DARL DEAN POV:
I'm the dean of Mafia's Academy and my name is Darl Dean, fit na fit sa akin ang pagiging dean dahil dean ang surname ko HAHAHAHA.
Ok back to senses*
Tinitigan ko ang pinto kung saan lumabas ang babaeng kakalabas ng office ko nangangalang Axerylle Violet.
Nang una na medyo na naiinis ako sa kanya dahil hindi sya sumasagot sa mga tanong ko at nakatitig lang sa akin.
Ganon ba ako kagwapo kaya titig na titig sa akin?
Napangisi naman ako sa aking isip hindi dahil nagwagwapuhan sya sa akin kundi napakainteresado nyang babae.
Mag-ingat lang sya sa supreme lalo na kay Livius at Aisleir.
LAYLA POV:
"Nakakatakot si sir noh? Kung pwede lang lumipat ng school ginawa ko na kasomay rules dito na Enroll No Transfer na ang ibig sabihin pagnag-enroll ka na di ka na pwedeng mag transfer." nakangusong saad ni Mia.
Well yup hindi naman talaga pero pwede naman lumabas tuwing weekend but wag lang tatangkain na tumakas o hindi na pumasok dahil isa lang ang pwedeng mangyayari sa kanila.
Mamamatay sila kasama ang mga pinagkwentuhan nila about sa Academy.
"Alam ko yan noh, anong akala mo sa akin hindi nagbabasa ng mga rules? Tsaka bago tayo lumipat deads na tayo." Sabi ko kaya mas lalo syang napanguso.
"Sabi ko nga." napailing na lang ako sa kanya pero maya-maya tumawa ako.
"HAHAHAHA ano ka ba at least masaya naman dito complete na nga dito sa academy. May cafeteria, may gym, may swimming pool, may bilihan ng damit and etc. oh san ka pa?" Saad ko sa kanya.
Maganda nga pero ang nakakatakot lang ay may namamatay dahil sa rules at hindi sa pagsunod sa utos ng supreme pero kailangan talagang sundin to kung gusto mo pang mabuhay at makapagtapos.
"Oo na HAHAHA Tara na sa dorm ang sakit na ng ulo ko dahil sa lesson natin parang mabibiyak na kaya ang ulo ko kakaisip at kakaintindi sa turo ni prof." reklamo ni mia.
Ang hirap nga ng lesson namin lalo na pag ang nagtuturo ay binabasa lang ang lesson walang explain. Psh.
"Tara na." hinawakan ko ang braso ni Mia saka kami tumakbo pababa ng building at pumunta sa dorm namin.
Nasa harap kami ng pinto ng dorm namin ng may naalala ako.
"Oo nga pala kailangan natin maglinis ng dorm natin. Iniwan natin ng marumi ang dorm kaninang umaga dahil sa kakamadali." sabi ko kay Mia.
Sa pagkakaalala ko parang basurahan na yung dorm namin nang iwan namin ito pano ba naman kasi naglalaro kami ng kung ano-ano kagabi tapos tinanghali na kami ng gising kaya hindi na kami nakapaglinis.
"Ayy! oo nga, dali! bilisan natin sa pagkakaalam ko may transferee daw ngayon posibleng magiging karoom mate natin sya." tuwang saad ni Mia at hinila ako kaya sabay kaming pumasok sa dorm.
Pagkabukas namin ng pinto ay napanganga kami sa nakita namin.
"A-ang linis." nakatulala naming sabi at sabay tumingin sa isa't isa.
Shock!! Nakakahiya sa nakakita ng room namin na madumi baka sabihin burara kami.
"Nako lagot mukhang karoom mates nga natin ang transferee." tarantang sabi ni Mia at sinarado ang pinto.
"Ahm ganito na lang puntahan natin yung kadormmates natin para i-welcome natin sya." Sabi ko at tumango-tango naman sya.
"Pero bago yun maghanda muna tayo ng pagkain para ipangmeryenda nya." ngumite naman ako sa suggest nya.
BINABASA MO ANG
The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)
ActionMay Isang babae na hindi kilala na nag transfer sa isang school na puno ng mga mafia at gangster dahil laging syang nakamask ay lagi syang pinag-iinitan ng supreme. Lahat ng mga studyante ng Hell Wall Academy ay nagkaroon ng kuryusidad sa kanyang mu...