Chapter 6

411 36 1
                                    

BOYFRIEND

Danica look dumbfounded.

Unti-unti tinatanggap na ng utak at ng kamalayan niya ang nangyayari sa kanya.

Yes, she's still alive,for real!

Ang liwanag na nakita niya bago siya tuluyan nalagutan ng hininga ay isang...bituin?

Yes,bituin...hindi isang anghel na inaakala niya dahil isang literal na bituin ang bumuhay sa kanya.

He prove it to her. Ang makitang nagliliwanag ito ay isa ng patunay na hindi siya nababaliw.

He's real!

"Naubos ko na yung hotdog,"pukaw sa kanya ng lalaki.

Saka lang siya natauhan ng marinig ang sinabi nito.

Nakatitig ito sa hawak nitong plato na pinaglagyan nito ng hotdog. Gusto niya matawa sa nakikitang ekspresyon sa mukha nito.

He looks like a child na guilty dahil may nagawang kasalanan.

Tumikhim siya bago niya ito sinagot. "Ayos lang..magluto na lang ulit,"aniya.

Agad na umaliwalas ang mukha nito at noon lang niya natitigan ang mukha nito.

Gwapo ang lalaki. Matangkad. Higit sa lahat napakainosente ng itsura nito.

"Ako ulit magluluto!"agad na boluntaryo nito at mabilis na nagtungo sa kalanan.

Napatingin na lang siya sa lalaki.

"Hindi ko alam kung ano ang pangalan mo?"mayamaya untag niya rito.

Agad na nilingon siya nito. "Kennet ang pangalan ko,"tugon nito.

Tumango-tango siya.

"Danica naman ang pangalan mo,di ba?"dugtong nito.

"Oo, "mangha niyang saad.

Hindi siya madali maimpress sa lalaki na kapag ngumiti mas lalo gumagwapo sa paningin niya..at isa nga itong bituin,nagniningning ang kagwapuhan lalo na kapag ito ngumingiti.

Impress lang self..

"Nasasarapan ka din ba sa hotdog?"tanong nito.

Isang inosenteng tanong pero iba ang pumasok sa isip niya. Tumikhim siya para alisin ang agiw sa isip niya.

"Ahm,masarap,gusto ko din,"mahina niyang sabi.

"Ako din kaya dadamihan ko ang luto,"saad nito at muli tinuon ang atensyon sa kalan.

Napatitig na lamang siya sa lalaki. Kakaibang nilalang,well,literal na kakaiba.

Napabuntong-hininga na lang siya pagkaraan at sinuyod niya ng tingin ang kabuoan ng kusina. Muli niyang sinulyapan ang binata na tuon na tuon ang atensyon sa pagpiprito nito ng hotdog at saka siya gumalaw upang ilagay sa tamang paglalagayan ng mga gulay at ng iba pa.

Naitanong niya sa sarili. Paano ito nagkaroon ng ganitong kaganda bahay? Kusina pa lang,high tech na.

Baka nagmagic?!

Naiiling na lang niya ang kaisipan iyun at pinagpatuloy ang pagliligpit niya.

She so amazed.

Nakakamangha na makitang determinado na matuto ang lalaki sa kahit anong bagay na unang beses pa lamang nito mararanasan,una ang pagpiprito ngayon naman ay ang paghuhugas ng pinagkainan nila.

"Curious lang ako,"untag niya mayamaya habang pinupunasan niya ng tuyong basahan ang hinugasan nitong plato.

"Ano yun?"sagot nito pero nasa sinasabunan nitong baso ang atensyon.

Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon