☪️CHAPTER 40☪️

3.6K 142 25
                                    

AXERYLLE POV:

Today is the family event.

I feel heavy today. Napasapo ako ng noo habang nakahiga sa aking kama at napatitig sa kisame.

"Family day ha." Sambit ko at pumipikit.

Matutulog na lang siguro ako dito sa dorm kaysa lumabas ako at puro ingay lang ang maririnig ko, wala naman akong mapapala sa labas.

Napadapa ako at ginawang unan ang aking mga braso at pipikit na sana ako ng mayroon akong narinig na ingay mula sa labas ng kwarto.

"TEKA LANG MIA! SI AXERYLLE PA."

"Sshh! lower your voice, alam mo naman na ayaw ni axerylle sa maingay lalo na't umagang-umaga."

"Sorry hehehe. Excited lang ako makita ang family ni axerylle."

Biglang nag-mode on ang malamig kong expression. Why did she care about my family? Kapag nakita niya ba isisiksik na naman ang kaniyang sarili tulad ng ginagawa niya sa akin?

Too obvious.

Tumayo ako at binuksan ang pinto. Nakita kong naiwan ang kamay ni layla sa ire na tila'y kakatok na sana ngunit naunahan ko siya.

"Hi axerylle." Waging bati niya sa akin ngunit binigyan ko na lamang siya ng malamig na tingin.

"Good morning axerylle." Napatingin ako kay mia. "Gusto kasi ni layla na sabay tayong bumaba at makita mo rin yung mga parents namin at para din makita namin yung parents mo." She said then smile.

"I don't have parents." Malamig kong tugon na ikinawala ng ngiti ni mia.

She look me with that expression, kinaawaan niya ako. Tsk! Don't look me like that I'm not the only one na nawalan ng magulang, madaming tao mia.

"Huh?! Bakit? Ang saya pa naman ng may parents." Napatingin kami pareho ni mia kay layla.

Napayukom ako ng kamay. Yeah! Masaya nga pero hindi lahat ng tao binibigyan ng pagkakataon para makasama ang magulang nila ng matagal na panahon. Life is unfair!

"Layla." Mahinang tawag ni mia kay layla sabay tapik.

Tumingin naman si layla kay mia na nagtataka. "Why? Totoo naman diba?" Sabi nito ngunit sininyasan siya ni mia.

Napatingin naman sa akin si Layla at natulala pa siya saglit.

"Ahh! Sige sama ka na lang sa akin axerylle, ipapakilala kita sa parents ko pwede mo naman sila maging parents." Nakangiting sambit niya na mas kinawala ng mood ko.

"A-ahm...a-axerylle...hayts layla." Nauutal at natatarantang ni mia.

"I'm not interested layla....and think before you speak, baka." (Baka= idiot)

Sinarado ko agad ang pinto bago pa siya makapagsalita.

"Ano daw mia? Baka? Mukha ba akong malaki?" Rinig kong tanong ni layla.

"Hindi, pero 'yang ugali mo pang hayop."

"Huh?"

"Hayst! 'Wag ka na madaming tanong at umalis na tayo." Dama ko ang pagkainis ni mia sa boses niya.

"Pero s—"

"Hindi siya sasama sa atin, matuto kang makiramdam layla."

Naramdaman ko naman na umalis sila kaya bumalik ako sa kama at muling matulog.

The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon