☪️ CHAPTER 29☪️

4K 159 11
                                    

THIRD PERSON POV:

Nakataas ang kilay ni Axerylle habang nakatingin sa amin na tao na nasa tapat ng forbidden forest na nag-aaway.

Umiiling-iling na pinagpatuloy ni Axerylle ang paglalakad at lumapit ito sa anim.

Napatigil naman ang anim at napatingin sa babaeng naka-maskara ng dumaan ito sa kanilang gitna na parang wala itong nakita.

Habang si layla ay nabuhayan ng loob dahil dumating ang kanina pa niyang tinatawag para iligtas sila.

"A-axerylle tulungan mo kami." nahihirapan na sabi ni Layla dahil hawak parin ni France ang kaniyang buhok ngunit patuloy parin sa paglalakad si Axerylle.

"HAHAHA sabi ko naman sa inyo hindi kayo tutulungan ng babaeng niyan." pang-aasar ni France sa kanila.

Hindi din makapaniwala si Layla na pinabayaan lang sila ni Axerylle dahil sa galit ni layla ay sinuntok niya si France sa tagaliran na ikinahimatay nito kasabay nun ang pagtumba ng dalawang kaibigan nito na sina Ral at Fair na ipinagtaka nila Kaxier.

Pumasok si Layla sa forbidden forest para sundan si Axerylle.

"LAYLA!!" sigaw nila Kaxier at Mia ngunit sumunod naman silang dalawa kay layla.

Naabutan naman ni Layla si Axerylle at hinawakan niya ang braso ni Axerylle para humarap ito sa kaniya at agad niyang sinampal ito.

Nagulat at natigilan sina Kaxier at Mia sa ginawa ni Layla. Habang si Axerylle ay binitawan niya ang hawak niyang supot na naglalaman ng pagkain at inayos ang kaniyang suot na mask na malapit itong mahulog saka tumingin kay Layla ng malamig na ikinalunok naman nito.

"Hindi ko alam kung ano problema mo Axerylle naging mabait naman kami sayo, pinagtatanggol ka namin sa mga verbal na napangbubully sayo kahit kami ni hindi ka namin binully kahit nakita na namin mukha mo pero bakit mo kami pinapabayaan sa oras na kailangan ka namin? Naging tunay naman kaming kaibigan sayo." lakas loob at maiyak-iyak na sabi ni Layla sa harap ni Axerylle.

"L-layla." tawag sa kaniya ni Mia ngunit hindi niya ito pinansin.

"Are you done?" malamig na tanong ni Axerylle sa kaniya para mapanganga ito.

"Who told you we are friends?" tanong nito at dinampot ang supot na hawak niya kanina. "I don't like you to be my friends."

Tinalikuran niya ang tatlo na hindi makapaniwala sa sinabi nito kaya nilapitan ni Kaxier at Mia si Layla para damayan ito.

"And one more time." tigil ni Axerylle sa paglalakad. "This is the first and last you lay your dirty hand on my face." she said more than a ice tone.

Nang nakalayo na si Axerylle ay saka naman humagulgul sa iyak si Layla kaya niyakap siya ni Mia.

"Hush now layla. 'Wag muna intindihin ang sinabi ni Axerylle alam naman natin sa umpisa palang na ayaw niya talaga na magkaroon ng kaibigan at mas lalong ayaw na niya tayong maging kaibigan ngayon."

Napatigil naman sa paiyak si Layla sa sinabi ni Mia kaya napatingin ito kay Mia sabay punas ng luha.

"Bakit?"

"Syempre sinampal mo lang naman siya eh."

Nagsimula naman muling umiyak si layla. "Hmmmm Whaaaaaa!!"

Napangiwi naman si Kaxier sa ingay na ginagawa ni layla at ngayon niya lang narealize na nandoon pa sila sa loob ng forbidden forest.

"Lumabas na tayo dito at ikaw layla tumahimik ka muna mamaya na iyan nananawag ka ng mga hayop dahil sa ingay mo eh." mag-iingay sana muli si layla ng tinakpan ni Mia ang bibig niya.

The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon