Chapter 8

354 30 2
                                    

HOME

May halong lungkot ang ngiti ni Danica habang nakatitig sa malaking bahay kung saan siya lumaki. Isang mapait na ngiti ngayon ang gumuhit sa mga labi. Mula pagkabata pinangarap niyang magkaroon ng masayang pamilya. Oo..bata pa lang siya naramdaman na niya na hindi siya ang unang anak ng kanyang mga magulang mula ng maisilang ng Mama niya ang bunso niyang kapatid. Her sister is a miracle baby. Nagkakomplikasyon sa pagluwal sa kapatid niya. Hindi na ito humihinga ng mailiwal ng kanyang ina pero ng magkaroon ng milagro at nabuhay ang kapatid niya mula noon nabalewala na siya. Hindi na siya nakikita ng mga ito. Siguro nga bata pa sya noon at habang lumalaki siya nauunawaan na niya kung ano nga ba siya pamilyang ito.

"Hindi ka masaya na makabalik ka ulit dito?"untag sa kanya ni Kennet.

Bumaling siya sa binata. Kitang-kita sa mukha nito ang pananantiya.

Nagkibit siya ng balikat saka mapait na napangiti. "Wala naman bago kung makabalik man ako ulit  dito sa amin.."saad niya saka muli ibinaling ang atensyon sa unahan.

"Hindi ba masaya?"makahulugan nitong tanong.

Mapait siyang tumawa ng mahina saka muli hinarap ang binata.

"Masaya na kumpleto ang pamilya mo at lagi mo sila kasama,totoo yun!"aniya. "Pero hindi sakin,"dugtong niya saka muli bumaling sa unahan.

"Papasok na ako,"saad niya pagkaraan at saka nilingon ang binata na tahimik lang nakatingin sa kanya.

"Mag-iingat ka sa pag-uwi..teka,alam mo ba kung saan ka sasakay?"bigla niya naalala na kakaiba nga pala ito.

"Sasakay ulit ako sa kanya. Natatandaan pa naman siguro niya kung saan tayo sumakay sa kanya kanina,"saad nito sabay lingon nito at napatingin siya roon. Hindi niya napansin na nagpahintay pala ito sa sinakyan nila taxi.

Tumango siya pagkaraan. "Sige na,sumakay ka na,"utos niya rito.

"Ikaw?"

"Saka na ko papasok pagkaalis mo,"aniya.

Tumango ito. "Sige,aalis na ko,"anito saka tumalikod na sa kanya at tinungo ang kinapaparadahan ng taxi.

Sinundan niya ng tingin ang binata hanggang sa makasakay na ito sa loob ng Taxi. Binaba pa nito ang salamin ng kotse saka kumaway sa kanya.

"Paalam,Danica!"

Natigilan siya. Bumilis ang tibok ng puso niya.

Kumakaway pa rin ito habang papalayo ang Taxi at siya naman nakatitig lang sa huli.

Ano ito?

Bakit ang bilis ng tibok ng puso niya?

"Marunong ka naman pala umuwi,"untag ng kanyang Mama na siyang bumasag sa pamamangha niya sa sarili.

Dahan-dahan siya lumingon sa ina. Nakahalukipkip ito at malamig ang mata na nakatitig sa kanya.

"M-mama,"usal niya at aaminin niya na gusto niya pumalahaw ng iyak ng maalala ang pagkamatay niya...pero nabuhay muli.

"Alam mo bang may problema ang kompanya ngayon at dumagdag ka pa? Kung kailan kailangan ka ng Papa mo saka ka pa umalis at nagpunta kung saan lupalop! Sabihin mo,may kinakatagpo ka bang lalaki at sumama sa kanya?"puno ng akusa turan ng kanyang Mama sa kanya na siyang nagpamaang sa kanya. Nagpahapdi ng kirot sa kanyang puso.

She miss her but nothing change. Isang empleyado lang ang tingin nito sa kanya kaysa tingin bilang isang anak nito.

Agad na pinigilan niya mapaiyak sa harapan ng ina. Sinanay na niya ang sarili na hindi magpakita ng emosyon na kahinaan sa mga mata ng kanyang magulang at ng kapatid niya dahil ayaw niya isipin ng mga ito na nagpapaawa siya at tapos na siya sa puntong iyun. Nakakapagod ng kuhanin ang atensyon ng mga ito kahit kararampot wala maibigay.

"Mama,alam niyo pong wala akong boypren. Wala ako kinakatagpo na kahit sino,"kalmante niyang sagot sa ina.

Inismiran siya ng ina. "Dumagdag ka sa problema namin ng Papa mo sa biglaan pagkawala mo. Magaling ka talaga,"saad ng kangang Mama.

Agad na minanhid niya ang sarili na makaramdam ng pait,awa at pangungulila na namumuo na sa kanyang dibdib.

"Wala kang silbi,"mariin nito sabi sabay talikod sa kanya ng ina.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Kinakalma ang sarili mula sa mga emosyon na gusto ng sumabog.

Humugot siya ng malalim na hininga pagkaraan saka siya umakyat sa hagdanan patungo sa kanyang silid.

Nasa tuktok na siya ng hagdanan ng makita ang kapatid na nakatayo roon at mukhang kanina pa ito roon.

"Hindi mo man lang inisip sina Mommy at Daddy bago ka umalis ng walang paalam,"paninita nito sa kanya.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib. Magkapatid man sila malayo ang loob nila sa isa't-isa pero kung tatanungin noon pa lang sinubukan niyang maging Ate nito pero ito na mismo ang dumidistansya sa kanya.

"Alam mong ayokong nakikitang namomoblema sina mommy tapos ito ang gagawin mo? "

Gusto niya itawa ang panunumbat nito sa kanya.

Hindi ba nito alam kaya siya umalis  dahil sa mga ito. Toxic na toxic na siya. Magkapamilya sila pero anong pakitungo ng mga ito sa kanya?

Ibang tao? Hindi kadugo?!

"Alam mo,Daisy...naging masunurin ako sa lahat ng sasabihin nila,"kalmante niyang sabi sa kapatid.

Umismid ito. "So,ano pinagmamalaki mo ngayon? Kaya mo sila tiisin ngayon dahil sa mga nagawa mo sa kanila?"mataray nitong sabi.

That's it.

"Kung makapagsalita ka sakin,akala mo  wala ako nagawa para sayo?"

Natigilan ito.

Lumapit siya sa kapatid at malamig na tingin ang pinukol niya rito. Hindi siya papayag na tratuhin siya nito na tila hindi nakakatanda kapatid nito.

"I give up everything para lang sa pamilya ito...kahit ang pangarap ko,Daisy...para lang sa pamilya ito."saad niya saka niya ito nilagpasan upang tunguhin ang silid niya.

Naiwan na hindi nakaimik ang kapatid sa sinabi niya.

Puno ng pait na napangiti siya pagkasara niya ng pintuan ng kanyang silid. Nanghihina na napasandal siya roon at padausdos na napaupo sa sahig.

"Bakit ba ang swerte ko sa pamilyang ito?! Ang sama ko ba nun past life ko?"puno ng kapaitan niyang bulalas sabay pakawala ng mahinang tawa.

Nahagip ng mga mata niya ang isang malaking larawan na nakasabit sa bandang uluhan ng kanyang kama.

Ang larawan niya kung saan minsan nagawa niya na maging isang modelo at iyun lang ang naging remembrance niya na kahit papaano sa buhay niya natupad niya ang pangarap niya kahit nangyari lamang iyun noong siya ay nag-aaral pa ng kolehiyo para sa isang subject nila.

"I want to be happy in this family, "usal niya sa kawalan na maraming beses na niyang sinasabi.

Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon