☪️ CHAPTER 15☪️

4.7K 159 14
                                    

MIA POV:

"Mia hindi pa ba magaling si Axerylle?" tanong sa akin ni Layla habang tumutungo kami sa Classroom Building.

Tatlong araw na pero hindi parin pumapasok si Axerylle kaya hindi pa namin sya nakakasabay pumasok.

Tsaka mukhang galit pa sya kay Layla kase paglumalapit si Layla sa kanya lagi nyang tinututukan ng kunai.

"Malay ko tsaka bakit mo ako tinatanong eh lagi naman tayong magkasama at sabay nating nakikita si Axerylle?" balik kong tanong sa kanya.

"Eh hindi kasi ako magaling tumingin kung magaling na ba ang isang tao o hindi tsaka ayaw nya naman na lumapit ako sa kanya." sabi nya sabay pout.

"Haist pati si Kaxier galit din sayo aaaaattt sa akin." diniinan ko pa ang huling sinabi ko para dama nya.

Well kaibigan ko sya eh kaya damay na din ako sabi nga nila damay damay nato.

"Mia naman eh baka mamaya galit ka na din sa akin tulad nila."

Hinawakan ni layla ang kamay ko at ini-sway ito kasabay ng pagpadyak ng kanyang mga paa habang nakanguso nyang sinabi yun.

"Bitawan mo nga kamay ko." hinila ko ang kamay ko sa kanya na mas lalong ikinahaba ng nguso nya.

"Wag mo ngang ihaba ang nguso mo nagmumukha kang imbudo. Tsk... (bumuntong hininga)* pero hayaan mo pag gumaling na si Axerylle at galit parin sya sayo edi magsorry ka ulit pag ok na kayo kay Kaxier naman at magpapatulong tayo kay Axerylle. Ok na?" tumatango sya na may malaking ngiti sa mukha.

Pero para kasing may mali kay axerylle yung alam nyo yung feeling na ok naman sya pero parang hindi.

Hay ewan ang gulo.

Napamisteryoso nya kasi tapos nakamaskara pa sya then ayaw nya pa kami papasukin sa kwarto nya hindi namin alam kung ano tinatago nya doon or ayaw nya lang talaga kaming papasukin sa kwarto nya.

Naiirita kaya sya sa amin? Well kung oo ok lang naman kasi dama naman namin.

"Oyy mia!" gulat akong napatingin kay layla.

"Bakit?" tanong ko habang nakahawak sa dibdib, ginulat nya kasi ako.

"Kanina pa kita tinatawag dahil nandito na tayo, hindi ka ba papasok?" tanong nya.

Napatingin naman ako sa paligid at nandito na nga kami sa classroom namin hindi ko man lang namalayan dahil sa kakaisip ko kay Axerylle.

Iniwan namin sya ulit sa dorm na walang kasama pero ewan ko lang kung pinupuntahan sya ni aislier.

Pero infairness marunong palang magbiro si aislier kasi akala talaga namin mag jowa sila hehehe pero hindi pala.

Nagkibit balikat na lang akong pumasok sa classroom namin at hindi na inisip si Axerylle baka ok lang naman sya doon.

Haist parang may surprise long quiz kami ah.

AISLIER POV:

Pumasok na lang ako sa section ko dahil pinalabas ako ni Axerylle sa kanyang dorm. Tsk. Why she always like that? Hindi ba sya natatakot na baka parusahan ko sya I'm one of the Supreme of Mafia's dapat sundin nya ako pero ang kinalabasan ako ang sumusunod sa kanya.

Galit na galit sya sa akin na parang may ginawa ako sa kanya.

Kahapon pinagbabato nya ako ng unan tapos ngayon binato din nya ako plus pinalabas nya pa ako ng dorm nya.

"OYYY! buti pumasok ka na two days ka ng hindi pumapasok ah. Ang lapit lang ng Building natin eh ano yun? tropic lang sa paglalakad?" bungad sa akin ni Vishnu na nilagpasan ko lang.

"Aislier saan ka ba pumupunta at ang aga mong nawawala?" pagtanong ni vishnu.

Mas maingay pa sya kaysa sa manok na tumitilaok sa umaga.

"Nagpapahangin." tipid kong sagot habang umuupo sa upuan ko.

"Lagi ka na lang nagpapahangin baka mapasukan ng hangin ang katawan mo pati utak mo HAHAHAHA." singit ni Rhezero sabay tawa at sinabayan pa ni Vishnu at nag-apiran silang dalawa sa harap ko.

Tiningnan ko naman sila ng pangkiller eyes na ikinahinto nila at napatikom ng bibig. Tsk. Walang magawa sa buhay.

"As a supreme you should tell us where you going." cold na saad ni Livius ng hindi nakatingin sa amin pero nakacross-arm syang nakatingin sa harap and by the way magkatabi kami ng upuan.

"I'm not a kid just mind your own business." saad ko at pumikit nang nakasandal sa upuan.

"Tsk."

"Hey Steph alam mo ba yung bali-balita?" rinig kong pag-uusap ng kaklase ko.

"No, What is it?" tanong ni Stephanie.

Mga chismosa talaga lagi na lang sila nag-iingay dito sa classroom lagi silang update sa buong academy.

"Yung babaeng nakamaskara na kaibigan ng tatlong kumuha ng kwentas ni aislier ay buhay pa pala pagkatapos pumasok sa IGR at ngayon may bali-balita na pupuntahan ng Dean sa mismong dorm dahil hindi pa daw sya pumapasok at kung hindi pa sya papasok ngayon bibigyan sya ng punishment at si Livius daw ang magpupunish sa kanya ulit."

Napamulat ako sa narinig ko, kung pupuntahan sya ng dean ay malalaman na hindi pa sya nakakakita at hindi lang ang dean ang makakaalam kundi ang lahat nag-aaral sa buong academy.

Wala naman masama kung malaman nilang hindi nakakita si Axerylle ngunit ito ang pagkakataon ng iba para pag-initan sya.

"Well I don't care she deserve that at kung paparusahan ni Livius I'm sure na mas mabigat yun kaysa sa pagpasok sa IGR." nakangising sabi ni Stephanie at tumingin pa kay Livius.

Mabilis naman akong tumayo at patakbong lumabas sa pintuan ng tinawag ako ni Vishnu.

"Aislier saan ka na naman pupunta?!" diret-diretsyo lang akong lumabas at hindi pinansin si Vishnu.

Kailangan kong makarating doon bago pa makapunta ang ugok na dean na yun sa dorm nya. Pinagtitinginan na ako ng ibang istudyante na papasok palang dahil siguro tumatakbo ako.

"Anong nangyayari?"

"Baka tinatawag sya nila Livius noh."

"Nasa room na kaya sila Livius."

"Bakit tumatakbo si Aislier?"

"Nakapasok na naman ba ang Hell Wall Academy?"

Mga naririnig ko sa mga nakakasalubong ko ang layo ng mga hula nilang lahat.

Hindi ko na sila inintindi at tumakbo na lang papunta sa dorm ng girls at umakyat sa floor kung saan ang dorm room nya.

Nang makarating ako sa tapat ng dorm ni Axerylle ay agad kong binuksan ang pintuan na ikinatigil nila at tumingin sa akin. Mukhang huli na ako pero parang may iba kay Axerylle.

The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon