☪️CHAPTER 24☪️

4K 152 6
                                    

SPECIAL BUILDING OFFICE

LIVIUS POV:

"Guys! mayroon pinost si Stephanie tingnan n'yo dali!"

Sabay naming kinuha ang aming cellphone at tiningnan ang tinutukoy ni Rhezero.

"HAHAHA sabi na eh pangit s'ya." tawang sabi ko pagkatapos ko mapanood ang video.

Nililapag ko ang CP ko sa table at tiningnan si Aisleir na nakaupo sa single couch habang hawak niya ang kaniyang Cellphone.

"Oh ano aisleir gusto mo pa ba rin siya?" pang-aasar ko dito ngunit magulat ako sa sagot n'ya.

"Oo naman." mabilis n'yang sagot at ngumiti pa.

Anong kademonyohan ang pumasok sa isip nito at nagkagusto sa pangit? Hindi ba siya nandidiri?

"Ano?! Aisleir nabubu—" naputol ang sasabihin ko ng tumayo s'ya.

"Kung wala kang sasabihing iba pwede na akong umalis." malamig nyang sabi ng hindi nakatingin sa akin at lumabas.

Tumingin ako sa dalawa ng tumingin ang mga ito sa akin.

"Oh susunod kayo sa kan'ya? Then go!" Inis kong sabi at padabog na umupo.

Tigas talaga ng ulo nun pangit na nga ang babaeng 'yun gusto n'ya parin. Tch!.

"Livius ikaw ang leader namin pero may karapatan naman siguro si Aisleir na magkagusto sa ibang babae, diba?" tanong ni Vishnu habang nakaupo sa single couch tulad ni Rhezero.

"Oo pero pangit kaya ng babaeng 'yun nakita n'yo rin naman diba? Kadiri ampt."

Kung magiging girlfriend n'ya 'yung babaeng 'yun malilipat ang babaeng yun sa Blood Thicker na hindi ko naman hahayaang mangyari.

Taena! Hinalikan ko pa naman ang babaeng yun. Tch! Pero pasalamat s'ya at ako ang nakahalik sa labi n'ya. Arrggh! Nandidiri ako kapag iniisip ko 'yung paghalik ko sa kaniya at ang mukha niyang parang inuod.

"Hindi ka namin pinigilan nung naging girlfriend mo si Stephanie kahit ayaw namin sa kanya, diba? Pero naging girlfriend mo parin s'ya at ngayo—"

"Shut up! wala ng namamagitan sa amin ng babaeng 'yun." galit kong sabi.

Napayukom ako ng kamao. Kung dati na minahal ko ang babaeng 'yun ngayon ay hindi na dahil isa s'yang whore at ngayon hahabol-habol s'ya sa akin na parang aso. F*ck up!

"Tsk! Ok. Kayo na ang nanalo hindi ko na papakialam ang babaeng 'yun at si Aisleir." suko ko.

"Yun! Pagod na din kami eh masyadong magaling si Axerylle." Tuwang sabi ni Vishnu.

Kung magaling s'ya bakit ang iniingatan n'yang pagtatago sa mukha n'ya ay na bulgar. Tumahimik na lang ako baka saan pa mapunta ang pag-uusap namin kung magsalita pa ako.

AISLEIR POV:

Umalis ako at bumaba sa sunod na floor habang naglalakad ako nakasulubong ko si Stephanie na nagsi-cellphone at ang laki ng ngiti n'ya. Tsk.

Huminto ako sa harap n'ya kaya nauntog siya sa akin.

"Aww! Ano ba?! Hin— Aisleir?" huminahon bigla ang boses n'ya ng nakita n'ya ako.

Humakbang s'ya paatras at inayos ang buhok n'ya at naging maamo ang mukha n'yang tumingin sa akin. Akala n'ya maaakit ako sa kan'ya. Tch!.

"Anon—" hindi ko na s'ya pinasalita at inunahan ko na s'ya.

The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon