VISHNU POV:
"Hayst! Bakit pa kasi sa gabi pa pinipili ng assassin sumugod." reklamo ko.
Inaantok na ako tapos sumugod pa ang isang assassin. Ang lakas niyang sumugod dito ng mag-isa tingnan natin kapag nahuli ka namin. Tsk.
"Mag-isip ka nga vishnu kaya nga gabi para hindi sila mahuli. Ikaw nga kung susugod ka anong mas pipiliin mo para hindi makita, araw o gabi?" tanong sa akin ni Rhezero.
Bobo 'to malamang gabi sino bang gusto gustong sumugod sa umaga kung alam mo naman madaming naka-abang sayo.
"Gabi syempre." sagot ko.
"Tamo." sabi niya at dinuro pa ako tapos iniiwan n'ya ako habang umiiling siya.
Nagtataka ako sa inasal niya ng. . . ayy! oo nga noh? Arrggh kulang ako tulog kailangan ko na matulog ayaw ko na magmumukha akong sabog.
Hinabol ko si Rhezero na kasabay niya na si Supremo Livius ng lumalapit ako sa kanila naalala ko na wala pa si Aislier.
"Si Aislier wala pa. Kanina pa natin hindi nakikita 'yun." bulalas ko ng nakalapit na ako sa kanila.
"Oo nga. Livius hihintayin pa ba natin siya?" napatingin naman ako kay Livius at hinintay ang response niya.
"No need. I'm here." napalingon kami sa taong kakadating lang at nakita namin ang nakapamulsa at seryosong mukha ni Aislier.
"Saan ka ba nag—"
"Since he's here maghiwa-hiwalay tayo." putol ni Livius sa itatanong ko sana kay Aislier.
Napabusangot na lang ako kung sabagay nag-away na naman silang dalawa dahil kay Axerylle. Tsk.
"Hindi tayo pwede magsama-sama kaya kailangan magkahiwalay tayong apat dahil mabilis tayong makikita ng assassin kung magsama-sama pa tayo. If isa sa atin ang nakakita sa assassin use your ear piece nang sa ganon agad kaming dadating. Go separate." utos niya sa amin kaya nagseryoso naman ang aming mga mukha at nagsitango bago maghiwa-hiwalay.
Hindi na namin pinag-usapan kung saan ang pwesto namin dahil sa pagdating sa ganitong bagay ay napaghandaan na namin kung saan na kami pupwesto.
Nakatoka ako sa classroom building. Pumasok ako dito at nagmasid sa paligid hanggang nakaakyat na ako sa rooftop kaya mas lalo kong pinagana ang senses ko ngunit wala akong naramdaman kaya napabuntong-hininga na lang ako at sumilip sa baba mula dito sa rooftop.
Wala na akong nakikitang tao sa baba marahil narinig nila ang announcement at alam kung narinig din ng assassin 'yun. Bawat sulok ng building na nakatayo ay may kaniya-kaniyang speaker para marinig lahat ng mga istudyante.
"Sh*t!"
Napahawak ko sa aking ear piece ng may malutong na nagmura. "Sino nagmura?"
"Rhezero anong nakita mo?" hindi nila pinansin ang tanong ko ng nagtanong si Aislier.
"Wala, daga lang pala. P*tang *na bakit may daga dito sa Academy natin?" sagot ni Rhezero.
"Daga lang pala nagpapatili sayo HAHAHAHA." pang-aasar ko.
"Ikaw nga takot sa ipis." balik niya sa akin at sasagot na sana ako ng nagsalita si Livius na ikinatikom ng aking bibig.
"Focus." malamig nitong sabi.
Kapag malamig na 'yung boses ni Livius dapat manahimik ka na dahil hindi mo alam kung ano ang ipaparusa niya sayo kaya takot kami sa kaniya.
Nagmamasid lang ako at tinitingnan ang nasa baba baka sakaling magpakita siya.
BINABASA MO ANG
The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)
ActionMay Isang babae na hindi kilala na nag transfer sa isang school na puno ng mga mafia at gangster dahil laging syang nakamask ay lagi syang pinag-iinitan ng supreme. Lahat ng mga studyante ng Hell Wall Academy ay nagkaroon ng kuryusidad sa kanyang mu...