☪️CHAPTER 7☪️

5.3K 198 7
                                    

MIA POV:

Hindi ko alam kung sa akin lang ba naka-slowmo ang paglakad nya pero ang cool nyang tingnan.

Nakasuot sya ng headphone, nakasuklib ang sling ng bag nya sa isang balikat nya at ang isang kamay nya nasa bulsa ng palda kung titingnan mo sya parang syang model ng Academy habang suot ang uniform.

"Oww! I like your style and posture but who are you b*tch?" maarteng tanong ni Stephanie.

Kanina pa to b*tch ng b*tch lahat ng babaeng nakikita nya b*tch ang tawag nya eh kung mag-order ako ng isang daan na German Shepherd dog at ipalapa ko sya, tsk.

"Stand up." tumingin kaming tatlo sa isa't isa. Kami ba ang inuutusan nya?

"I said stand up." walang emosyon nyang utos habang nakatingin kay Stephanie.

Kami lang naman ang nakaluhod dito kaya tumayo kaming tatlo ng dahan-dahan.

"Sino ko para kalabanin ang utos nv supreme? Utos nila ito kaya wala kang karapatan na mangi-alam. Well, kung gusto mong sumali sa amin sa pagpapahirap sa kanila pagbibigyan kita mukhang masaya kang kasama." nakangiteng sabi nya kay axerylle, tsk ang plastic nya.

Yes si Axerylle ang biglang dumating. (*♡∀♡) whaaa idol ko na sya kahit wala pa syang nagagawa except sa pagsipa nya sa isang lalake sa classroom at kahit na nakamask sya ang cool nya talagang tingnan.

I don't mind kung pangit man sya o maganda basta idol ko na sya.

Tinanggal ni Axerylle ang headphone na suot nya at sinabit ito sa leeg nya.

"What are you saying?" tanong ni axerylle. Prrfff ang dami ng sinabi ni Stephanie pero ni isa wala syang narinig? Seryoso?

Namula naman sa inis si Stephanie na ngayon ko lang nakita simula nung unang pasok namin ni layla.

"What that's smell?" tanong ni Axerylle sabay takip ng ilong nya gamit ang isang daliri.

Suminghot naman ako pero wala naman akong naaamoy kaya napatingin ako sa dalawa at tulad ko nagtataka din sila.

"Ow wait b*tch, please move away from the sunlight, I hate the smell of burning plastic." napanganga ako sa sinabi ni Axerylle.

"Argghh!! baguhan ka lang dito kaya wag mo kaming idaan sa kaangasan mo?!" galit na sabi ni Stephanie.

Sayang hindi ko makita ang mukha ni Axerylle kaya hindi ko alam kung nagbabago ang emosyon nya.

"Wait. What? Kaangasan? Oh C'mon girl wala pa akong ginagawa dito pano na lang kung may ginawa na ako?" naka-smirk na sabi ni Axerylle.

Ngayon ko lang na pansin na medyo napapahaba ang sinasabi ni Axerylle and hindi ko ini-expect na ililigtas n'ya kami.

"What's happening here?" nabaling ang tingin namin sa bagong dating na ikinahawi ng ilang istudyante para makadaan sila.

Ang supreme! Akala ko umalis na sila lagot kami nito pati si Axerylle mapaparusahan.

"You're in danger." nakangising sabi ni Stephanie pero nakatingin lang sa kanya si Axerylle.

"I'm not in danger, I'm the danger." sagot ni Axerylle na ikinalapit ni Rhezero pero si Axerylle nakatapat lang kay Stephanie at hindi tinapunan ng tingin ang supreme.

"Whoa!! whoa! ito ba yung babaeng nilagpasan lang tayo kanina?" natatawang tanong ni Rhezero habang lumapit sya kay Axerylle saka pinag-aralan si axerylle mula ulo hanggang paa.

Nakasalubong nya na pala kanina ang supreme pero nilagpasan daw? Kung ganon pano nakuha ni Axerylle ang kwentas at parang hindi alam ni axerylle na suot nya na pala yun.

"Oo sya nga yun. Ang cool mo naman tingnan pero bakit ka may suot na mask?" tanong ni Vishnu na hahawakan na nya sana ang mask pero nagsalita lang si Axerylle.

"Move. You blocking my way." binaba ni Vishnu ang kamay nya ng hindi makapaniwala ng pagkasabi ni Axerylle nun.

"Abat-"

"Shut up Steph." pagpapatahimik ni supremo kay Stephanie.

Oh ano pahiya ka no sisingit ka pa ah ang sipsip mo kase!

"Let's go." napatingin kaming tatlo ng sininyasan kami ni Axerylle.

Pinapasunod nya ba kami sa kanya? Pero... nandito ang supreme kung magpapaiwan naman kami edi tuloy parin ang parusa kung sasama kami sa kanya mas lalong lalala.

"What are you doing?" Tanong ni supremo sa kanya.

Oh ow! This is bad, this is so bad.

Tahimik lang si Axerylle na nakatingin kay Supremo. Tumingin naman sa amin si supremo at bumalik ang tingin nya kay Axerylle.

"Ok, trying to save your friends huh? Well then, because you trying to save your friends and you break the rules you're going to Inferno Guidance Room." sabi ni supremo na ikinagulat naming tatlo.

Hindi sya pwede doon baka ikamatay nya kapag hindi nya kayanin. (T...T)

Ang IGR o Inferno Guidance Room ay hindi para payuhan ka o bigyan ka ng advise para tumino. Ang IGR ay isang torture room kung saan ang mga supreme mismo ang nagcocontrol para pahirapan ang pumapasok doon.

"Ok." napanganga kami sa sagot ni axerylle na parang wala lang sa kanya.

"Teka axerylle hindi mo alam kung ano ang meron sa IGR." hawak sa kanya ni layla para pigilan sya.

AXERYLLE POV:

"Teka axerylle hindi mo alam kung ano ang meron sa IGR." pigil sa akin ni layla.

Haist ano naman pake nila kung papasok ako doon and wag nila akong gawing tanga na hindi ko alam ang IGR na yan.

No choice ako kanina kaya pinuntahan ko sila dito. It's my fault anyway kaya aakuin ko na lang dahil sa akin naman nagsimula ang gulo.

Hindi ko pinansin si Layla at dumaan sa pagitan ng lalaking nagsalita kanina at kay jerk na kanina pa nakatingin sa akin.

Anong problema nito? tsk.

Umalis na lang ako at kusang pumunta sa IGR. Alam ko naman kung saan yun, ano pang silbi ng mapa kung hindi kakabisaduhin.

(10 minutes later)

Nasa tapat na ako ng IGR kaya pumasok na ako sa loob at umupo sa isang upuan. Inilagay ko ulit ang headphone sa tainga ko at naghintay. Hindi ko alam kung saang room ang papasukan ko dahil dalawa ang pintuan.

Pagpasok mo kasi parang may makikita kang office na parang katulad sa Dean office at sa dalawang side nito ay may tag-isang pintuan.

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito at nakita ko ang dean kaya sinuklib ko ang headphone ko sa aking leeg.

"Oh dear it's you." Ang saya naman nya na makita ako.

"Tsk." hindi na lang ako tumingin sa kanya at binaling na lang ang tingin sa harap.

"First day mo pa lang napunta ka agad sa IGR ah." natatawang saad nya at umupo sa tapat ng desk habang ako nasa harapan nya.

Dean ba to o istudyante kung makipag-usap sa akin parang kaibigan ko sya. Feeling close amp.

"Can you just tell me which room I'm going to go in." cold kong sabi ang dami pa kasing dama nito.

"Oh easy ka lang HAHAHA nasa likod mo ang dapat mong pasukan at iton-" tumayo na at hindi na pinakinggan ang sinabi nya ng nakinig ulit ako ng music mula sa headphone ko.

Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa loob at walang kalaman laman ang loob kung baga puro pader lang ang makikita mo at color white pa ang pader ang sakit sa mata.

Pumunta ako sa gitna ng silid at tinanggal ko ang
bag na dala ko pa kanina mula sa likod ko at nilapag sa sahig.

Saka ako umupo at kinuha ang cellphone ko sa bag at naglaro.

The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon