☪️CHAPTER 43☪️

4.1K 123 35
                                    

THIRD PERSON POV:

"Habulin mo ako hehehe."

Sabay na humagikgik ang dalawang bata dahil sa kanilang tuwa ay hindi nila namamalayan na palabas na pala sila ng gate ng Hell Wall Academy.

Habang 'yung tatlong lalake naman na patungo sa Mafias Academy ay nag-uusap habang naglalakad. Gumamit sila ng sasakyan ngunit iniwan nila ang kanilang sasakyan sa 'di kalayuan at nilakad na lamang nila patungo sa Hell Wall Academy.

"Ilang buwan lang tayo hindi pumunta rito pero ang daming pagbabago." Pansin ni Rio sa kanilang paligid at inikot pa kaniyang paningin.

"I agree with that pero..." Humarap naman si Teo sa kaniyang mga kaibigan na nakatingin din sa kaniya. "Wala ba kayong napapansin?"

"Na ano?" Tanong ng kanilang leader na si Axl.

"Na parang ang aliwalas ng Academy nila kaysa nung last year." Sagot naman ni Teo.

Napatigil ang dalawa at pinagpatuloy ang pag-iikot ng kanilang paningin sa paligid napatango nga ang dalawa dahil totoo nga ang sinasabi ni Teo sa kanila.

Kung dati parang ang dilim-dilim ng Academy pero ngayon gusto nilang mamalagi rito dahil bukod sa ang ganda ng ambiance ay malamig at tahimik rito maliban nga lang sa ingay na nagmumula sa mga taong bumisita sa Academy.

"Uyy! Gagi, ang kyuut ng dalawang bata oh."

Napatingin sina Axl at Teo sa harapan nang itinuro ni Rio ang dalawang bata na naghahabulan patungo sa kanilang pwesto.

Nakatitig lamang si Axl sa dalawang bata at hinintay niyang lumapit ang dalawang bata sa kaniyang pwesto ngunit nabaling ang kaniyang tingin ng may narinig siyang sumigaw.

"LIMEA! SKYLAR!"

Nakita niya na may isang babaeng tumatakbo na nakasuot na isang dress na white at nakasuot rin na maskara na patungo din sa kaniyang pwesto at sa hindi niya malamang dahilan ay parang nag slowmo itong tumatakbo patungo sa kaniya at ganon din ang point of view ng dalawa niyang kasama.

"Nag ha-hallucination lang ba ako or sadyang nag-i-slowmo talaga siya." Hindi mapaniwalang sambit ni Rio.

"Teka! S'ya na yata 'yung babaeng naka-maskara na sinasabi nila." Unang pansin ni Teo sa babaeng tinitingnan nila ngayon.

Habang yung dalawang bata ay akala nila nakikipaglaro din ang kanilang Mommy.

"Waaaa! Si mommy paparating na. Takbo Skylar!" Sigaw ni Limea habang natatawa.

"Teka lang Limea!" Baby talk naman ni Skylar at sabay silang nagsitakbuhan.

Malapit na malapit na ang dalawang bata sa tatlong binata at mababangga na ito ngunit may isang pares ng kamay na humila sa likuran ng kanilang kwelyo kaya hindi sila nabangga.

Nagulat naman ang tatlo dahil ang bilis nito makarating sa kanilang pwesto. Binuhat ni Axerylle ang dalawang bata sa magkabilaang braso saka niya pinagsabihan ang dalawa.

"You two are always naughty ever."

"Sorry po." Sabay na saad ng dalawa ay nag-pout.

Napabuntong-hininga na lamang si Axerylle dahil mabuti na lamang ay hindi ito nabangga. Napatingin si Axerylle sa tatlong lalake na nasa harapan niya ngayon, 'yung tingin niya na parang kahit sino mapapaatras dahil sa lamig at matulis na tingin nito.

"If I we're you, bumalik na kayo kung saan kayo galing." Seryosong sabi si Axerylle at tumalikod na ito.

Hahawakan na sana ni Axl ang balikat ni Axerylle ng may mga taong umikot at pinalibutan sila kaya nagtaka sila maliban kay Axerylle na animo'y alam niya na mangyayari ito.

The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon