☪️ CHAPTER 49☪️

3.1K 90 0
                                    

LIVIUS POV:

"Yes yes." Saad ko sabay sandal sa puno at pumikit.

Nag-iisip ako ng paraan kung paano ko ba sasabihin sa kaniya na nawawala ang hairpin niya. That time na ibinigay niya sa akin ang libro na 'yun ay agad kung hinanap ang hairpin niya kung saan alam kong saan ko inilagay ngunit wala ito roon.

Pwede naman akong bumili ng katulad na katulad ng hair pin niya or magpagawa ng ganon I know the detail of her hairpin anyway.

Minulat ko ang kanan kong mata nang naramdaman kong lumayo ito sa akin ang my heart is beating fast and ang sakit nito. Parang nasasaktan ako dahil nakikita ko siyang lumalayo sa akin I know this feeling dahil naramdaman ko na din ito dati.

This few weeks I don't understand kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikitaan ko siya ng interesting na bagay. That time na nalaman kong wala talaga s'yang anak at hindi niya asawa ang Aigen na 'yun ay parang nabuhay ako muli.

Yes, I'm a jerk dahil palagi ko siyang pinupuntirya kapag may dumadating na espiya. Hayst, why her? Sa daming babae na matagal na sa academy bakit sa bago pa? This is not good, I should stop this dahil may gusto rin si Aisleir sa kaniya at nauna rin siya.

"Bakit kasama mo si Livius?" Napamulat na din ang kaliwang mata ko nang marinig ko ang pangalan ko.

Speaking of ... nandito siya. Tsk!

"Bakit nagseselos ka? Bakit hindi mo siya samahan?" Sagot ni Axerylle sa kaniya.

Anong tingin niya sa amin, bakla? Minsan talaga 'yung talas ng dila niya sarap purulin para hindi siya makapagsalita ng ganiyan.

"HAHAHA you're not in a good mood ha. Lets go in cafeteria, my treat." Rinig kong sabi ni Aisleir at pinatong pa ang kaniyang kamay sa ulo ni Axerylle.

Ganiyan pala siya magpa-impress ng babae how green flag he is even though his not. Tsk!

Tumayo na lang ako at madami pa akong aasikasuhin this week because the sportfest is coming.

AXERYLLE POV:

"Axerylle pinapatawag ka raw ni Livius sa office niya doon sa Section ng Blood Thicker." Napakunot ang noo ko sa isang istudyante na hindi ko naman kilala.

Bakit naman ako pinapatawag ng kulukoy na 'yun? Two days na akong nanahimik tas guguluhin na naman ako nun?

"Pumunta ka na lang doon 'wag ka ng magtanong." Masungit niyang sabi sa akin at tinalikuran ako.

Wow ha. Paano kung hindi ako nakapunta? Edi babalikan niya ako dito.

"Pumunta ka na Axerylle huwag mo ng hintayin na si Livius pa ang pumunta dito at hilain ka bigla. Two days ka na kaya niya pinapapunta doon e hindi ka naman pumupunta." Saad ni Mia kaya tumayo ako.

"Gusto mo bang samahan ka namin Axerylle?" Nakangiting tanong naman ni layla.

"No need." Sagot ko.

"Baliw ka Layla may sinabi bang pumunta s'ya with her friends?" Pa-roll eyes na sabi ni Mia sa kaniya.

"Nagtatanong lang naman ako kung gusto niya samahan siya. Ikaw, ang sungit-sungit mo na may buwanang dalaw ka ba lagi?"

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa at umalis na lang na hindi nila namamalayan.

Pinuntahan ko naman 'yung office na sinasabi nung babae at alam ko naman kung saan 'yun dahil napuntahan ko naman 'yun one time.

The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon