Chapter 32

315 30 2
                                    

UNACCEPTABLE

She just quiet and listen what her Aunt Celyn said. Ang pagpapasalamat nito sa Diyos na sa wakas ay nakita na siya nito. Maraming tanong sa isip niya. Kung legal process ang pagpapaampon sa kanya sigurado alam nito kung saan siya lumaki. Maraming what ifs. Gustong-gusto na niya masagot ang lahat ng mga tanong tungkol sa tunay na pangyayari mula ng isilang siya.

Mahigpit ang hawak nito sa mga kamay niya. Luhaan pa rin ito. Kitang-kita ang pananabik at pangungulila sa mukha nito.

Gayunpaman mababanaag na may angkin ganda ito.

"Wala oras na palagi ko pinagdadasal na sana ay makita ko ang anak ni Ate Celeste,"madamdamin nitong sabi.

May luha na hinaplos nito ang kabila pisngi niya at mariin na tinitigan nito ang mukha niya.

"Kamukhang-kamukha mo si Ate Celeste..ang mga mata mo..kagaya ng mga mata ni Kuya Brian,"madamdamin pa rin nito sabi.

Brian?

Ang pangalan ng kanyang ama?

"Alam kong marami kang tanong..handa kong sabihin at sagutin lahat. Napakatagal ko hinintay na mangyari ito,"untag nito sa kanya.

"Legal po ang adoptation sakin gusto ko malaman kung bakit?"usal niya na may pait na nararamdaman sa dibdib.

Humigpit ang paghawak nito sa kamay niya at nagbaba ng tingin. Ang makita reaksyon nito sa unang tanong niya ay masakit para sa kanya.

Gusto niya manumbat pero kailangan niya muna malaman ang tunay na dahilan.

"Ang Papa.."mayamaya usal nito saka nag-angat muli ng tingin sa kanya. Puno ng hinanakit at pagsisisi ang masasalamin sa mga mata nito na may bahid pa din ng luha.

"Hindi niya tanggap ang pagbuntis ng Mama mo,"patuloy nito.

"Kilala ang pamilya natin sa kinalakihan namin magkakapatid at...nirerespeto at hinahanggan doon si Papa,"pagsisimula nito. "Nainlab si Ate Celeste sa Papa mo,kay Kuya Brian,"patuloy nito at sa bahagi iyun may  bahid na lungkot at ngiti sa mga labi nito.

"Isang ordinaryong tao lang si Kuya Brian. Mula sa mahirap na pamilya at nagtatrabaho sa pag-aaaring sakahan ng Lolo mo,"pagkukwento nito tungkol sa kanyang ama.

"Nagkakilala si Ate Celeste at Kuya Brian ng minsan mautusan si Ate ni Papa na bisitahin ang sakahan at..walang amor si Ate sa negosyo ng pamilya,"anito at sa pagkakataon iyun ay may genuine na ngiti sa mga labi nito na tila hangang-hanga ito sa kanyang ina. "May pagkabrat kasi si Ate Celeste, "dugtong nito saka natawa ng mahina.

Hindi niya napigilan mapangiti. Ngayon niya nalaman kung saan nakuha niya ang ugali. Hindi naman siya brat pero ang pagiging matapang ay sa ina niya namana.

"Si Kuya Brian lang ang nagpaamo kay Ate..ang nagpabago rito hanggan sa magkaunawaan sila at mahalin ang isa't-isa. Naging lihim iyun kay Papa. Sa akin lamang pinaalam ni Ate ang tungkol sa pagmamahalan nila ni Kuya Brian at sinuportahan ko yun dahil kung hindi mo naitatanong..labis ang paghanga ko kay Ate Celeste. Brat man siya pero sobrang talino niya. Pinaglalaban niya kung ano ang tama at nasa isip niya na hindi ko magawa dahil...takot ako kay Papa. Tanging si Ate Celeste lamang ang may lakas na patahimikin si Papa kapag nagkakasagutan sila pero sa sitwasyon nila ni Kuya Brian ay siyang kahinaan ni Ate Celeste.  Natatakot siya na baka kung ano gawin ni Papa kay Kuya Brian. Takot si Ate Celeste mawala sa kanya si Kuya Brian pero ang takot na iyun ay nadagdagan ng malaman ni Papa ang tungkol sa kanila at...sa pagbubuntis niya sayo,"pagkukwento nito at saglit na tumigil sa pagsasalita para humugot ng hangin na tila mabigat na parte na ang kasunod na sasabihin nito.

"Gusto ipalaglag ni Papa ang dinadala ni Ate Celeste, "wika nito na kinasikip ng dibdib niya.

Ganun ba siya di katanggap ng kanyang Lolo? Ang pagmamahalan ng dalawang magkaiba ang mundo?

"Pero nilaban iyun ni Ate Celeste binantaan niya ang Papa kung ipipilit nito ang pagpapalaglag sa bata ay mainam na...magkasama kayo mawala,"patuloy nito at muli bumuhos ang luha.

Namalayan na lang niya na may mainit na likido ang tumulo sa pisngi niya.

"Ikinulong siya ni Papa sa rest house namin sa Tagaytay. Mahigpit ang pagbabantay sa kanya hanggan sa maipanganak ka niya. Labis ang lungkot ni Ate Celeste sa naging sitwasyon niyo mag-ina dahil ng isilang ka nalaman namin na..na aksidente si Kuya Brian sa daan sa kakahanap sa inyo mag-ina, "saad nito sabay hagulhol. "W-wala ako magawa! Patawarin mo ko! Hindi ko kayo natulungan. Tinakot ako ni Papa na itatakwil niya ko bilang anak kapag nakielam ako.."humagulhol nitong sabi.  "Hindi ko pa kaya tumayo mag-isa para sa sarili ko. Duwag ako. Sa karuwagan ko tuluyan kayo nawala sakin.."paghagulhol muli nito.

Luhaan na niyakap niya ang malakas na pag-iyak ng kanyang Tita Celyn. Agad naman umalalay ang tahimik lang na si Kennet at inabot ang tubig sa kanyang Tiyahin upang makainom ito at kumalma.

"Mas..mas lalo naging malaking dagok sakin na malaman kong..may breast cancer si Ate Celeste..siyam na buwan ka na non ng...tumakas ako para bisitahin kayo dahil para akong mababaliw kakaisip kung ano na ang lagay niyo pero...p-pero.."humihikbi saad ng ginang pero pinilit pa rin nitong magsalita.

"W-wala ng buhay si Ate Celeste ng madatnan ko sa kwarto niya at ...wala ka na din. Ayon sa...ayon sa mga tao nandun na pinagkakatiwalaan ni Papa. May mag-asawang kumuha sayo at...at doon legal na pinaampon ka sa mag-asawa na siyang kinalakihan mo ngayon,"patuloy nito.

"Sobrang galit na galit ako kay Papa. Marahil kung lumaban si Ate Celeste sana buhay pa siya ngayon pero nagpatong-patong na ang paghihirap niya. Ang pagkamatay ni Kuya Brian,ang cancer niya at ang pagpapaampon sayo iyun ang nag-udyok sa kanya para kitilin ang buhay niya, "pagtatapos nito.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin matapos marinig lahat ng sinabi ng Tita Celyn niya.

"Hanggang sa mamatay na lang si Papa hindi niya sinabi kung sino ang umampon sayo,"pukaw nito sa kanya.

"Hindi ako umiyak ng...mamatay si Papa. Patawarin sana ako ng Diyos pero wala ako maramdaman dalamhati na...na pumanaw ang Lolo mo. Sobrang sakit na ginawa niya. Sinisi ko siya kung bakit nawala sa akin si Ate Celeste na hinahangaan ko..kayo ni Kuya Brian..pero..may isang bagay siya ginawa para mabawasa ang galit ko kay Papa,"anito saka may sinenyas sa nakaabang na matandang kasambahay. Mabilis ang kilos nito at hindi naman nagtagal may bitbit itong long brown envelop at saka nilapag sa center table.

"Last Will testament ni Papa...at..nakapangalan sayo ang sakahan sa Bulacan,"pagsagot nito sa nakikitang tanong sa pagtitig niya roon.

"Cythia,patawarin mo ang Papa sa ginawa niya..sa inyo. Maniwala ka hanggan ngayon sinisisi ko pa rin siya at gayun din anģ aking sarili dahil hindi ako naging matapang para tulungan kayo,"puno ng guilt at pagsisisi nitong sabi.

Napakurap-kurap siya ng lumuhod ito bigla sa harapan niya.

"Patawarin mo sana kami ni Papa!"

"Hindi,Tita..t-tumayo po kayo. N-naiintindihan ko po kayo,"natataranta niyang reak sa pagluhod nito. Tinulungan ito ni Kennet na maiupo muli sa tabi niya.

"Ngayon alam ko na po ang totoong dahilan wala po kayo dapat ipag-alala..ito lang po hinihintay kong malaman tungkol sa totoong dahilan bakit ako pinaampon at naunawaan ko na ngayon yun,"sinsero niya sabi rito.

"Opo,masakit at mahirap pa rin di kayo sisihin pero...alam kong hindi ito madali sa inyo lahat."

Napahagulhol ang Tita Celyn niya sa sinabi niya.

"Nagpapasalamat pa rin po ako kay Lolo na pinaampon niya ako sa...maayos at mabuting asawa na kinilala kong magulang.."may ngiti niyang sabi. Wala siyang balak na ipaalam dito ang pinagdaanan niya sa mga magulang dahil ayaw niya madagdagan ang pagsisisi nito.

Niyakap niya ito. "Ang mahalaga po sakin ngayon hindi na ko naliligaw natagpuan ko na po ang totoong pamilya ko,"usal niya at may luhang umagos sa magkabila pisngi nya.

Hindi tinanggap pero tatanggapin niya ang lahat ng rason upang mapanatag na ang kalooban nila lahat.

Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon