Chapter 9

365 31 2
                                    

CAMERA

Excited na ginamit ni Kennet ang hawak na bagong hightech na Camera. Gusto niya bawat lugar o bagay man ay may maidadala siya pagbalik niya sa Templo. Manghang-mangha na kinukuhanan niya ang bawat anggulo na maganda sa paningin niya. Kasulukuyan siya nasa mataong lugar na tinatawag nilang parke o pasyalan.

Kinukuhanan niya ang mga naroroon kapag nakikita niya masaya ang mga ito na dinagdagan ng magandang view ng paligid.

Nang makarami na siya ng kuha nagpasya siyang maupo muna siya sa concrete bench na nalilimliman ng puno. Nakangiti na iniisa-isa niya ang nakuhanan niyang larawan.

Nakakalahati na siya ng pagscroll ng mga larawan sa hawak na camera ng may mapansin siyang pamilyar na mukha na nakuhanan sa larawan na kinuhanan niya.

Zinoom niya iyun at hindi siya nagkakamali na kilala niya ang babae na nahagip ng camera niya. Nakasideview ito sa larawan habang nakatanaw sa kung saan.

Agad na hinanap ng mga mata niya ang mismong lokasyon kung saan niya nakuhanan ang babae. Nagmamadali na tinungo niya ang kinaroroonan nito at agad na nagreak ang puso niya ng makita ang hinahanap.

Mag-isa lang ito at nasa anyo ang lungkot nito.

Nakalapit na siya rito pero hindi ito lumilingon. Marahil masyadong malalim ang iniisip nito kaya hindi nito pansin ang nasa paligid nito.

Napabuga siya ng hininga at tahimik na umupo sa kinauupuan nitong concrete bench nang makaupo siya isang dangkal ang pagitan saka lamang ito sumulyap sa kanya at nanlaki ang mga mata nito ng makilala siya.

Agad na pinukulan niya ito ng matamis na ngiti.

"Hindi ko inaasahan na magkikita tayo dito,"nakangiti niyang untag sa dalaga.

"Anong...ginagawa mo dito?"tanong nito ng makabawi sa pagkabigla.

Tinaas niya ang hawak na camera at agad na natuon roon ang mga mata ng dalaga.

"Kumukuha ako ng magagandang view para kapag bumalik na ko sa templo may rememberance ako,"aniya.

Binalik nito ang mga mata sa kanya. Makikita ang lungkot sa mga mata nito.

"Ikaw? Bakit ka nandito? Palagi ka ba dito?"pagtatanong niya.

Agad na binaling nito ang mga mata sa unahan.

"Madalas kapag gusto ko mapag-isa,"saad nito.

"Naabala ba kita?"

Agad na binalik nito ang mga mata sa kanya.

"Hindi naman. Nagulat nga ko na magkikita tayo dito,"anito.

"Nakuhanan ka kasi ng camera ko,"agad na sabi niya.

Natawa ito ng mahina. "Talaga? Baka ang panget ko dyan ah!"

Agad na pinakita niya rito ang larawan kung saan nakuhanan niya ito.

"Hindi naman. Malungkot ka dito,"saad niya.

Napaangat ito ng tingin sa kanya saka mapait na tumawa ng mahina.

"Hindi nila ako pinapansin sa bahay,eh.."anito na mahihimigan ang pait at lungkot sa tono nito.

"Gusto mo pasyal tayo?"anyaya niya rito na agad na bumaling sa kanya ito.

Nagtaas ito ng isang kilay.

"Bakit? May alam kang lugar?"

Napakamot siya sa likod ng ulo niya.

"Ikaw sana tatanungin ko eh,"nahihiya niyang sabi.

Napatitig siya sa mukha ng dalaga ng tumawa ito.

Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon