Chapter 13

284 32 10
                                    

VISIT

Tiningala ni Kennet ang nasa harapan na gusali. Ang pag-aari ng dating bituin na kaibigan niyang si Wendell Azer. Ito ang unang kaibigan niya na naisipan niyang bisitahin.

Humakbang na siya upang pumasok sa loob ng building. Binati siya ng guard na nakabantay roon at pinagbuksan siya. Màlawak at malamig ang loob ng lobby ng building. Maraming tao.

Nakakasalubong niya ang mga tao na may kanya-kanya bitbit.

"Grabe! Ang gwapo ni Mr.Azer!"kinikilig na bulungan ng tatlo babae na nakasalubong niýa.

Mr.Azer..si Wendell ang tinutukoy ng mga ito.

Pagkakaalam niya kailangan niya magtanong sa reception area. Ayaw niya na basta na lang istorbohin ang kaibigan baka may ginagawa ito.

Agad na binati siya ng babae pagkalapit niya sa counter.

"Goodmorning, Sir!"friendly nitong bati sa kanya pero makikitaan ng pagkamangha sa mga mata nito.

Naririnig pa niya ang sinasabi ng isip nito.

"Ang gwapo..."

"Hi,pwede ko ba malaman kung saan ko pwede makita si Wendell..uh,Mr.Wendell Azer?"tugon niya rito.

"Ah,Sir..may appointment po ba kayo sa kanya?"tanong nito sa kanya.

Hindi siya nakaimik. Kailangan pala iyun bago niya makita ang kaibigan.

"Hindi ba siya pwede makausap ngayon kahit wala ako appointment sa kanya?"

Ngumiti ang babae. Namamangha pa rin ito sa kanya.

"Ah,Sir..kailangan po kasi..saka may job interview po siya para sa mga bagong aplikante,"tugon nito.

Tumango-tango siya.

"Ano oras kaya matatapos?"

Hindi na siya makapaghintay na makita muli ito.

"May meeting po siya pagkatapos po niya sa pag-iinterview,Sir.."

Napakamot siya sa ulo.

Bakit hindi ka na lang magpakita na di na kailangan makipag-appointment pa..

Napaisip siya. Unfair pero magkaibigan naman sila baka naman kapag sinabi ang pangalan niya agad na makilala siya nito.

"Pwede kaya siya tawagan at sabihin ang pangalan ko?"panunubok niya.

Tumitig sa kanya ang babae na tila ba may sinabi siyang kamangha-mangha.

"Ah,sige,Sir..tatawagan ko po ang sekretarya niya,"mayamaya talima nito.

Nakangiti na hinintay niya ang pagtawag nito sa sekretarya ng kaibigan.

Tila naman naiilang sa kanya ang babae pero pinupukulan naman siya ng nahihiyang ngiti.

"Ah,Sir..pwede po malaman pangalan niyo?"tanong nito sa kanya marahil pinapatanong iyun ng kausap niya.

"Kennet Vaid,ang pangalan ko,"agad na sagot niya.

Agad naman binanggit nito ang buo niya pangalan sa kausap nito.

Naririnig naman niya ang nasa kabilang linya pero hinayaan lang niya na maging normal ang pag-uusap nila ng babae.

"Ah,Sir..deretso daw po kayo sa opisina ni Mr.Azer,"mangha nitong sabi sa kanya matapos ang tawag nito.

Agad natuwa siya sa sinabi nito at ng malaman ang palapag kung saan nakaopisina ang kaibigan agad na sumakay siya sa elevator.

Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon