☪️ CHAPTER 44☪️

3.4K 110 8
                                    

DARL POV: (THE DEAN)

Mahimbing siyang natutulog sa kaniyang kama kaya napabuntong-hininga ako. Malinis na siya at napalitan na din ang kaniyang damit ngunit hindi ako nagpalit sa kaniya kundi si Apple ang isa sa pinagkakatiwalaan niya.

Pinaalis ko din agad si Apple at baka may makapansin pa sa kaniya dito mas lalo lang paghihinalaan nila si Axerylle.

Ako ang nagdala kay Axerylle sa kaniyang dorm pagkatapos na muntikan na siya mabulag ni Livius at hindi ko na din binendahan ang kaniyang leeg dahil maghihilom naman ito.

WHY?

It's because her body have many micro-organisms na kung saan nakakatulong ito sa paghilom ng sugat nya na parang hindi nasugatan. She was used in every experiment when she was a child and I'm the witness of it. Chemical in her body is not a joke but may dahilan kung bakit siya pinag-experimentuhan ng kaniyang lolo it because may sakit sa puso si Axerylle.

Thanks to her lolo dahil wala ng sakit sa puso si Axerylle.

Nakatingin ako sa mask niya na kahit saan suot-suot niya ito kahit siguro sa CR dala-dala niya yata 'to. That mask gave by her grandma before she die, mahilig kasi dati si Axerylle sa mga maskara dahil na rin sa grandparents niya na madalas na niyang nakikitang mag-mask.

Muli akong napabuntong-hininga dahil madami na siyang napagdaanan na hirap at mas lalo akong naawa sa kaniya dahil nasasaktan na siya rito sa Hell Wall Academy rather kay Livius.

"Bago ka mag buntong-hininga sa kwarto ko mag-toothbrush ka muna binibigyan mo ng bacteria ang atmosphere ng kwarto ko."  Bigla akong na gulantang ng bigla siyang nagsalita.

Seryoso niya akong tiningnan gamit ang kaniya lilang mata at nakasandal na siya sa headboard. Her eyes. It's a natural color nasa lahi na nila yan at hindi 'yan experiment.

"Grabe ka naman Vio—este Axe." Napalunok ako ng binigyan niya ako ng matalim na tingin dahil tatawagin ko na sana siyang Violet.

Nilihis niya naman ang kaniyang tingin at tumingin sa kaniyang harapan.

"Thank you." Mahinang sabi niya na ikinangiti ko dahil once in a blue moon lang siya mag-ti-thank you.

"You're welcome at kahit hindi naman kita sagipin gagaling at gagaling ka rin naman."

"Yeah." Tumatangong-tango nitong sambit.

Bakas sa kaniyang boses ang pagkalungkot dahil siguro hindi niya naka-bonding ang mga bata kahapon dahil sa nangyari.

"Pero hindi mo naman talaga boyfriend si Axl, right?" Tanong ko.

Imposible naman na naging jowa niya 'yun dahil lagi naman akong updated kay Axerylle.

"Yes." Maikling sagot niya.

"Then bakit hindi mo pinagtanggol ang sarili mo? Bakit hindi ka nag-explain? Bakit hindi mo sinabi na hindi mo si—"

"I'm tired to explain myself in front of anyone. No one believe me then... who cares?"

Napayuko ako dahil alam ko ang dahilan kung bakit hinayaan niya na lang siya saktan at pagbintangan sa kadahilanan noong bata pa s'ya ay lagi niyang pinagtatanggol ang kaniyang sarili, lagi siyang nag-e-explain na ganito ang nangyari at hindi siya ang may gawa ngunit ang ending ay iba parin ang pinapaniwalaan.

Napaangat ako ng ulo. "Believe me Violet. As your relative, kuya, and cousin I trust you and I believe you." Madamdamin kong sambit na ikinatingin niya sa akin.

The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon