Chapter 18

390 40 3
                                    

PHOTOGRAPHER

Danica dream is become a model pero hindi na iyun nangyari pa dahil tutol ang kanyang magulang at kinuha iyun ng nakababata niyang kapatid na si Daisy ang pangarap niyang iyun.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari ngayon. Tahimik at kabado siya habang inaayusan ng isang make-up artist.

"Maganda ka na kaya hindi ko na kakapalan ang make-up mo,mas maeemphasize ang ganda mo kapag simple lang at manipis ang kolorete sa mukha mo,"papuri untag sa kanya ng matabang make-up artist.

Nginitian niya ito bilang tugon. Kabado siya kaya hindi siya makapagsalita ngayon. Pakiramdam niya kapag nagsalita siya lalo siya kakabahan. Matapos ang pagmimake-up sa kanya ang susuutin naman niya ang sunod na ginawa isang binabae stylist ang nag-asikaso sa kanya at pinasuot sa kanya ang isang simpleng casual attire na white and gray ang kulay. White sleeveless shirt ang pang-ilalim na pinatungan ng gray suit na tinernuhan ng gray slacks.

Napangiti siya ng magustuhan niya ang attire. Mabuti na lang may pagka-conservative ang boss nila kaya kadalasan na pinasusuot nito sa nakukuha modelo ng kompanya nito ay yung simple at casual o pormal attire. Hindi rin naman siya handa kung sexy attire ang susuotin niya.

"Alam mo sa totoo lang,gurl..sa lahat na kinuha model ni Papa Wendell ikaw ang pinakabet ko! Well,magaganda rin naman sila pero iba ang dating mo pangmodelo talaga ang aurahan saka nakita pa lang kita kanina alam kong perfect choice ka,gurl!"tuwang-tuwa sabi ng binabaeng stylist.

Nahihiyang nagpasalamat siya sa papuri nito. Sa suot niya ngayon mas nakita ang tangkad niya at ang hubog ng katawan niya.

"Saan ka na ba nagmomodelo? Sa ganda mo yan sigurado kilala ka na ngayon!"untag sa kanya nito.

"Hindi po ako modelo,"matapat niya tugon na kinataas nito ng kilay. Natawa siya ng mahina.

"Sigurado ka,Teh?"napapantastikuhan nito sabi.

Nakangiti na tumango siya ng sunod-sunod.

"Yes,first time ko lang gagawin ito saka empleyado ako ni Boss Wendell kaya wala ako choice kundi pumayag sayang din kita din ito,"saad niya na sinundan niya ng mahina tawa.

Napailing ang bakla stylish at tila duda pa ito. Natawa na lang siya. Ilang sandali na lang ay magsisimula na ang shoot. Narehearse na niya ang gagawin para sa eksena na gagawin at pagkatapos ng shoot. Pictorial shoot na ang susunod kaya sigurado siya pagkatapos ng araw na ito ay ubos ang lakas niya.

"Danica!!"

Agad na napabaling siya sa pamilyar na boses na tumawag na iyun sa kanya. Awtomatiko na napangiti siya ng makita ito. Kasama nito ang boss nila.

"Wow! Parang ikaw pa mas mukhang boss sa atin dalawa ah!"bungad sa kanya ni Wendell pagkalapit ng mga ito sa kanya.

Nahihiyang natawa siya sa sinabi nito.

"Ang ganda mo! Hindi kita kaagad nakilala ah!"untag ni Kennet. Titig na titig ito sa kanya at kitang-kita ang pagkamangha nito sa nakikita.

Bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso niya. Kabado lang siya.

"Uh,salamat,"mahina niya sabi.

"Huwag masyado titigan matunaw yan kailangan ko pa siya sa kompanya ko,"panunudyo ni Wendell sa kaibigan.

Nanlaki ang mga mata niya at mas lalo bumilis ang tibok ng puso niya.

Napakamot naman sa ulo si Kennet.

"Pasensya na. Ang ganda niya kasi.."saad nito na mas lalo nagpakabog sa dibdib niya.

Nakangisi na bumaling sa kanya si Wendell.

Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon