AXERYLLE POV:
"Keep your mouth shut." mahinang utos sa aking ng boses lalake saka ako sinandal sa pader.
Kalmado akong nakasandal habang hawak-hawak niya ako. Hinayaan ko lang siya at hindi nagsalita I'm not that type of girl na sisigaw or magpupumiglas as long as na walang ginawa ang lalakeng to hindi ako papalag.
Hindi ko gaano makita ang mukha niya dahil nakaside view ito sa akin at parang may sinisilip sa labas ng silid.
Maya-maya lamang may naririnig akong yapak ng mga paa at nag-uusap ito sa labas.
"Bakit kasi ngayon pa nagbaon ng bomba? Sa sunday pa naman gaganapin ang Family event."
"Ewan ko nga diyan kay boss may five days pa nga bago mag family event masyado kasi siyang excited para mapatumba itong academy."
Bomba? Sa loob ng academy? At sinong boss tinutukoy nila? Bakit laging pinupuntirya ang academy nato? Eh wala naman kainte-interesado dito maliban kay yuro at sa libro.
"Kaya nga, baka may makahalata pa sa hukay natin tas pag hinukay nila edi sabay sabay tayong mamamatay dito."
"'Wag kayong mag-alala limang bomba lang naman ang nakatamin at kapag nagalaw ang isa hindi naman ito sasabog dahil nasa boss natin ang control at isa pa hindi naman sabay-sabay sasabog lahat dahil ang isang bomba ay malaki na ang madadamage nito"
"Sshh baka may makarinig pa sa atin at makarating to sa supreme, hindi na tayo mapapakinabangan ng Gaeryeuan Academy pag nagkataon."
"Wala naman tao dito lahat sila nasa bulletin board."
"Hayst! tara na nga."
Narinig ko naman ang mga yapak nila papalayo sa kanilang kinatatayuan lamang nila kanina at alam kong nasa lima sila.
Gaeryeuan Academy? Sa pagkakaalam ko sila ang sumunod sa pinakamalakas sa Hell Wall Academy. Hayst! Daming kaaway ng Hell Wall ah hindi na ako magtataka kung pati ang ibang academy makikisali rin para lusubin ang Hell Wall.
Hell Wall nga ang pangalan ng Academy pero mabilis naman malusutan plus nag kekeep pa sila ng traitor, kung ako yan kanina pa sila nakabulagta sa sahig habang naliligo sa sariling dugo.
Naramdaman ko nahihirapan na ako huminga kaya hinawakan ko ang kamay ng lalakeng nakahawak sa aking bibig at inalis ito.
"You want to die?" malamig kong tanong ng hindi tumitingin sa kaniya.
Click*
May nag-open naman ng ilaw kaya napatingin ako sa lalakeng nakatayo sa aking harapan at hindi na ako nagulat dahil tama nga ang hula ko na siya ang nasa harap ko pero siya hindi maitatago ang kaniyang pagkabigla.
"Ikaw?!" pasigaw niyang tanong habang hindi maipinta ang kaniyang mukha ngunit agad naman bumalik sa dating expression.
"At sino ang inaasahan mong hihilain mo?" tanong ko.
Binigyan n'ya naman ako ng isang expression, expression na may pang-aasar. The f*vk! What's on his mind?
"'Wag ka magselos." nakakalokong sabi nito.
BINABASA MO ANG
The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)
AçãoMay Isang babae na hindi kilala na nag transfer sa isang school na puno ng mga mafia at gangster dahil laging syang nakamask ay lagi syang pinag-iinitan ng supreme. Lahat ng mga studyante ng Hell Wall Academy ay nagkaroon ng kuryusidad sa kanyang mu...