LIVIUS POV:
Masama ang aking tingin na pinukol sa lalaking bumaril sa akin.
Ang lahat ng nakikinood ay nagsialisan at lumayo mula sa amin dahil alam naman nila ang mangyayari kung hindi pa sila lumayo.
"Hindi n'yo naman sinabi na may battle kayo rito edi sana sumabay ako." nakangising sabi niya.
"Eh kung ininform mo rin ako na guluhin ang away namin edi sana binigyan kita ng canon at tirahin siya." sabat ng lalakeng nakaaway ko at lumingon kay Gideon.
Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Gideon ngunit pinangsawalang bahala ko ito.
Paano siya nakapasok sa academy at hindi man lang nag-alarm ang security namin? Sigurado ako na meron silang dinadaan pero saan?
Nilibot ko ang aking paningin at tiningnan kung sino pa ang mga kasama n'ya ngunit yung dalawa lang ang aking nakita kung saan palagi niya itong kasama.
"Hindi ka nadala Gideon, gusto mo rin bang kami naman ang bumisita sa academy niyo at patayin ang mga istudyante katulad ng ginawa n'yo sa academy namin at napagdala pa kayo ng isang assassin ha." nakangising sabi ko ngunit tinaasan niya lang ako ng isang kilay.
Kapag bumalik pa 'yan assassin n'yo mamayang gabi hindi ako magdadalawang isip na gilitan agad siya ng ulo.
"What are talking about Livius? Ni isang assassin sa aking academy wala kang makikita at ang mga istudyante doon ay mababait." sagot niya at humakbang ng isa.
"Wow nahiya naman kami sa ugali mo na laging pasimuno ng gulo sa nanahimik naming academy. " sarcastic na saad ni Vishnu na nasa kaliwa ko.
"My bad Vishnu sa maniwala kayo o sa hindi wala akong pinadalang assassin rito at kung meron man ako ang assassin na 'yun." biglang sumeryoso ang kaniyang boses sa huling sinabi niya.
Hindi maaaring siya ang assassin dahil ang assassin na nakita namin ay isang babae.
Kung hindi sila. . . sino nagpadala o sino ang babaeng 'yun bakit niya pinapatay ang ibang istudyante?
"At isa pa. . . bakit hindi niyo pinadala ang hinihingi ko?" malamig niyang tanong na ikinakunot ng aking noo.
"HAHAHA kapal naman ng mukha mo manghingi. Btw ano 'yun?" Rhezero.
"Yung sulat na pinadala namin bakit hindi niyo ginawa? Hindi naman kami mapapasugod rito kung ibinigay niyo hinihingi namin." sagot ng kaibigan niya na nasa kaliwa, si Fergie.
"Hindi kami ganon kahina para magsacrifice ng isang istudyante para lang tumigil kayo." malamig kong sagot.
Kung ang akala nila na madadala kami sa pagbabanta nila doon sila nagkakamali dahil ang school na 'to ang pinakamaling kinalaban nila.
"Tsaka kukuha kayo ng babae rito eh ang dami-daming mga babae sa inyo. Haist mga lalake nga naman hindi marunong makuntento." dugtong ni vishnu sa aking sinabi.
Dinadaing ko parin ang aking balikat dahil patuloy itong nagdurugo. Masama 'to kung magpapatuloy pa ito baka wala pang isang oras ay ubos na ang dugo ko.
"Kung makapag-salita ka vishnu hindi ka lalake kung sabagay may point ka kasi kilos mo palang pang babae na." napatingin ako sa isa pang kasama ni gideon na si Josh.
"Ano sabi mo?!" galit na sigaw ni Vishnu at susugod na sana ng hinawakan ko ang kaniyang braso para pigilan siya.
"Don't make a move." I said saka siya binitawan.
BINABASA MO ANG
The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)
AksiyonMay Isang babae na hindi kilala na nag transfer sa isang school na puno ng mga mafia at gangster dahil laging syang nakamask ay lagi syang pinag-iinitan ng supreme. Lahat ng mga studyante ng Hell Wall Academy ay nagkaroon ng kuryusidad sa kanyang mu...