Starry Starry Temple

566 37 1
                                    

"Totoo ba?"agad na sinalubong ng tanong ni Kennet ang kaibigan bituin na kalalabas lang ng templo.

Masaya sila na pinili nito bumalik sa templo pero hindi na nakakagulat kung isa na rin ito  mawawalay sa kanila gaya nina Constell,Alazis at Wendell.

"Babalik ka sa lupa?"sunod na tanong niya.

Hinarap siya nito at tumango. "Gusto ko sa lupa,"sabi nito.

"Dahil may nakilala kang tagalupa na kailangan mong balikan?"patanong na saad niya.

Umangat ang isang dulo ng mga labi nito ng kinaawang ng mga labi niya.

"Kasalanan ng tagalupa iyun,"anito.

Napakurap-kurap siya sa nakitang pagkislap ng mga mata nito na dati-rati ay walang kaemo-emosyon at napakablanko.

"Sana ako na ang sunod na pababain sa lupa kasi kuryuso talaga ako sa nangyayari sa inyo,"mangha niyang saad.

"Isang payo...maging handa ka sa lahat ng oras,"mahiwaga nitong sabi saka siya nito tinalikuran.

Bagong Deo ang nagbalik sa kanila. Binago ng isang tagalupa si Deo. Mas lalo siya nasasabik na makababa sa lupa upang malaman ang nangyayari sa kanilang mga kaibigan.

Nagmamadali na marating ni Kennet ang kinaroroonan ng Haring-bituin at ng Reynang-bituin. Hindi na siya makapaghintay na makompirma ang nasa isip niya na marahil kaya siya pinatawag ay siya na ang baba sa lupa.

"Mahal na Haring-bituin at Mahal na Reynang-bituin,nandito na po ako!"humihingal na anunsiyo niya ng makarating siya at nagbigay pugay siya.

"Labis ang iyong pagmamadali,mahal namin bituin,"turan ng Haring-bituin na may himig ng panunudyo.

"Patawad po,mahal na Haring-bituin,"tugon niya at nanatiling nakayukod.

Isang naaaliw na tawa mula sa mga ito ang nagpaangat sa kanya ng ulo.

"Iniisip ko kung ano sa dalawa ang nagpapasabik sayo..ang makita ang mga dating bituin o ang maisip mong ikaw na ang pababain sa lupa?"naaaliw na saad ng Haring-bituin.

"Pareho po,Mahal na Haring-bituin, "agad na pagtugon niya.

"Batid mo na marahil kung bakit ka naririto,"anang ng Haring-bituin.

"Opo,Mahal na Haring-bituin!"agad na pagtugon niya.

Naaaliw na tumango ang Haring-bituin sa kanya at gayun din ang Reynang-bituin.

Kung sa ibang pagkakataon malaman nakaramdam na siya ng pagkapahiya pero nilalamon siya ng pananabik at ng kuryusidad ngayon batid niyang siya na ang sunod na baba sa mundo ng mga tao.

"May oras ka pa para magpaalam sa iba,"anang ng Haring-bituin.

"Opo,Mahal na Haring-bituin!"agad na tugon niya.

Agad na tinungo niya ang mga kaibigan bituin. Hindi na siya nagulat pa na batid na ng mga ito.

"Nais ko magpaalam sa inyo lima,"simula niya pagkalapit niya sa mga ito.

"Huling paalam...ito na rin ba ang huling pagkikita natin?"untag ng isa sa mga ito.

"Ayokong magsalita ng tapos. Alam niyo naman kung ano ang nangyari sa mga kaibigan natin na ngayon ay nasa lupa na,"matapat niyang tugon rito.

Tumango naman ito ng makuha ang ibig niyang sabihin.

"Kung ganun..wala na kami ibang sasabihin pa kundi mag-ingat,"untag na ng isa.

"Oo,gagawin ko..hanggang sa muli mga kaibigan kong bituin,"turan niya sa mga ito at tahimik na nagsitanguan sa kanyang pamamaalam.

"Tanggapin mo ito..siya ang iyong misyon mo. Siya ang pagbibigayan mo ng Bituin ng Buhay.."paglahad ng Haring-bituin sa nagliliwanag at hugis bituin na papel.

Agad na tinanggap niya iyun at sinuri ang nakasaad roon.

Nakasulat roon ang pangalan,edad at oras ng kamatayan ng tagalupa na siyang bibigyan niya ng Bituin ng Buhay.

DANICA YVAS,28 YRS.OLD,MARCH 21,2021,11PM

Tinitigan niya ang larawan na naroroon. Isang babae. Ang mukha na tila di marunong ngumiti. Blanko ang mga mata nito ngunit hindi maikukubli niyun ang maganda nitong mukha.

"Handa ka na ba,mahal namin bituin?"untag sa kanya ng Haring-bituin.

"Opo,mahal na Haring-bituin. Handang-handa na po!"agad na pagtugon niya.

Binalot siya ng liwanag at unting-unti lumulutang ang kanyang katawan hanggan sa gumuhit ang liwanag na iyun sa kalawakan pababa sa mundo ng mga tao.

Natatanaw na niya ang ganda ng mundo ng mga tao. Ang mundo na pinili manatili ng kanilang mga kaibigan bituin kasama ang mga tagalupa na bumihag sa kanilang mga puso.

Mangyayari rin kaya iyun sa kanya o labis lamang siya kuryuso sa kung ano nga ba meron sa mundo ng mga tao?

Totoo bang isang sumpa sa kanila ang sinasabi nilang pag-ibig?

Pipiliin din ba kaya niya manatili sa lupa para lamang sa isang tagalupa?

Ang ipagpalit ang buhay na walang hanggan niya sa buhay ng ìsang tao na limitado lamang.

Nakita niya kung paano nagbago si Deo. Ang dating bituin na alam nila na may matigas na paninindigan pero napalambot iyun ng isang tagalupa. Nabigay niyun ang pusong bato nito.

Nakakapanabik.

Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon