Jenny's POV.
Nakatitig lang ako sa cellphone ko, kasi Sabi ba naman niya na tatawag siya. Bakit hanggang ngayon wala parin, Ano ba Yan? bakit ka ba kasi umaasa self Masasaktan ka lang.Parang tangang kina kausap ko ang sarili ko.hihintayin ko muna, pag wala talaga PAASA siya.
Nakalipas ang isang linggo, wala talagang text o tawag niya. Naiinis na ako na Ewan, Parang gusto ng sumabog ang puso ko sa inis. Wag ko na nga lang isipin 'yong taong walang paki ramdam. Madapa Sana siya Sabi ko nalang sa inis.
"frenny bakit namumutla ka, at bakit nakasimangot ka Jan?." Isa Pa itong taong ito, nakakainis. bakit ba ganito ang pakiramdam ko,Parang kinaiinisan ko lahat ng Tao.
"Frenny!! Sumagot ka naman oh".
"tumahimik ka diyan, Kung ayaw mong masapak kita diyan!.Wala ako sa mood ngayon" . Sabi ko nalang sa kanya. At buti nalang nakinig ang loka ,Sakit kasi ang ulo ko kanina pa.
" Ano ba naman yang kinakain mo angel ang baho, ilayo mo nga Yan!! " sabay takbo sa banyo at nagsuka.
"FRENNY, OK ka lang?. bakit nagsuka ka, eh paborito mo naman din yon, himala dahil ayaw mo na ngayon".
" wala, masakit lang talaga ulo ko, kaninang umaga pa ito".
"Frenny!!" bakit ganyan naman ang itsura nito kung Makatingin sa akin.
" Magtapat ka nga! May bf kaba?".
"Wala akong bf!". sagot ko naman sa kanya at pinanlakihan ng mata. Siya kasi parang mananakmal na ulol na aso Kainis, sarap tadyakan.
" Eh bakit parang buntis ka at sa mga inaakto mo, those are signs of pregnancy". Sabay ikot niya na parang Ine examine ako.
"tigilan mo nga 'yang ginagawa mo at nahihilo ako sa iyo" Sabi ko sa kanya.
"To confirm it, hintayin mo ako bibili ako ng PT, at wag Kang umayaw Kung ayaw mong ako ang magdadala sayo sa doctor,Naiintindihan mo?." I just nod to her kasi hindi ko din siya mapipigilan.
Kakainis naman, paano Kung totoo ang sinabi ng kaibigan niya. Anong gagawin ko!,Sabay kamot sa ulo ko na parang naiiyak ako sa mangyayari.
Sana hindi ako buntis.
" oh gamitin mo ito Frenny, sige na", Tinulak nya ako sa loob ng cr.
Taimtim akong nagdarasal na Sana hindi positive.
Please GOD, hindi naman sa ayaw ko magka anak, pero hindi pa ako handa at magulo pa ngayon ang buhay ko. Dasal ko nalang sabay hintay sa result.
Pagkakita ko sa result, ay parang gusto Kong manlumo sa kinatatayuan ko.Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Napasapo nalang ako sa noo ko.
"Frenny... Oh ano?, Oh My God!, ano to? buntis ka nga!". Sino hindi magugulat eh wala naman siyang alam sa nangyari sa amin ni stell.
Hanggang ngayon, hindi pa ako maka pag Salita. Ang daming pumapasok sa utak ko. Ano ba to?, At paano ko sasabihin Kay stell.
Baka ayawan niya lang kami ng magiging anak namin, Napasabunot nalang ako sa ulo sa nangyayari.
"sasamahan kita mamaya Frenny sa doctor. matanong ko lang, sino nga Pala ang ama niyan? ". Kung makaturo naman sa tiyan ko itong babaeng ito. Sasabihin ko Kaya sa kanya, bahala na kaibigan ko naman siya.
" maniniwala kaba angel, Kung Sasabihin Kong si Stell ang nakabuntis sa akin". Hala nakanganga na naman siya na nakatingin sa akin sabay tili.
"OH MY God!! .......paano nangyari iyon? siguro inakit mo siya ng bongga". Kung Alam mo lang, Sabi ko nalang sa sarili ko na nakatingin parin sa kanya. Palakad -lakad pa ang loka nakaka hilo.
"sa-sabihin mo ba Frenny? ".Ako naman ang natulala.
"Hindi ko alam, naguguluhan ako kasi simula noong may mangyari sa amin. minsan ko lang siya nakausap."
"aba eh, try mo lang sabihin sa kanya. alam mo na, siya naman ang tatay".
"Eh paano Kung ayawan niya kami, at Lalo ngayon sikat na sikat sila. Ako mismo, hindi ko alam ang gagawin ko" Napaluha kong Sabi sa kanya.
"Wag kanang umiyak, blessing Yan Frenny. Basta andito lang ako parati sa tabi mo". Napaiyak na talaga ako sa narinig ko mula sa kanya.
" tahan na, papangit si baby at baka ma stress ka niyan. Tibayan mo ang loob mo Frenny". Napatingin nalang ako sa kanya sabay yakap sa kanya. Maaasahan ko talaga siya sa lahat ng bagay.
Kinabukasan pumunta kami sa doctor ni angel, at nalaman Kong 2 weeks akong buntis. Saka binigyan ako ng doctor ng vitamins. Pinayuhan din akong bawal ma stress .
kakayanin at sisikapin Kong maging matatag Para sa anak ko.
BINABASA MO ANG
Hiding The Babies Of Celebrity Idol
RomanceSorry Kung wala ako noong mas kailangan mo ako. at Kung nalaman o Alam ko lang na buntis ka noon kayo ang pipiliin ko. Sana bigyan mo ako ng chance to stay with you 'till the end.