Blackmail 3 (Mataray meets Nerdy Goon)

4.1K 79 5
                                    

George's POV

        Sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay naibuga ko yung burger na galing sa bunganga ko. 

Alam ko ang kadiri ko, Patawarin nyo na ako hehe. Nagulat kasi ako nang nasa pinto na ko ng canteen namin ay may papasok na nerd na lalaki. >___< Alam kong ang OA ko para mapadura pero iba kasi yung itsura niya.

       Kapag ang babae na nerd ang nakita mo sa corridor ng school, okay lang sayo kasi minsan ginagamit pa iyon as fashion. Minsan cute pa nga sila tignan tapos parang gumaganda pa sila with that look.  Pero itong lalaki sa harapan ko ay ang pangit na nerd.

       Kasi ang laki ng katawan nya. Parang hindi lalampa-lampa, at muka pa syang mas malakas kaysa dun sa nasuntok ko. Hindi ko alam pero ang pangit niya tignan. Parang goon na gwapo na nerdy look na ewan ang peg. Alam ko ang babaw noon, pero ito pa. (Ipupush ko talaga itong scene na ito wahaha)

Ang outfit? Talk about having guts to wear colored socks. Ang baduy! grabe. 

        Nakataas yung buhok niya na obvious na baduy yung hair style nya, tapos nakabackpack at may limang libro sa kamay at maluwag na pants at colored socks. Okay tama na sa panlalait. Nakalimutan kong may nagawa akong kadiri. Ang problema ko ngayon e yung nerdy goon na ito eh nabugahan ko. 

Sa mukha (_  _   ) Pasensya na shunga ako e.

"Sorry" ayan na lang ang nasabi ko at umalis na ako agad. Hindi ko na sya inintindi pa at baka maresbakan pa ako tumalbog pa sa akin ang braces nya. Iiwasan ko na lang siguro sya para iwas lait at iwas away. Bumalik na akong klase, ang next subject? Science, my favorite. Hindi na ako siguro mababagot nito sa klase at makakalimutan ko na ang panglalait este ang aksidente.

Nerdy Goon's POV

       Tahimik akong pumasok sa canteen. Lahat sila nakatingin sa akin habang naglalakad ako ng may dumi sa damit. That Girl! Wala pang nakagawa sa akin ng ganito. Ang sarap niyang saktan!

"Anong tinitingin tingin niyo dyan?!" sigaw ko sa kanila. Lahat sila ay sabay-sabay na nagtinginan sa kinakain nila.

"Psh!" nasabi ko na lang at umupo na sa upuan ko. Ako lang ang umuupo dito. Don't ask me why theyre so afraid of me. Hindi ko pa pwede sabihin. Magagalit si PrinsesaNgKalokohan

      Habang nakaupo ako ay naghanap ng mauutusan na ikuha ako ng pagkain.

"Hoy ikaw! Kuha mo ako ng Cheeseburger doon... pati na rin Softdrinks... At syiemp-" (Ang astig niyang nerd no? Ang sarap iuwi sa bahay...HEHE)

"Chippy! Got it!" sabi nung lalaki na tinawag ko.  Wag kayo mag alala dahil lalaki lang naman ang inuutusan ko. Masyado kong mahal ang mga babae para gawin silang utusan. Ang babae hindi inuutusan.

Binabahay.

(Nak naman ng?! Ang bad mo Fafa ko...)

George's POV

discuss...

discuss... 

discuss... 

         Pang last subject na ito at nakapalumbaba lang ako magdamag. Ano ba yan ang boring! Gusto ko nang bumalik sa Cavite -3-

        Namimiss ko na yung mga ginagawa ko dati.Yung paglalandi ko, yung pagpapasaway ko. Kamusta kaya ang MGB? Pati na rin ang mga kaibigan ko...

        Dito walang maglakas ng loob na makipagfriend sakin, takot sila sakin. Siguro dahil sa ginawa ko kanina.  Pero gusto ko tong si Hyper Girl... kasi kahit hindi ako nakikinig e walang tigil pa din ang pagkausap sa akin.     

He's A Blackmailer (COMPLETED) [Under MAJOR Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon