☪️ CHAPTER 5☪️

5K 187 4
                                    

AXERYLLE VIOLET POV:

"Where did you get that Axerylle?" tanong ni Layla habang lumalapit sa akin na kasama si Mia.

Kumunot ang noo ko dahil pagkapasok na pagkapasok ko agad silang nagtanong na hindi ko naman alam kung ano tinutukoy nila.

"What?!"

"That!" itinuro nya ang dibdib ko kaya napatingin ako dito at nakita ko na may suot akong isang necklace na may tatak na lion.

Saan ko naman ito nakuha? I mean wala naman akong natatandaan na nagsuot ako nito.

"Alam mo bang madaming naghahangad nyan dito sa Academy at ang swerte mo dahil first day mo palang meron ka na nyan mula sa isa sa Supreme at simula ngayon pagmamay-ari ka na ni Aisleir." mangha na sabi ni mia with talon-talon pa na parang kinikilig at sabay silang nag-apir ni mia.

Napatigil ako at tiningnan ang kwentas.Pagmamay-ari? Tsk!In his dream kung sino man sya na naglagay nito sa akin...

Teka..

Hindi kaya yung lalaking yun ang naglagay nito sa akin pero bakit hindi ko man lang naramdaman ang presensya nya ng nailagay nya ito sa leeg ko.

Mukhang mas dudublehin ko pa ang pag-iingat ko dahil may isang taong magaling magtago ng presensya.

That jerk. (=_=)

Hinubad ko lang ang kwentas at binigay kay Layla at Mia dahil hindi ako tumatanggap sa hindi ko kilala at sa taong hindi ko gusto ang presensya.

"Axerylle anong ginagawa mo? Hindi ka ba masaya? Pagnalaman ni Aisleir na tinanggal mo ito at binigay sa amin baka magalit yun tsaka alam mo bang ito ang paraan para hindi ka gawan ng masama ng mga istudyante." nangangambang saad ni Mia.

Umupo ako sa upuan ko at nagbente kuatro saka nag cross arm.

"No one can own me and I can protect myself." sagot ko at tiningnan ko sila ng pang killer eyes.

"Kung ayaw nyo libre ang basurahan para tapunan." Saad ko at dumukduk sa lamesa sabay pikit.

Lethargic Mode na naman ako *yawn*.

Bahala na sila kung ano ang gusto nilang gawin sa kwentas basta ako matutulog ulit dahil naputol ang pagtulog ko kanina dahil sa jerk na yun.

KAXIER POV:

Natulog na naman sya tsk. May sakit ba to or cancer? Palaging tulog eh kala mo naman maganda na palaging tulog. May balak ba syang mag-aral o balak nya talagang matulog ng matulog.

Kaya pala walang manners kasi walang natutunan. Tsk.

Teka lang.... eh anong pake ko sa kanya eh wala naman akong pake-alam sa sleepless nato.

Napatingin naman ako sa dalawa na sina Layla at Mia. Since na dumating silang dalawa ako ang naging una nilang kaibigan dahil lagi silang pinagtitripan ng mga

Napadapo ang tingin ko sa hawak ni Layla na isang gold na necklace at mayroon itong lion na may korona.

"Kung ako sa inyo bitawan nyo na yan at ibigay sa iba." suggest ko habang nakapikit.

Alam naman nila kung ano ang mangyayari kung hindi nila bibitawan ang kwentas na yan dahil hindi naman sila ang nakatanggap nito.

Paparusahan ang mga naglakas loob na angkinin nito kahit na hindi naman sila ang nabigyan nito.

"Pero Kaxier dati na namin gusto na magkaroon nito, diba alam mo naman yan? Para naman lagi kaming ligtas dito sa buong academy." napamulat ako at tumingin kay layla.

"Layla magiging ligtas ka kung ibibigay mo yan sa iba pero dahil sa ginagawa mo mapapahamak ka lang. Alam nyo naman yun hindi ba?" tanong ko sa kanya na ikinatango nya.

"Layla ibalik mo lang kaya yan sa supreme o kaya ibigay mo sa kaklase natin tulad ng sabi ni Kaxier na ibigay sa iba." nakangiteng saad ni Mia.

Hayy buti naman naiintindahan ni Mia ang sitwasyon dahil kung hindi at nagmamatigas sila hindi ko na sila matutulungan.

"Ahm hehehe ayaw ko." sabi ni layla at binulsa ang kwentas.

Gusto ko iumpog ang ulo ko sa lamesa dahil ang akala ko ok na sa kanya. Hayst bahala na kung ano ang mangyari di naman siguro malalaman ng supreme ito dahil ang dami ang istudyante sa acadamy.

Ang dapat sisihin dito itong babaeng sleepless kung hindi lang nya binigay sa dalawa hindi magkakaganito si layla.

"Ahem! Ms. Layla Burton, Ms. Mia Carey at Mr. Kaxier Chaplin kung ayaw nyo sa klase ko you may go out!" ang sungit naman ng guro nato palagi.

Wala naman nakikinig sa lesson nya ang boring tsaka nakakaantok pa wala man lang ka-thrill-thrill ang pagtuturo nya para makinig kami.

"Sorry prof." hinging paumanhin ng dalawa. Tsk! basta ako ayaw kong mag sorry bahala sya.

Umupo naman ang dalawa kaya bumalik sa pagtuturo ang masungit pati na din ang iba nagsiayos na, na parang walang nangyari.

-

Kakalabas lang namin at bumaba kami ng building patungo sa cafeteria.

Hiwalay kasi ang mga building ng classroom building, cafeteria building, Dorm building at etc.

Habang nasa hallway kami nina Layla at Mia patungong cafeteria may mga nagsisiyukuan bawat na madadaanan namin kaya napatingin ako sa likod baka nasa likod lang namin ang mga supreme na hindi namin namamalayan.

Ngunit pagkalingon ko wala naman akong nakita kaya pinasawalang bahala ko na lang at pinagpatuloy ang paglalakad.

Mas lalo akong nagtaka ng nasa loob na kami ng Cafeteria parang may mali talaga.

Kumuha na kami ng pagkain at umupo sa lagi naming inuupuan.

Susubo na sana ako at magtatanong ng napansin ko ang nasa leeg ni layla kaya pala iba ang pakikitungo ng iba sa amin.

Bigla kong binitawan ang kutsara ko at agad na hinawakan ang kwentas ng pinigilan ako ng dalawa.

"Anong ginagawa mo?" tanong sa akin ni Layla habang hawak nya ang kamay ko na nakahawak sa kwentas na suot nya.

"Kaxier may balak ka bang sakalin si layla?" takang tanong sa akin ni Mia na nakahawak din sa kamay ko.

"Hindi." Bumitaw si Mia sa pagkakahawak sa akin.

"At bakit ko naman gagawin yun? Kukunin ko lang ang suot nya at itatapon pagdumating ang supreme at makita ito mapaparusahan sya." sabi ko at hihilain sana ng mas hinigpitan ni layla ang hawak sa kamay ko para hindi ko mahila.

Obvious na obvious na malalaman ito ng supreme akala ko itatago nya lang pero sinuot nya na pala.

"Layla hindi mo alam ang ginagawa mo." seryosong sabi ko sa kanya.

Nag-aalala lang ako sa posibling mangyari dahil kaibigan ko siya at may pinagsamahan kaming tatlo.

"Naiingit ka lang dahil mayroon ako nito kung gusto mo ng ganito bakit hindi ka humarap sa mga supreme at humingi. Diba lalake ka naman?" nabigla ako sa sinabi nya kaya binitawan ko ang kwentas.

Yun pala ang tingin nya HAHAHA. Nakakaloko ni minsan hindi ko hinangat na magkaroon ng ganyan mula sa supreme.

"Sige gawin mo kung ano ang gusto mo pero wala na akong paki-alam kung malaman man ito ng supreme." seryosong saad ko at uupo na sana ng...

"Anong malalaman namin?"

The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon