☪️ CHAPTER 19☪️

4.3K 173 4
                                    

Third Person's POV:

Lumanding siya sa lupa nang nakaluhod ang isang tuhod at ang isang paa naman ay nakabent ng kaunti at ang kanyang kanang kamay ay pinangtukod n'ya ng nakalanding na s'ya.

Parang isang superhero na bumaba sa lupa ang porma niya ngayon.

Tumayo s'ya ng mabilis na parang walang sinasayang na oras. Kung sa pelikula mo siya mapapanood para s'yang babaeng astig na dahan-dahang tumayo.

Pinasok n'ya ang kaniyang dalawang kamay sa loob ng bulsa ng kaniyang mahabang jacket na parang isang kapa na may panaklub sa ulo kapag naglalakad s'ya ay lumilipad ang ang dulo nito na parang isang kapa.

Naglalakad s'yang nakamasid sa paligid dahil alam n'yang sa mga ganitong oras ay may  nagpapatrol sa Academy as in yung naglilibot na mga tauhan hindi paw patrol na always kang tulungan.

Dumiretsyo sya sa MAPEH BUILDING kung saan apat na floor nito. Kung baga ang Music ay nasa 4th floor kung saan puro music at instrument lang ang pwede d'yan bawal ang mga naglaladian.

Sa 3rd floor ay ang arts kung saan mga artist, paint, brush, etc. basta may kinalalaman sa arts.

Sa 2nd floor ang Physical Education kung saan puro physical ang pinapalakas bali dalawa ang room dito dahil ang isa ay ang basketball court, sa may kabila naman ang balarena room or dance room syempre salamin ang habol ng mga babae dyan kaya wag na kayong magtaka.

At ang huli ang 1st floor ang HEALTH dito pinapakain ang mga malnurish alangan naman ilagay ang health sa 4th floor hindi pa sila nangangalahati patay na sila sa gutom. 

Biro lang ang 1st floor ay tinatawag na infirmary or clinic kung saan ginagamot ang mga may injury or sugat hindi sugat sa puso.

=

Umakyat na si Axerylle sa 4th floor at pumasok sa music room.

Pagpasok mo music room ay maraming mga upuan na ang bubungad sayo at mayroong stage.  Sa likod naman ng stage doon nagtatago ang isang maliit na studio.

Sinigurado ni Axerylle na sarado ang music room saka s'ya naglakad patungo sa likod ng stage.

Pumasok s'ya sa maliit na studio at hinayaan na lang na open ang pintuan may nakita s'yang piano kaya lumapit s'ya dito at tinipa ito.

Umupo sya sa isang maliit na upuan na nakatapat lang ng piano at kinuha ang kan'yang cellphone sa kan'yang bulsa at saka n'ya tinawagan sila na agad naman sinagot.

"[Yun! Akala namin nahuli ka na.]" naparoll naman si Axerylle dahil lagi s'yang minamaliit ng lalakeng ito.

Makikita sa Video Call ang saya sa mga mata ng bata dahil excited na silang marinig ulit ang boses ng kanilang mommy.

Walang salita-salita ay nagsimulang nagtipa ng piano si Axerylle at ng matapos ang intro saka s'ya kumanta habang tinitipa ang piano para sabayan ito.

"In your eyes, there's a heavy blue
One to love and one to lose"

Sa unang pagkanta palang ay maririnig mo ang malamig n'yang boses na animo'y isang angel ang kumakanta.

"Sweet divine, a heavy truth
Water or wine, don't make me choose"

Walang sino man ang magsasawang pakinggan ang kanyang boses dahil kung maririnig mo s'yang kumanta ay parang gusto mo ulit na pakantahin siya.

"I wanna feel the way that we did that summer night, night"

Hindi niya pinaparinig ang kanyang boses kung kumakanta sya maliban sa mga bata at sa lalaking itatago na lang natin sa pangalan na Aigen dahil ito naman ang tinatawag ni Axerylle sa kan'ya.

The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon