☪️ CHAPTER 30☪️

4.3K 175 7
                                    

LIVIUS POV:

Magsasalita na sana ako dahil sa inis ko ngunit napakunot ako ng noo ng hinawakan niya ang magkabilaang balikat ko at nagulat ako sa sunod nitong ginawa.

Niyakap niya ako sa leeg at nararamdaman ko ang mabibigat nitong paghinga sa aking leeg.

"P*tang *na! Umalis ka sa harap ko!" Sigaw ko sabay tulak ko sa kanila na sinalo naman siya ni Aislier.

Nanlalaki naman ang aking mata habang nakatingin sa dalawang palad ko dahil nahawakan ko ang boobs niya. Taena! mali ang nahawakan ko dapat balikat niya ang hinawakan ko.

"Wait. . ." nabaling ang tingin ko kay Aislier habang hawak-hawak niya ang babaeng pangit na nakapikit.

Nahimatay ba siya dahil niyakap niya ako? Sabi ko na nga ba eh kaya nagpapansin ito sa akin dahil may gusto niya sa akin.

"A-ang taas ng lagnat niya." natarantang sabi ni Aislier at agad niya itong binuhad ng pang brital style saka nagmamadaling umalis na parang wala siyang naiwan na kaibigan.

Pagkaalis nila ay saka naman tumawa si Rhezero. "HAHAHA bilib din ako sa babaeng 'yun akala ko ng niyakap niya si Livius ay may gusto siya kay Livius 'yun pala inaapoy lang ng lagnat."

Napatingin naman ang dalawa sa akin kaya tinaasan ko sila ng kilay.

"Anong tinitingin-tingin n'yo dyan?" inis kong tanong sa mga 'to.

"Livius bakit ka namumula? Kinikilig ka noh?" tanong ni Vishnu habang nakangisi na napakalaki-laki.

Napahilamos ako ng mukha at tiningnan sila ng masama. "Namumula ako dahil sa galit kaya shut up! Tsk! Kayo na bahala sa tatlong 'yan." inis kong sabi at tinalikuran silang dalawa.

"Oyy saan ka naman pupunta!? Hindi namin kaya ikaw magbuhat ng isa!" sigaw ni Rhezero ngunit hindi ko ito pinansin.

Tsk! That Axerylle getting to my nerves.

AISLIER POV:

"How is she?"

"She's ok Aislier but magiging ok sana siya if hindi siya lumabas ng kaniyang dorm. Mukhang nabinat siya at napasukan ng hangin sa labas kaya mas lalong lumala ang kaniyang lagnat. 2-3 days magiging ok siya kung susundin niya inumin ang nakareseta sa kaniya."

Napatango ako sa sagot ni nurse maya bago niya kami iwan ni Axerylle. Lumapit ako kay Axerylle at umupo sa upuan katabi ng kama.

Nandito kami sa infirmary dito ko siya dinala to make sure na magiging ok siya. Nakacross-arm akong nakaupo habang tinititigan siya na mahimbing natutulog kahit na gising siya mukha siyang tulog dahil sa aura at attitude na pinapakita niya na walang kabuhay-buhay.

Naalala ko. . . anong ginagawa niya sa forbidden forest? Hindi ba siya natatakot na kung ano ang mangyari sa lugar na iyun? Maraming hayop ang gumagala dito at isa na ang isang halimaw na kinatatakutan namin.

Isa tong malaking hayop at ang itim na itim nitong balahibo kasabay ang matatalas na ngipin at mapupulang mata nito sa gabi.

"Tapos ka ba kakatitig sa'kin?"

Napabalik ako sa realidad at napatingin kay Axerylle na nakatingin ito sa kisame. Paano niya nalaman na nakatitig ako sa kaniya?

"Obvious naman na lagi kang nakatitig sa akin. Inaaraw-araw mo na nga hindi ba?" sabi nito at itinagilid niya ang kaniyang ulo kaya nakatingin ito sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata. Paano niya nalaman ang ganong bagay? Ni hindi ako nagpakita sa kanino ni kahit isang tuldok ng anino ko at nakatago na din ang aura ko sa kaniya.

The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon