☪️ CHAPTER 14☪️

4.8K 169 2
                                    

AXERYLLE VIOLET POV:

"Axerylle alis na kami." pagpapaalam ni layla sa akin tumango lang ako sa kanila ng hindi tumitingin.

Kailangan ko pang maghintay ng apat na araw bago pa malaman ng HM na hindi ako pumapasok.
Pagnalaman nyang hindi ako pumapasok na sunod-sunod na araw I'm sure na magrereact sya ang OA pa naman ng yun.

Hindi ko pa naman gusto ang dean na yun masyado pa syang bata para maging HM ng Academy mukhang trouble maker nga din sya.

Napaangat ako ng ulo at tumingin sa tapat ng pintuan ng tumunog ang doorknob.

Nandito na naman si hambog  kaga-hapon hindi ko to pinapansin at nasa loob lang ako ng kwarto pagkatapos kong kunin sa kanya ang antidote tapos ngayon nandito na naman sya.

"Good Morning Girlfriend ko... miss m- Aww!"

Binato ko sya kung saan sya nakatayo ng isang unan na nakapa ko sa akin tabi at pagkatapos kong batuhin ay binato ko ulit sya ng unan.

"Aww! Hey! What's your problem?" tanong nya.

"Don't ever call me like that I'm not your girlfriend." I said in a cold tone.

Kumakapa-kapa pa ako sa aking gilid pero wala na akong makapang-unan kaya nag cross-arm ako at nagbente-kuatro ng paa.

"Umagang-umaga ang init ng ulo natin ah." Natatawang sabi nya at
narinig ko ang mga yapak nya na papalapit sa akin.

"Mainit lagi ulo ko dahil nandito ka hambog."

"I thought, kaya laging mainit ang ulo mo kasi naiinitan ka sa ka-HOT-an ko." halos masuka naman ako sa pinagsasabi nya.

Wala nga syang kadating-dating sa akin maangas lang yung pagmumukha pero wala syang dating.

"You know jerk...Dream on." sabi ko sabay tayo.

"Oh saan ka pupunta? Sa kwarto mo na naman? Kahapon nakakulong ka lang sa kwarto tapos ngayon ganon din? Anong meron sa kwarto mo at parang hindi mo maiwan?" sunod-sunod nyang tanong.

Mas madaldal pa to kay layla daming tanong kung si layla at itong lalaking jerk na to ang pagjowain parehong maingay eh kaso hindi naman ako match maker para gawin yun.

"Anong meron sa kwarto?... Syempre ang meron doon ay yung wala ang presensya mo."

"Huh?" taka nyang tanong pero umiiling-iling ako bahala sya mag-intindi kong hindi nya na intindihan.

Umalis ako sa harapan nya at umikot sa couch at dederetsyo sa kwarto ko.

"Eyyy!" pag-agaw pansin nya.

Napahinto ako at ginilid ang katawan ko at tumingin sa pwesto nya.

"By the way ang ingay mo as far as I know ang mga supreme ay man of few words." saad ko at nag cross-arm habang nakatingala na parang nag-iisip.

"Tsk. So what? Sa iba lang ako tipid magsalita but sayo..." hinintay ko ang kasunod nyang sasabihin.

"Syempre ang cold mo kaya hinahabaan ko ang sinasabi ko. Alangan naman tipid vs. tipid edi walang kwentang pag-uusap natin."

"Lame." komento ko.

"It's not a lame totoo ang sinabi ko." umiiling akong tinalikuran sya at dumiretsyo sa kwarto ko.

Bakit hindi sya pumapasok? Ginagaya ba akong ng gonggong na to na hindi pumapasok? Baka sabihin ng iba na iniimpluwensyahan ko sya tapos ako ang mapapalabas na masama dito.

Tsk.

Haist, mabuti na lang kahapon at hindi na nagtatanong sa akin ang dalawa kundi mas lalo lang nila pinapainit ang ulo ko.

The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon