2 DAYS
Inilapag ni Danica ang isang bungkos na pulang rosas na siyang paborito ng tunay na ina nito. Binisita nito kung saan inilibing ang magulang nito. Katabi ang puntod ng ama nito. Ang Tita Celyn nito ang nag-abala na ipagtabi ang puntod ng magulang nito matapos magkaroon ng lakas ng loob ang huli na salungatin ang ama nito.
"Hindi ko man kayo nayakap ni Papa. Alam kong masaya kayo magkasama ngayon. Salamat sa buhay na ibinigay niyo sakin,"madamdamin saad ng dalaga.
Inakbayan niya ang dalaga saka hinalikan ang gilid ng noo nito. Hinayaan niya din na kausapin nito ang magulang at tahimik lang siya nakikinig sa sinasabi ng dalaga.
Madilim na ang paligid ng umalis sila sa puntod. Alam niyang kulang pa sa dalaga ang oras na makasama ang magulang nito pero kinailangan magpatuloy sa buhay.
Tumingala siya sa madilim na kalangitan na nakukumotan ng mga bituin.
Isang maliwanag na guhit ang pumukaw sa kanya at kusang humakbang ang mga paa niya kung saan mababagsak ang liwanag na iyun.
Nakalutang sa ere ang liwanag at inabot niya ang nagliliwanag na papel.
Nagsasaad na iyun ng tagumpay niya sa kanyang misyon at oras na para siya ay magbalik sa templo anuman oras ngayon.
Tumingala siya sa kalangitan.
"Gusto ko po sana ihilingin ng bigyan niyo po ako ng dalawang araw pa para makasama ko siya bago ang pagbabalik ko sa templo,Mahal na Haring-Bituin,"usal niya saka unti-unti naglaho ang liwanag sa harapan niya.
Alam niyang may basbas na ang kahilingan niya.
Kinabukasan,maaga siyang nagpakita sa dalaga. Pagmulat ng mga mata nito mula sa mahimbing nitong pagkakatulog ay siya ang una nitong namulatan.
Matamis na ngiti ang pinukol niya rito saka pinangahasan na yakapan ito habang nakahiga sila pareho patagilid. Hinayaan naman siya ng dalaga at sumiksik pa ito sa katawan niya kaya mas hinigpitan niya ang pagkakayakap rito.
"Goodmorning,"usal niya sa ibabaw ng ulo nito.
Tumawa ito ng mahina . "Morning din. Napaaga ka ata ngayon,"usal nito habang nakaunan ito sa dibdib niya.
Humigpit ang yakap niya sa dalaga.
"Babalik na ko sa templo,"mayamaya usal niya.
Natigilan ito at unti-unti nag-angat ng mukha sa kanya.
"Totoo?"
Tumango siya at mababanaag ang lungkot sa mukha ng dalaga.
"Ayaw kong sirain ang umaga mo pero ayoko naman di sabihin sayo kaagad at kung kailan aalis na ko saka pa ko magsasabi. Alam kong hindi mo magugustuhan yun,"saad niya.
Hindi ito umimik.
He just look at her beautiful face. May lungkot ito pero tila pinipilit nito na hindi ito magpatalo sa emosyon iyun.
Bumangon ito na may ngiti na sa mga labi nito.
"Kung ganun..dapat gawin na natin ang di mo pa nagagawa gaya ng pagpunta o nakain?"
Napabuga siya ng hangin saka napipilitan na bumangon at sumandal sa headboard ng kama nito.
"Okay lang ba kung dito na lang tayo sa bahay maghapon?"
Natigilan ito sa sinabi niya.
"Yun ba ang gusto mo?"mayamaya untag nito.
Tumango siya.
"Okay. Sige,ahm..magmovie marathon tayo,okay ba yun sayo?"
Hindi siya tumugon.
"Magluluto ako ng meryenda na makakain natin habang nanunuod,okay?!"anito saka tuluyan ng bumaba sa kama nito at nagmamadaling tinungo ang closet nito at saka dumeretso sa banyo nito.
BINABASA MO ANG
Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)
FantasyIsa si Kennet sa sampung bituin o mga tinatawag na Star of life. Sila ang mga bituin na nagbibigay ng pangalawang buhay sa mga tagalupa at isa iyun misyon para sa kanila. Si Kennet ay matagal ng namamangha kung ano nga bang klaseng mundo meron ang m...