Stell's POV.
Pagka lapag ng eroplano ay sobra akong na ne-nerbiyos, hindi ko alam ang madadatnan ko dito.
Lumipad kami patungong America Para dumalo sa birthday ng kambal.
A Few months ago,
Lumabas ang kapatid ko Para bumili ng meryenda namin, wala kasi si mama may pinuntahan daw. Tinatawagan ko ang mga ka grupo ko pero wala akong makontak sa kanila.
Saan naman kaya sila ngayon?, bakit 'di ko sila makontak?.
Hindi parin dumating ang kapatid ko,Kaya lang ihing-ihi na talaga ako, hindi pa kasi ako masyadong nakakalakad. Kaya sinubukan kong tumayo Para umihi sa banyo.hindi pa ako nakakalayo sa kama ko ay natumba ako at nauntog ako sa sahig saka nawalan ng Malay.
Pagdilat ng mga mata ko si mama agad ang una kong nakita,Nasa may likuran niya ang mga ka grupo ko.
Lumapit agad si mama pagka kita niyang gising na ako.
"anak!!,buti naman at gising kana.may masakit ba sayo?, sabihin mo stell." natatarantang Sabi ni mama.
"MA, I'm OK, Sa'n kayo pumunta kanina MA?," Malungkot lang na mata ni mama ang nakikita ko at hindi siya nagsalita.
"MA, Pwede bang papuntahin nyo ang mag iina ko, mama", nagulat silang lahat sa sinabi ko at kalaunan napayuko silang lahat sa sinabi ko.
"MA, please naka kaalala na ako, kailangan ko silang makita mama". Malungkot Kong Sabi Kay mama.
"anak, sorry, pero wala na sila. Umuwi na sila kanina patungong America." hindi agad ako nakapag Salita sa sinabi ni mama.
" MA!!!, hindi totoo yan!!!,please MA, mahal na mahal ko sila.parang-awa niyo na mama!!... ".umiiyak Kong Sabi sa kanya.
" hayaan mo muna sila anak, ayusin mo muna ang buhay mo, mag pa galing ka, mag ipon ka para masundan sila. Alam ko nasaktan si Jen sa nagyayari.pag OK na ang lahat pupuntahan mo sila anak", nakayakap na ngayon si mama na humihikbi.
Napa tingin ako sa mga kasama ko at tumango lang sila bilang sang-ayon sa sinabi ni mama.
Kailangan Kong magpa galing at makapag ipon para mapuntahan sila sa America.
Makalipas ang ilang buwan, nakakalakad na ako ng mabuti at OK narin ang mga sugat ko.
Iba't ibang guesting ang mga dumating sa aming grupo at heto na nga may world tour kami na gaganapin sa amarica,sa may Nevada.
Rest namin ngayon dahil sa nag practiced kami sa mga ipe-perform namin. Kailangang maganda at perfect ito dahil ibang usapan na ang internationally event na ito.
Kinuha ko ang cp ko at ini-stalk ko si Jen, pero wala siyang mga post. Ilang buwan na siyang walang post. Hindi ko tuloy makita ang kahit pictures man lang nila.
Sobra akong nag sisisi sa nagawa ko noon sa kanya, Kung wala lang akong sakit noon, never kong magagawa sa kanya iyon.
I love her so much at miss na miss ko na siya, sana patawarin niya ako sa mga naging kasalanan at pag kukulang ko sa kanya o kanila.
Na kwento na sa akin ni Jah ang lahat-lahat,sobra akong nalungkot at naiiyak pagkasabi nya sa akin ang mga nagawa ni Jen Para sa akin noon.
Bakit ang bait nya sa akin at nagawa nya ang lahat ng iyon. Hindi ako galit sa hindi nya pagsabi sa aming mga anak. Guilty, ang mas naramdaman ko sa kanya noon.
Ngayon kailangan ko namang maging responsableng ama at hopefully soon a husband of Jen. Gagawin ko ang lahat mapasa akin lang siya.
Kasalukuyan,
"Bro, ready kana ba?", tumungo lang ako sa kanya bilang sagot.
Andito na Kami sa harapan ng bahay nila, nababalisa ako sa pagkakataong ito.this is what I want, pero sobrang kaba ko talaga.
Sana mapatawad at mabigyan niya ako ng pagkakataon para makasama sila.
Nag doorbell na si angel,makaraan ng ilang Segundo bumukas ang gate Nila. Isang amerikano ang nag bukas nito.
"HI, we're Jen's friends from the philippines,we want to surprise her and the twins too."Sabi ni angel sa lalaki.
"ok, just come in, I think she's in the kitchen right now". Napangiti naman kaming lahat pagkasabi niyang Papasok na kami.
Pumasok naman kami agad at may mga bisita kaming nadatnan.wala nga si Jen, nasa loob siguro kasama ang mga kambal.
Napa tingin ako sa may medyo edad na amerikano na lumalapit sa amin. Baka siya ang papa ni Jen. Medyo mag kahawig kasi sila.
Nagpakilala na ang mga kasama ko sa kanya, at ako na ang susunod. Kahit anong gagawin nila o sa sabihin Nila sa akin tatanggapin ko para sa mag iina ko.
"HI sir, I'm stell ajero and". Nakatitig lang ako sa kanya bago ako ulit nagsalita.
"I'm the twin's father, I came here to attend their special day and to talk to your daughter too sir. Sorry sir, for every bad things I've ever done to your daughter. Please give me a chance to be with them. I can't promise anything to you sir, but I will try to make up with her and to my sons Sir."
Akala ko susuntukin niya ako or bubulyawan pero hindi, tinapik niya ako sa kabikat saka sinabing....
"ok, just don't make her cry again or else, you will no longer see them and be with them again." napangiti naman ako sa kanya saka niyakap siya.
Pag katapos naming mag usap ng papa niya ay pumasok ako sa bahay nila. Bumungad sa akin ang sala Nila, napatingin agad ako sa mga naka frame na pictures ng kambal.kamukha talaga nila ako, kinuha ko ang Isa at hinaplos ang larawan nila.
Malalaki na sila, kung alam ko lang noon, Sana nakita ko sila nung maliliit pa sila.
Pinahid ko ang mga luha ko, ibinalik ko ito sa dating ayos nito. Uupo na Sana ako nang mapansin ko na may taong nakatingin sa gawi ko.
Si Jen na titig na titig sa akin,lumapit sa akin at sinabihan akong kakain muna ako bago kami mag usap.
Nakikipag kwentohan ako sa mga kapatid niya nang makita ko silang papalapit sa amin. Naka pantulog na ang mga Bata.
Tinititigan ko silang tatlo, hindi ko na naririnig ang mga iba nilang sinasabi. Nagulat nalang ako nang sinyesan niya akong Papasok kami sa loob.
Nag paalam kami sa mga kapatid niya, binalaan naman nila ako na wag ko daw sasakyan si Jen.
Pagkapasok namin sa loob, naglaro kaming apat ng play station. Pagkalipas ng ilang oras matutulog na daw ang kambal at ako ang inatasan niyang mag patulog sa Bata.
Kinarga ko silang dalawa, mabigat nga sila kasi medyo may katabaan sila. Pero OK lang basta ang importante masaya sila.
Kinantahan ko sila ng tagalog song at Pagkalipas ng ilang minuto Nakatulog na sila.
Hinagkan ko Sila sa pisngi bago umalis sa kama. Now, it's time to talk to Jen, at Sana magiging OK din kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Hiding The Babies Of Celebrity Idol
Lãng mạnSorry Kung wala ako noong mas kailangan mo ako. at Kung nalaman o Alam ko lang na buntis ka noon kayo ang pipiliin ko. Sana bigyan mo ako ng chance to stay with you 'till the end.