi pansinin lalong wag mo akong iniiwasan... mahal kita bhes..." 

boses ni president yun ah? Nakanangtuts pumapag-ibig si President...

Nasa tapat ako ng room 13, Bhes? wait mahal nya daw? bestfriend nya mahal nya? Dama ko sya dyan...

Parehas kami, mahirap makaramdam ng ganyan... lalo na sa maling tao... 

"Yun na nga yun ih... bestfriends tayo... mahal kita as a bestfriend hindi mahal na......mahal... basta...

we're bestfriends , hindi pagmamahal na boyfriend ang nararamdaman mo sakin bestfriend yun,

namimis-interpret mo lang." sabi ng isang tampalasan na lalaki na nanakit sa isang babae n----

Wait boses ni nerdy goon dirty ice cream guy yun ah... ang sama nya!!! hindi nya man lang maconsider na pakinggan at pagbigyan yung bestfriend nya, si President iyon ih.

"Hindi Ryan mahal kita.... please don't do this to me.... I will do everything!, I can wait!, just.... please.... Ikaw lang ang meron ako maliban kay Nanay." sabi niya at tila paiyak na.

naawa ako sa kanya... ang lakas ng loob nya... sana kaya ko din yan gawin... pero hindi ko magagawa yun...

maling tao kasi ang minahal ko... Yung tao na hindi naman magiging sa akin kahit anong gawin ko.

"No Jerlyn, wala kang iintayin, wag mong i-risk yung friendship natin dahil sa maling akala mo.." sabi ni Limongco. napakaHearless niya talaga!

Jerlyn pala name ni president?

oh my ghad palapit yung boses ni limongco habang nag-uusap, ibig sabihin palabas na sya...

TAKBOOOOOOOO.........!!!!!!!!!!!!!!!

HUuuuuuuuuuuuu!!!!! nakakapagod tumakbo, tingin ko hindi ako nakita ni Limongco.... sana....

He's A Blackmailer (COMPLETED) [Under MAJOR Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon