AXERYLLE VIOLET POV:
"Arrrgghhh!" napadaing ako dahil subrang bigat nya at nakadagan sya sa akin.
Dinidilaan nya ako ng paulit-ulit sa mukha habang ang buntot nya ang nalilikot na parang close na close kaming dalawa.
"Pwe! Pwe!" pinunasan ko ang bibig ko gamit ang braso dahil sa laway n'ya.
Nakaposas parin ako dahil yung kadena lang ang naputol kanina pag ang posas naman ang deretsyong putulin ko baka pati ang braso ko maputol.
"Hey! Go away! Sho! sho!" pagpapaalis ko sa malaking aso kaya umalis sya sa ibabaw ko at umupo na parang mabait na aso.
Napaupo din ako at tiningnan ang malaking aso. Akala ko ba wild ang mga hayop dito? Parang hindi naman base sa nakikita ko ngayon.
Naparoll eyes ako at kinuha ang bag, binuksan ko ito at kinuha ko sa loob ang hair pin ko at pilit na ina-abot ang lockan ng posas at wala pang isang segundo ay na unlock ko. Pagka-unlock na pagka-unlock ko bigla na naman akong dinaganan ng aso.
Taenang aso. Type ata ako nito.
Pinapaalis ko sya sa ibabaw ko nang natanggal ang maskara ko at tinangay nya ito gamit ang kanyang bibig kaya agad akong napaumupo.
"You!" madiin kong sabi habang nakaduro sa aso na tumatakbo palayo sa akin kaya agad na akong tumayo at hinabol sya.
Hindi pwedeng mawala ang maskara ko nag-iisa lang yun at wala akong dalang extra dahil alam kong hindi naman ito mawawala hangga't suot ko ito hindi naman iyon masisira dahil ang mismong lolo ko ang nagdesenyo nito dahil gawa pa ito sa metal.
Kung iniisip nyo na mabigat ang maskara ko pwes nagkakamali kayo dahil kasing gaan lang ito ng ordinaryong maskara.
Hinabol ko yung aso at dahil ang bilis nyang tumakbo ay binilisan ko din ang takbo ko gusto atang makipaglaro sa akin gabing-gabi eh este ang aga-aga.
Limang minuto ang lumipas ay bigla syang tumigil ganon din ako na medyo hiningal sa kakatakbo. Sa wakas huminto ka ding hayop ka.
Lumapit ako sa kanya habang nakalahad ang kamay ko na parang kukunin sa kanya ang maskara ko.
Pero bigla na naman syang umalis. Haist! Seriously?
"Aww! Aww!" napatingin ako sa kanya ng bigla syang tumahol at tinuro nya ang mask ko na nakalapag na sa lupa.
Napatingin ako sa paligid puro damo at wala ng puno maliban sa punong malaki na nasa harap ko kung saan nakahiga ang malaking aso. Subrang ganda kitang kita ang mga nagsisiliparang fire flies at ang kalangitan na nagkukumislap-kislap dahil sa mga butuin.
Tumingin ako sa likuran ko at doon ko nakita ang gubat na dinaanan ko lang kani-kanina.
Tumingin ulit ako sa aso at huminga ako ng malamin at dahan-dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi nya. Kaya nya siguro kinuha ang maskara ko dahil gusto nya akong dalhin dito. Kinuha ko naman ang maskara ko at nilagay sa lap ko. Mukhang wala naman tao nakakapunta dito kaya wala naman makakakita sa mukha ko.
Hinaplos-haplos ko ang balahibo ng aso na gustong-gusto naman nya.
"May pangalan ka ba?" tanong ko. Baka may nagmamay-ari dambuhalang asong to.
Hinawakan ko ang leeg nya baka may colar lace nya hindi ko kasi makita dahil sa mahabang buhok nya.
"Mukhang wala kang pangalan." saad ko dahil wala akong nakapang colar lace sa kaniyang leeg.
"Kung ganon papangalanan na lang kita." sabi ko sa kanya na ikinatahol nya.
Hmmm dahil lalake sya.
"What if Yuro akuma?" tanong ko habang hinahagod ang balahibo nya.
BINABASA MO ANG
The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)
AçãoMay Isang babae na hindi kilala na nag transfer sa isang school na puno ng mga mafia at gangster dahil laging syang nakamask ay lagi syang pinag-iinitan ng supreme. Lahat ng mga studyante ng Hell Wall Academy ay nagkaroon ng kuryusidad sa kanyang mu...