AXERYLLE POV:
Dumiretsyo ako sa garden at umupo saglit doon sumakit bigla ang paa ko.
Lumanghap ako ng sariwang hangin at nag-unat ng katawan habang nag-uunat ako nakita ko ang forbidden forest.
Siguro ito na lang gagawin kong spot tutal wala naman ditong pumupunta dahil katapat nito ang forbidden forest kaysa sa unang spot ko na mayroon na palang nagmamay-ari.
Tumayo muli ako at binuhat ang plastic bag saka tumingin sa paligid kung may mga tao ng wala naman akong nakita ay pumunta ako sa tapat ng forbidden forest at pumasok dito.
Dahil umaga ay makikita mo ang paligid kung tutuusin ang ganda ng paligid kaysa tingnan mo sa gabi na parang puno ng engkanto ang nakatira.
Nadaan ko yung puno kung saan ako ginapos ng supremo at nakita ko pa ang kadena na putol. Tsk! Diret-diretsyo lang ako sa paglalakad hanggang sa nakakita ako ng isang maze.
Napakunot ako ng noo dahil wala naman akong nakitang maze nung gabing 'yun.
Naliligaw na ba ako?
Tsk! Babalik na lang ako nag-aaksaya lang ako ng panahon dito tsaka aso lang yun bakit pa ako nag-abala?
Itong binili ko ipapakain ko na lang 'to sa dalawang kuto na maingay.
Napahinto ako sa paglalakad ng may naalala ako kaya humarap ulit ako sa maze. Ang maze na ito ay hindi talaga totoo dahil hindi ko naman ito nakita noong gabing ito kaya lumalit ako sa maze at saka pumasok.
Tama nga ang hinala ko dahil pagpasok ko sa maze ay tumagos ako at nakita ko ang nag-iisang puno kung saan kami tumambay ni Yuro. Tumakbong lumapit ako dito saka umupo sa ilalim ng puno, mas sariwa ang hangin dito kaysa sa garden.
Binuksan ko ang plastic bag at kukunin na ang pagkain ng...
"Arrrrgghhh!"
Napatingin ako sa malaking hayop na unti-unting lumapit sa akin habang nakalabas ang kan'yang pangil.
"Yuro." tawag ko dito at tinanggal ang aking mask.
Biglang umamo naman s'yang umamo at tumalon sa akin kaya napahiga ako sa lupa saka dinalaan ang mukha ko.
"Yuro." tawag ko muli sa kan'yang pangalan kaya umalis s'ya sa ibabaw ko at umupo ng nakalabas ang dila at ako naman ay umupo din na magkapantay kaming dalawa.
"Kamusta ka na yuro?" tanong ko dito at kiniliti ang ilalim ng baba n'ya mukhang nagustuhan n'ya ang pagkiliti ko dito.
"Pinaalis mo na ba ang tatlong yun?" muli kong tanong na ikinatahol niya.
"Arrff! Arrff!" natawa naman ako dahil naiintindahan n'ya ang sinabi ko.
"Pasensya na kung umalis ako at hindi kita tinulungan pero mayroon naman akong pagkain na dinala sayo." sabi ko at inilabas ang limang pork steak sa harap n'ya at tumatahol itong tumatalon.
"Kumain ka na." sabi ko kaya kumain na s'ya.
Kinuha ko naman ang isang natitirang pork steak saka s'ya sinabayan kumain.
"Arff! Arrff!" napatingin ako sa kan'ya at tiningnan ang mga pinagkainan n'ya ubos na ang lahat, tiningnan ko din yung akin at wala pa sa kalahati ang nauubos ko.
Kinuha ko na lang ito at inilagay sa pinagkainan n'ya tutal nakakain naman ako sa dorm ay ibibigay ko na lang sa kaniya.
"Here sayo na lang." ang sabi ko.
Pinapanood ko siya habang kumakain. Ang laki n'yang aso nakakapagtaka lang bakit ang ganitong uri ng aso ay nandito at hindi umaalis sa lugar na ito. Marahil s'ya ang tinutukoy na wild beast sa forbidden forest hmm pinapangalagaan n'ya ba ang lugar na 'to?
BINABASA MO ANG
The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)
ActionMay Isang babae na hindi kilala na nag transfer sa isang school na puno ng mga mafia at gangster dahil laging syang nakamask ay lagi syang pinag-iinitan ng supreme. Lahat ng mga studyante ng Hell Wall Academy ay nagkaroon ng kuryusidad sa kanyang mu...