Chapter 21

368 30 0
                                    

HOLDING HANDS

Agad na bumaba ng taxi si Kennet pagkahinto niyun sa tapat ng isang two-storey building kung saan lumipat ng matitirahan si Danica. Agad naman nakita siya nito na nakatayo lang sa labas at hinihintay ang pagdating niya.

Hindi na niya pinigilan pa ang sarili na yakapin ito na kinabigla nito. Hindi ito gumagalaw habang yakap niya ito. Nag-alala talaga siya ng malaman niya na lumipat na ito at naisip niya na baka sinaktan ito ng sarili nitong pamilya kaya napilitan umalis. Nakahinga lang siya ng maluwag ng sabihin nito na sarili nito iyun desisyon at alam niya ang pagtrato ng pamilya nito ang nagtulak rito para umalis hindi man nito sabihin iyun.

"Okay ka lang?"untag niya ng bitawan niya ito.

Nabigla talaga ito pero huli na para mahiya siya sa ginawa niya.

Napabuga siya ng hininga. "Pasensya na,uh,nag-alala lang kasi ko sayo ng sabihin mo lumipat ka na,"untag niya rito. Saka lang ito natauhan sa sinabi niya.

"Okay lang naman ako,Kenneth. Salamat sa pag-aalala,"sabi nito na may tipid na ngiti sa mga labi nito. Nang makita ang ngiti iyun agad na gumaan ang pakiramdam niya.

"Alis na tayo?!"masigla na niyang turan.

Natawa ito sa inakto niyang iyun kaya lalo lumaki ang ngiti niya.

"Tara na,"anyaya na nito at magkasabay na lumapit sila sa naghihintay na taxi.

Tahimik lang ang dalaga habang sakay sila ng taxi. Pinakiramdaman niya ito at hindi niya gusto na nakikita ito na malalim ang iniisip. Ayaw niyang nag-iisip ito ng kahit ano para maging malungkot at masaktan ito.

Lakas-loob na inabot niya ang isa nitong kamay na nasa ibaba ng kandungan nito. Agad na napabaling ang dalaga sa kanya mula sa pagtanaw nito sa labas ng bintana.

Nginitian niya ito saka pinagsalikop niya ang kanila mga daliri. Hindi na siya mahihiya sa ginawa niya dahil gusto niya iparamdam rito na nasa tabi lang siya nito. Hinayaan naman siya nito gawin iyun kaya labis ang saya niya.

Hindi na niya binitawan pa ang kamay nito kahit nakarating na sila sa driving school na pag-aari din ng kaibigan niyang si Wilson.

"Sabi ni Wilson kailangan ko dumaan sa ganitong proseso bago ako magkaroon ng lisensya,"untag niya sa dalaga habang papasok sa loob ng building.

Nilingon siya nito. "Tama naman yun,"tugon nito sa kanya. Ngumiti siya rito.

Madali na sa kanila na magkaroon siya ng sasakyan pero dahil nasa mundo siya ng mga tao at gusto niya maging normal na tao tulad ng mga ito kaya kailangan niya dumaan sa tamang hakbang bago niya makuha ang isang bagay.

Kung tutuusin hindi naman niya kinailangan pang magkasasakyan dahil hindi rin naman siya magtatagal sa lupa pero...ng malaman niya na namamasahe lang ang dalaga gusto niya siya ang susundo at maghahatid sa trabaho nito.

Agad naman na inasikaso siya ng mga empleyado ng kompanya ng kaibigan niya si Wilson. Tinuruan siya ng lalaking nag-assist sa kanya kung paano gamitin ang mga bagay na nasa loob ng kotse at ang tamang pagmamaneho. Ilang oras din nagtagal iyun at kanina pa siya naiinip na matapos dahil naghihintay sa kanya si Danica at baka naiinip na ito.

Patakbo na hinanap niya ang dalaga sa malawak na lobby kung saan naghihintay sa kanya si Danica. Agad na napangiti siya ng makita ito pero natigilan siya sa paghakbang ng makita kung sino ang kausap nito.

Gumilid siya ng may dumaan ng maintenance crew ng building at ilang hakbang mula sa kinatatayuan ng dalawang babae pinakinggan niya ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Nakuha mo pa kumuha ng sasakyan pagkatapos mo umalis sa bahay? Hindi mo ba alam na namomoblema sina papa at mama?"mariin na sumbat ng kapatid nito kay Danica.

"Daisy..hindi ako kumuha ng sasakyan, okay? May sinamahan ako dito,"agad na tugon nito sa kapatid.

Umismid ang nakababata nitong kapatid. "Yeah,right..kasi alam ko di mo kayang bumili ng sasakyan mula sa kompanya ito.."may pang-iinsulto sagot ng kapatid nito.

Napabuntong-hininga ang dalaga. "Kamusta sina Mama at papa?"

"Bakit mo tinatanong? Aalis-aalis ka sa bahay ngayon nangungumusta ka?"

"Daisy,sumagot ka ng maayos,"mariin na sabi ng dalaga sa kapatid nito na inirapan lang ng huli.

"Huwag mo akong tanungin bakit hindi mo sila tawagan,"pataray nitong sagot.

"Sino sinamaham mo dito? Don't tell me may iba kang boyfriend bukod dun sa kenneth na yun?"

Bago pa makasagot ang dalaga nasa tabi na siya nito at inakbayan ang dalaga na mabilis na napalingon sa kanya.

Gulat na gulat naman ang nakababata nitong kapatid sa biglaan pagsulpot niya sa tabi ni Danica.

"Tapos na ko turuan, "baling niya sa dalaga na may gulat sa mga mata nito.

Wala siyang intensyon na bigyan ng pansin ang nakababata nitong kapatid na tulala na nakatingin sa kanila.

"Ganun ba. Alis na ba tayo?"saad nito sabay tingin sa kapatid nito.

Ngumiti siya at saka bumaling sa harapan.

"Nandito pala kapatid mo,"aniya.

Tumikhim ito saka umayos ng pagkakatayo. Makikitaan ito ng pagkailang at...takot.

Palihim siya natuwa sa nakita niyang reaksyon nito sigurado siyang naalala nito kung anuman ang ginawa niya rito na hinayaan niyang maalala nito ng kaunti upang sa ganun kapag nagkita sila hindi ito aakto na para bang gusto siya agawin nito mula kay Danica na hindi niya nagustuhan.

"Let's go..hindi ako nainform na may nakuha na pala,"paglapit ng isang binabae lalaki.

"We're wasting our time here naman pala,let's go!"mataray na pagsagot nito sa binabae lalaki.

Hindi man lang ito nagpaalam sa kanila at dere-deretso na lumakad palabas.

"Mauna na kami,Danica!"paalam naman nito saka saglit na tumitig sa kanya ito bago ito tuluyan sumunod palabas.

"Tapos ka na ba talaga?"untag sa kanya ni Danica na kinabaling niya rito.

Agad na tumango siya. "Oo! Balik ako bukas para magdrive sa labas,"sagot niya.

Tumango ito. "Okay,good.'

Giniya na niya ito palabas ng building at muli nagkahawak-kamay sila lumabas roon.

Masaya sa pakiramdam na hawak niya ang mainit na kamay nito. Sana sa oras na kinailangan na niyang bumalik sa templo makaya niya na bitawan ang kamay nito.

Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon