Chapter 25

528 13 0
                                    

Jenny POV.

After 1 month

Isang buwan na kaming nag hihintay sa pag gising ni stell,Pero hanggang ngayon wala parin siyang malay.

Palagi ko siyang binibisita kasama ang kambal, wala naman kasi akong pang iiwanan sa kambal  kasi pumapasok si angel sa work niya at doon lang siya natutulog. Kaya akay-akay ko sila pumupunta sa hospital.

Hindi  ako nakakatagal sa room niya kasi limitado lang naman ang visit hours. Minsan inilalabas ni tita ang mga kambal, hindi kasi pwede ang pag lagi nila sa loob. Pinapa kiusapan ko lang ang nurse minsan kahit 1 hour lang.

Ako ngayon ang pinag bantay ni tita kasi dinala niya ang mga Bata sa bahay Nila. Meron naman daw titingin sa kanila doon, ang nakababatang kapatid ni stell.

Kasalukuyan akong nasa tabi niya sa mga oras na ito. Hawak hawak ko ang  kamay niya. Medyo gumagaling na ang ibang sugat niya.stable naman na daw ang kundisyon niya.

Ang pag gising nalang talaga ang kulang, upang kahit papaano eh mapanatag na ang mga kalooban namin.

Minsan dumadalaw naman ang mga ka grupo niya. Inaasar Nila siya, na gumising na siya dahil may mga anak na daw siya.

Maingay ang loob ng kwarto niya pag andito sila, si Pablo o sejun lang naman ang tahimik.

Wala muna silang mga ganap sa ngayon, dahil hinihintay nila ang pag gising nito at syempre pag magaling narin ang mga sugat niya.

Kinakausap ko siya ngayon kahit hindi makasagot. Sabi naman ng doctor naririnig naman daw niya.

Kailangan lang daw talagang hintayin ang pag gising niya.

"stell, gising kana oh!, kailangan mong makita ang mga kambal. Lumalaki na sila, mahirap narin silang kargahin. Pag gising mo ikaw naman pahihirapan ng mga Bata."nakangiti parin akong nakatitig sa kanya.

Ang gwapo niya parin kahit may mga galos ang mukha niya.

Pinag nanasaan mo na naman siya self,kalma lang.

Parang tangang kausap ko ang sarili ko, hindi nga lang malakas kasi nga Sabi nila nakakarinig siya.

Hindi ko namalayan Nakatulog Pala ako, wala naman kasi akong gagawin dito Kung hindi kausapin at titigan siya.

Biglang may nag bukas sa pinto Kaya na palingon ako. Sila tita Pala, kasama niya ang kambal. Nagulat ako sa isang taong  kasama nila.

Ang kasama nila tita ay iyong babae na humor gf ni stell, bakit ngayon lang naman siya dumalaw?.

Lumapit ang babae Kay stell na huma hagulgol, tinitignan ko lang naman ang bawat galaw niya.

Siguro sila na nga kaya ganyan siya maka react. Nakahawak siya sa kamay ni stell.

Lubos akong nasasaktan sa nakikita ko, Feeling ko tuloy  ngayon isa akong kabit.

Napatingin ako Kay tita na hawak ang mga Bata.

"MA-MA". Sabi Nila, Kaya Lumapit ako sa kanila sabay yakap.

"kumain kana hija, may mga dala akong pagkain diyan".

"sige po, salamat." napangiti naman siya sa sinabi ko.

Kumakain ako nang lumapit ang babae sa akin. Pinunasan niya ang mga luha niya.

"HI!", ano kayang sa sabihin niya?.

"HI!"Sabi ko naman sa kanya.

Nakangiti na siya ngayon na nakatitig sa akin, Saka nag Salita.

" Alam ko kung sino ka sa buhay ni stell, you're Jen right?", tumango naman ako.

" ako nga Pala si Lorraine, ang ex niya. "pakilala niya sa akin, hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon kung masisiyahan na ba ako?.

"wag kang mag alala,lalaban siya. Kaya niya Yan.ngayon pa at nandito kana." Napa maang ako sa sinabi niya.

Ano naman Kaya ibig niyang sabihin?.

"kilala kita, palagi ka niyang naiku- kwento sa akin."  hindi parin talaga ako Maka pag react.

"pag ka hiwalay namin noon,Alam ko may natitipuan narin siyang iba. Ang Dali niya kasing naka move on.pag kalipas ng ilang buwan, I begged for a second chance for us. Pero inayawan niya ako".tahimik parin akong nakikinig sa kanya.

Pag katapos niya sabihin sa akin 'yon nakangiting napatingin siya sa akin.

"Alam ko ikaw iyon".

"so fake news lang yung balita na kayo? ".She just nodded, napangiti naman ako.

"wag kang mag alala mahal ka niyan, hintayin mo lang siya. look, I'm engage so, maniwala Kang walang kami." nayakap ko siya pagka Sabi niya 'non.

Sobrang Saya ko ngayon sa nalaman Ko. Napatingin ulit ako Kay stell pag ka alis ni Lorraine.

"Gising kana stell, mahal na mahal kita".pag kasabi ko ang katagang iyon hinalikan ko siya sa labi.

Hihintayin kita mahal ko.











Hiding The Babies Of Celebrity IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon